Galit na galit ako kay Kris Aquino.
Sa bahay namin, bawal bumili ng produktong ine-endorse nya, kahit gaano pa kasarap yung San Marino Corned Tuna, tsaka yung Chowking Lauriat or Halo-halo. Ngayong 2016 elections, in-endorse nya si Leni Robredo. Kaya yan, kahit gaano pa kaganda ang credentials ni Leni, hindi ko na sya iboboto. Ganun ako kagalit kay Krizzy.
Obvious naman sigurong hater ako ni Kris Aquino no? Pero sige, para lang humaba tong blog ko, tingnan natin yung symptoms ng pagiging hater:
Hater Symptom #1: Wala kang maisip na specific reason kung bakit galit ka sa kanya, pero asar na asar ka sa pagmumukha nya
Hindi pwedeng sabihing haters yung mga nagagalit sa gobyerno. Kasi nagbabayad ng income tax ang mga tao, tapos mapupunta lang sa bulsa ng pulitiko, or ine-neglect lang ng mga government agencies yung expected na serbisyo mula sa kanila. May dahilan para magalit.
Hindi mo rin pwedeng sabihing haters yung mga nagagalit kina Cristy Fermin or Jobert Sucaldito. May ginagawa naman talaga silang masama directly sa ibang tao to deserve all the hate. Naninira sila ng buhay ng mga naghahanapbuhay na mga artista through gossip. May special layer of hell para sa mga taong gumagawa-gawa ng kwento para sirain ang buhay ng ibang tao.
Pero eto, hindi naman kami magkakilala ni Kris Aquino. Wala naman syang ginagawa sa kin o sa kahit sinong kamag-anak ko. Pero tuwing makikita ko talaga ang pagmumukha nya sa TV or sa mga billboard, kumukulo ang dugo ko.
Symptom #1: CHECK
Hater Symptom #2: Sa tingin mo, mas magaganda ang mga magiging desisyon nya sa buhay pag ikaw ang nasa lugar nya
Hindi mo kasi pwedeng sabihin na "inggit ka lang" sa lahat ng haters e. Hindi naman ako naiinggit kasi sobrang mayaman si Kris at marami syang kaibigan. Hindi ako ganun kababaw.
Ito siguro ang pinaka-major-major attribute ng hater: kahit gaano pa kataas ang mga na-achieve mo, at gaano kahirap yung mga pinagdaanan mo sa buhay, tingin nila, magiging mas maganda ang buhay mo kung nakikinig ka lang sa mga desisyon nila para sa yo.
Eh ayaw nila sa mga ginawa mong desisyon sa buhay mo, kaya ayan, ayaw ka na rin nila.
Oo, tingin talaga nila mas magaling sila sa yo, kahit nakikigamit lang sila ng free wifi sa mall, umaasang i-retweet sila ng mga tina-tag nilang celebrities sa Twitter, at sumasali sa comments sa mga blind item ni Fashion Pulis.
Eto. Tingnan mo, anak si Kris ng dalawa sa most beloved figures in Philippine history: Cory Aquino, the housewife who toppled a dictatorship; Ninoy Aquino, the contemporary Filipino martyr. Yung kapatid nyang si Noynoy, naging pangulo ng bansa.
Pero sya... "Queen of all media"? Si Oprah Winfrey yun e. Ano pa ang notable achievements ni Kris? Kabit ni Philip Salvador? Massacre queen? Dida sa Pido Dida? Taklesa Queen? Host ng Pilipinas, Game KNB?
Kung ako siguro ang nasa lugar ni Kris, hindi ako maga-aksaya ng buhay ko sa showbiz at magpahawa ng STD kay Joey Marquez. Siguro naging lawyer na lang ako at nagpatuloy na ipaglaban ang mga naaapi. Siguro ginamit ko yung magandang pangalan ng Aquino para maging human rights activist at panagutin ang mga Marcos and all that shit.
Oh my gulay. I can be a better Kris Aquino than Kris Aquino herself.
Symptom #2: CHECK
Kaya ang tanong ngayon e, may lunas ba to? May dapat bang gawin si Kris Aquino para ma-convert ako from Kris hater to Kris love love love?
