Tuesday, April 05, 2016

Mailbox ni Tito, Episode 2 - The Tita and The Millenial

Maraming salamat sa mga nag-post ng tanong sa ask.fm account ko. Click nyo na lang to kung na-miss nyo yung Episode 1.

Alright, double header tayo ngayon!

Ang unang tanong ay galing kay "Tita of Manila". Sabi nya,

Dear Tito,

Hindi kita pwedeng maging tito kasi halos magka-age lang tayo. Ang question ko ay ito: bakit po kahit matanda na ako, naa-addict pa rin ako sa mga tweetums na Korean/Japan rom-com tsaka sa mga loveteams tulad ng AlDub at JaDine? Hindi ba ako masaya sa buhay ko? Salamat po!  

Tita of Manila



Dear Tita of Manila,

Salamat sa iyong napakagandang tanong. Nais kong simulan ang sagot ko sa quote ng isang sikat na pilosopo ng UP Los Banos noong dekada 90:

"Life is too serious to be taken seriously" - Catalino Pineda Jr., 1996

Kung halos magka-age tayo, tapos tita ka pa, malamang minimum 12 hours ng araw mo ang dedicated sa trabaho (sana lang e kasama na dyan sa 12 hours yung biyahe papunta at pauwi ng opisina). Kung may anak ka, minimum 3 hours sa pagtulong sa homework at review, isang anak pa lang yan. Tapos magluluto ka pa. Congrats na lang kung kumpletong 8 hours ang tulog mo.

Pagdating ng weekend, maglalaba ka, maglilinis ka ng bahay, magpa-plantsa, maggo-grocery ulit. Magugulat ka na lang, Lunes na ulit kinabukasan.

Pero hindi ibig sabihin nito na hindi ka masaya sa buhay mo. Hindi ka ba masaya pag chinecheck mo yung bank account mo pagpasok ng sweldo? Hindi ka ba masaya pag nakita mong nag-improve yung grades ng anak mo sa report card? Hindi ka ba masaya pag nagpasalamat sa yo ang mga kasama mo sa bahay kasi napakahusay mong mag-alaga?

Nakaka-burnout ang routine, kaya kailangan mong tumakas paminsan-minsan. Dito papasok yang bisyo mong panonood ng Korean/Japanese drama at pagkahumaling sa mga loveteam. Walang pinagkaiba yan sa pagbabasa ng libro, paglalaro ng basketball, pa-foot spa + pedicure, pagco-cosplay ng anime characters, tsaka pakikipag-chismisan sa mga kumare.

Para sa ibang tao, "escapism" ang tawag dito. Sa kin, ayokong tawaging "escape". Sabihin mo na lang na nagre-recharge ka. Pagbigyan mo yung sarili mo ng oras na makakalimutan mo ang mga responsibilidad mo sa buhay, para pag nag-back to reality ka, parang renewed yung sense of commitment mo.

TL;DR Nakaka-low batt ang real world, tama lang na magpakilig para mag-recharge. 👍

Teka, kain muna ako


Ang second question natin ay galing kay "MillenialProblems008". Sabi nya,

Dear Tito, 

More than one year na 'kong nagwowork pero hirap pa rin ako makaipon. Pano po ba makakatipid at makakapag-carpe diem at the same time? 

Yours truly,
MillenialProblems008 

Dear MillenialProblems008,

Malamang kaya ka hindi makaipon e dahil sa pagca-carpe diem mo.

Let's take a step back. Sa mga nagbabasa nito na hindi alam ang "carpe diem", ito ay Latin for "seize the day", or in Millenial terms, "#YOLO". Sumikat ang carpe diem noong lumabas ang movie ni Robin Williams na Dead Poets Society noong 1989. Siguro, dahil ma-appeal ang instant gratification sa mga kabataan, yung "seize the day" lang ang naging key takeaway sa buong quote. Pero sa totoo, ang buong sinabi ng character ni Robin Williams e:

"Carpe, carpe diem, seize the day boys, make your lives extraordinary."

Ayan ha, malinaw. Hindi "make your day extraordinary" kundi "make your lives extraordinary".

To answer your question,

Para makatipid:

1) Unang-una at pinakamahalaga, do your best to increase your income.

Maghanap ka ng mas mataas na sahod, maglagay ka ng pera sa investments na mas mataas ang rate kesa deposit accounts. Wag kang magbayad ng income tax LOL.

2) Kung wala ka nang ibang maisip na pangdagdag ng income, then live below your means.

Importante dito na maging mantra mo ang "SAVINGS BEFORE EXPENSES". Pagka-sweldo mo, itabi mo na agad ang 10-20 percent ng income mo. Ilagay mo sa isang bank account na hindi mo basta-basta magagalaw. Tapos yung matitira, yun na ang panggastos mo.

Di ko naman sinasabing magpaka-batang hamog ka sa hirap. Pwede ka namang mag-Starbucks kung masarap naman talaga yung kape dun para sa yo, pero dapat magsakripisyo ka ng ibang expenses, tulad ng pag-iwas sa restaurant lunch and dinner.

3) Record your expenses.

Sobrang daming pagpipilian sa mga nagkalat na expense tracker at personal finance apps sa iOS App Store, Google Play, tsaka Microsoft Store. Kung ayaw mo namang gumamit ng app sa phone, pero marunong kang gumamit ng Microsoft Excel or Google Spreadsheet, napakadali pa ring mag-record ng gastos. Apat na column lang:

a. Date - araw ng gastos
b. Category - anong klaseng gastos (rent, transpo, bisyo, etc)
c. Description - kung ano ang gastos
d. Amount - magkano ang ginastos

Kapag naging habit mo magrecord ng expenses, pwede mo nang aralin kung saan napupunta ang pera mo. At pag alam mo na kung saan napupunta ang pera mo, malalaman mo na kung ano ang dapat mong itigil o bawasan para makatipid.

For the "carpe diem" part:

1) Ano ba muna ang sagot mo sa tanong na "how can you make your life extraordinary?"

Sagutin mo muna yan bago ka magplano ng kung anu-ano. Pwedeng "travel with family", "take up culinary arts", "learn piano", etc. Kung ano man yang sagot mo, siguradong dagdag gastos yan.

2) Mag-set ka ng SMART goal, SMART - Simple, Measurable, Attainable, Relevant, Time-bound.

Pag na-finalize mo na yung total na gastos para sa goal na to, i-divide mo sa kung gaano karaming buwan mo balak pag-ipunan. Tandaan mo, hiwalay pa to dun sa 10-20 percent na sinabi ko kanina.

For example, ang SMART goal mo e "3D2N Bora Trip with BebehKuoH 1 year from today"

Round trip plane fare -> 4000 x 2 = 8000
Chipipay na Hotel 3D2N stay -> 6000
Food/Drinks/Souvenirs -> 4000
Total = 18000
Divided by 12 months = 1500
Divided by 30 days = 50

O yan, isipin mo, kung may 50 pesos a day ka na matitipid, in 1 year, may Bora trip na kayo ni BebehKuoH.

TL;DR Magtipid araw-araw, planuhin lahat ng gastos, while making your life extraordinary 👍

That's all for today, folks. Kung may nais kayong itanong, maari po lamang na i-click ang link na ito

https://ask.fm/tabachoi93

0 comments:

Post a Comment