May Pinoy bang hindi makikilala ang familiar phrase na "LETS... VOLT... IN"?
Di ko na maalala kung kailan ako nagsimulang mahumaling sa Voltes V pero pag titingnan mo yung mga photo album sa bahay nung 2-3 years old pa lang ako, pwede na akong model ng Voltes V apparel. Sabi sa kin ng nanay ko, may cassette tape pa daw ng Voltes V soundtrack na paulit-ulit kong pinapa-play sa kanya. Pag tinutugtog na yung main theme, tatayo ako sa upuan, sisigaw ng "LET'S VOLT IN!", sabay talon pabagsak sa sahig. Hindi ko na maalala, at hindi ko alam kung ba't ginagawa ko yon. Pero naman, 3 years old lang ako nun. Cut me some slack.
Sa bawat pagkakataon na may re-run ng Voltes V, nakukuha kong sundan ito at kahit alam na yung kwento ng episode na yon, tinatapos ko pa rin sya. Kahit pa may mga kinahiligan pa akong ibang anime series tulad ng Daimos, Ghost Fighter, Dragonball Z, Samurai X, Flame of Recca, tsaka yung paborito ko ngayon na Naruto, binabalikan ko pa rin ang Voltes V. Hindi lang siguro ako ang nakakaramdam ng ganito, kundi pati mga libu-libong Pilipinong nabuhay sa panahon ng Voltes V.
Ano bang meron ang Voltes V at umabot ito ng ganitong status sa psyche ng Pinoy?
Una sigurong dahilan kung bakit nakadikit na sa kulturang Pilipino ang Voltes V ay ang tatawagin kong "Jollibee factor". Pansinin nyo ang Jollibee. Ang main target ng fastfood chain na ito ay mga batang Pilipino. Sa mga magulang na nagbabasa nito, sigurado ako na isa sa mga unang salitang itinuturo nyo sa mga anak nyo ay "Jollibee". Pag dadaan kayo sa isang branch nito, laging "baby o, where's Jollibee?". Sa lasa naman, pansinin nyong matamis ang pagkain dito, which is definitely aimed sa panlasa ng mga bata. Mula pagkabata, Jollibee. Kaya dadalhin yan hanggang sa pagtanda. Dahil na-train ang taste buds mo sa lasang Jollibee, yun na ang magiging standard mo ng sarap.
Ok, i-connect natin sa Voltes V. Nung late 70s to early 80s, wala pang console gaming, wala pang PC, lalong walang Internet. Ang phone line nga noon, literal na sampung taon bago makabit. Wala pang cable TV nun. Iilan lang talaga ang channel, kaya walang ibang choice kundi panoorin ang pinapalabas sa mga ito. Isa ang Voltes V sa mga kakaunting cartoons sa mga kakarampot na channel sa TV noon. Wala nang ibang choice kundi panoorin ito. Sino ba naman ang hindi mabe-brainwash sa ilang beses na pag-ulit ng series na ito? Yung mga bata noon na paulit-ulit nanood ng Voltes V, dinala hanggang sa pagtanda ang hilig sa cartoons na ito.
Hence, the "Jollibee factor". Di nyo ba naitatanong kung bakit mas sikat pa ang Sesame Street sa 30-ish crowd ngayon kesa sa target audience nito na mga toddler to pre-school children?
Pangalawa, patok ang Voltes V dahil kasabay ng kasikatan nito ang tail-end ng "real-life Boazanian invasion" sa Pilipinas, ang Martial Law era. Matatandaang tinanggal ni Marcos ang Voltes V sa TV dahil ito daw umano ay may tema ng rebelyon at sedisyon. Pero shempre mas madali namang sabihin na "bawal ang violence sa mga bata". Basahin nyo na lang to sa Wiki ng Voltes V under "The Ferdinand Marcos issue"
Nagulat din ako noon na nawala ang Voltes V. Sabi sa kin ng nanay ko, may bata daw na gumaya kay Voltes V at tumalon galing sa taas ng building. Naniwala ako sa kanya noon, pero sa pagtanda ko, wala akong makitang episode na tumalon si Voltes V ng building. (Mga nanay talaga, o.) Siguro hindi si Voltes V ang ginaya nung batang yun. Si Dante Varona o si Lito Lapid malamang, kasi sila yung mahilig tumalon sa building nung panahon na yun e.
Iniisip ko nga kung ano yung rebellious sa Voltes V e. Napapraning lang siguro talaga si Marcos noon kasi dumadami na ang mga political activists mula sa hanay ng kabataan. Tingin ko, sa sobrang kapraningan nya, lahat na ng may tema ng oppression ay konektado na sa rebolusyon. Pati Daimos at Mazinger Z, nadamay sa kapraningang ito. Hindi alam ni Marcos na sa mismong act ng pagtanggal nyang ito ng Voltes V sa TV, doon sya itinuring na kaaway ng mga bata. Natatandaan ko pa noong 1986 People Power, naglalaro kami nun sa labas ng bahay, tapos isa sa mga kalaro ko ang nagsabing "sana umalis na si Marcos para mabalik na ang Voltes V". At lahat kami ay sumang-ayon sa kanya.
Ang huling dahilan, sa tingin ko, kung bakit nakapaskil na ang Voltes V sa utak ng mga tao ay ang tatawagin kong "Telenobela factor". Medyo self explanatory na ang factor na ito. Kung papanoorin mo yung Voltes V, makikita mong hindi pambata ang kuwento. May mature themes tulad ng parental abandonment (Armstrong brothers), death of a loved one (Mary Anne Armstrong, Jamie and Commander Robinson), coming of age (Little Jon and Octo1), struggle for survival, at ang ever-popular telenobela theme ng sibling rivalry (Steve and .. teka di ko pwede sabihin, spoiler kasi e. hahaha).
Tanggalin mo sa Voltes V ang sci-fi elements tulad ng robot, beast fighter, alien, at ang idea na may intelligent life form sa ibang planeta, makikita mong kuwento ito ng mga magkakapatid na hinahanap ang kanilang ama habang pasan nila sa kanilang balikat ang kaligtasan ng mga tao sa paligid nila. Hindi ba mahilig tayong mga Pinoy sa mga ganitong klaseng drama?
Mauugat ang dahilan ng pagkahilig sa drama ng mga Pilipino sa Zarzuela, isang uri ng musical theater na dinala ng mga Kastila sa Pilipinas. Isang uri ng Zarzuela na sumikat sa Pilipinas ay ang Moro-Moro, na umiikot sa tema ng digmaan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano. Ang mga characters ng Moro-moro ay mula sa hanay ng maharlika, mga mandirigma, at mga pangkaraniwang tao. Ang labanan sa Moro-moro ay sa pamamagitan ng espada. Hmm, parang Voltes V din yun a, wala nga lang Muslim at Kristiyano. Pero teka, magkapareho ng features ang Boazanian at ang Human a, sungay lang ang pinagkaiba.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ang Voltes V sa pagdefine ng isang generation. Hindi nagpapatawag na "Martial Law Babies" ang mga pinanganak noong 1970-1980. Mas pipiliin pa nilang tawagin na "Voltes V Generation". Hindi mahirap hulaan kung bakit pinamagatan ng Eraserheads na "Ultraelectromagneticpop!" ang una nilang album. Ang mga nakakaintindi ng title na ito ang kanilang target audience. Madaling kinagat ng mga tao ang "Ang Dating Doon" sa Bubble Gang, dahil ang kanilang anthem sa mga skit nila ay ang theme ng Voltes V. Mismong isa sa mga network executives ng GMA7 ay umamin na fanatic sya ng palabas na ito. Tsaka Voltes V lang ang kaisa-isang show na ipinalabas sa halos lahat ng local channels sa Pilipinas (ABS-CBN 2, PTV 4, GMA 7, RPN 9, IBC 13).
Bakit tumatak ang Voltes V sa Pilipino? Three things: kuwentong pang-Zarzuela ng mga Kastila, gamit ang pananalita ng mga Amerikano, kasabay ang visual art ng mga Hapon.
Walang kasing Pilipino ang Voltes V.