Ang sagot dyan e: WALA. Walang magagawa si Kris Aquino para mawala tong galit ko sa kanya, unless siguro ayusin nya ang buhay ni Bimby at gawin nyang mabuting lingkod-bayan ang anak nya kesa maging commercial model. See symptom #2.
Pero tingnan mo, may pakialam ba si Kris sa kin? Wala.
Nagbago ba sya para sa kin at sa milyun-milyong iba pang haters? Hindi.
Gagawa pa rin ba sya ng mga katangahang ikakagalit ko? Malamang.
Kung wala naman palang magagawa para mabago ang pag-iisip ng mga taong galit sa yo, pwede na bang mag-move on na tayo ng topic mula sa galit ko kay Kris Aquino at mag-focus sa kung ano ang pwedeng gawin pag may haters ka?
Yes please.
How To Deal With Haters. Written By A Hater.
1) Wag mo silang pansinin
Kung may mga haters ka, wag kang mag-resort sa pagpost ng mga quotes sa Instagram or Facebook na nagpaparinig sa kanila tulad nito
Ipaparamdam mo lang kasi sa kanila na ina-acknowledge mo ang presence nila. At pag alam nilang nage-exist sila sa mundo mo, ehh talagang mage-exist sila sa mundo mo. Every. Single. Day. Of your life.
2) Accept the fact that you can't please everybody.
Sa mismong pagtimpla lang ng kape, iba-iba na ang mga tao, kung ilang teaspoon ang kape, asukal, cream, at kung gaano kainit ang tubig. Kaya nga dapat mong tanungin yung tao kung paano yung gusto nyang timpla ng kape bago mo sya gawin. Kasi magkaiba kayo. Hindi mo pwedeng ipilit na mas masarap yung style ng pagtimpla mo sa mga taong iba ang panlasa sa yo. Unless magsyota kayo or mag-asawa, ibang usapan na yon.
Ito ang dahilan kung bakit hindi binabago ni Zack Snyder ang portrayal ni Superman sa Man of Steel tsaka Batman v Superman. E sa gusto nyang tatanga-tanga si Superman, bakit ba? Kayo na lang kaya ang magsulat at mag-direct?
Pero Mr Snyder ...
3) Tanggapin mo rin paminsan-minsan ang mga criticisms na nakukuha mo
Maraming klaseng criticisms, at siguro naman may mga kaibigan kang may sense kausap. Kung wala kang kaibigang may sense kausap, kasalanan mo na yon. Kapag sila na ang nagsabing mali ka, baka mamaya, mali ka naman talaga.
Tanggapin mo paminsan-minsan ang advice ng mga katiwa-tiwalang tao, baka mamaya tama naman ang sinasabi nila. Keywords here are "katiwa-tiwalang tao". Hindi naman siguro katiwa-tiwala para sa yo yung mga nagpaparinig sa Twitter. Hindi rin katiwa-tiwala yung mga katulad ni Cristy Fermin.
Lagi mong isipin na ang malaking difference between magandang feedback sa hater trolling comment ay ang pagkakakilala mo sa nagsabi nito.
4) Obstacles are what you see when you take your eyes off your goal
May sarili kang buhay. May sarili kang goals at objectives. Kung hindi naman kasali sa pag-achieve ng goals mo yung pagpatol sa mga nagagalit sa yo, bakit mo pa sila paga-aksayahan ng oras? Mas ok pang mag-aksaya ng oras sa panonood ng Home TV Shopping channel, baka may makuha ka pang tool don na magi-improve ng buhay mo.
Ang mga haters, walang ibang hinihintay yan kundi ang pagkakamali mo. Isang blunder mo lang, magtatalunan na sila sa tuwa. Isipin mo, tao ka lang at magkakamali ka rin eventually, kaya 100% sure na mapapasaya mo ang haters. Kaya mas madali na lang na gawin mo ang opposite ng ginagawa nila sa yo:
Kung gaano, sa tingin mo, sila kagalit sa yo, ganun mo mahalin ang sarili mo.
Love love love!
Thursday, April 28, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment