Tuesday, June 10, 2008

Ang Squatter, Ang Ipis, At Ang Meralco Commercial Ni Judy Ann Santos

Naglakad ako kahapon sa aming friendly neighborhood squatters area kasi yun ang pinakamalapit na daan papunta sa grocery. I got reacquianted with the place na halos 5 years ko nang hindi nadadaanan. Wala pa ring nagbago. Andun pa rin yung mga batang walang damit na naghahabulan sa kalye. May isang batang dumudumi sa puwang ng nakabukas na manhole. Nandun pa rin ang mga lalakeng nakapalagid sa isang boteng Emperador brandy. Yung mga babae, abala sa pagbi-bingo. Halos lahat ng bahay, amoy kinulob na kahoy na binasa ng pinagbanlawan ng labada.

Ang nagbago lang siguro ay yung dami ng mga batang naglalaro. Bawat kanto ng mga looban, may naglalarong higit-kumulang sa sampung bata. Sa buong street, may total ng 20 na kanto ng looban. Do the math.

Naisip ko, pataas na nang pataas ang presyo ng mga bilihin. Ang mga taong to  eh halos walang income, at walang tigil din gumawa ng anak. Hindi kaya mamatay sa gutom ang mga ito?

Tekaaaaa... mamamatay sa gutom ang mga squatter? Hmmmm

Pag namatay na sa gutom ang lahat ng mga squatter, kokonti na yung magnanakaw ng kuryente sa lugar namin. Therefore, bababa ang "system loss charge" ng Meralco. Bababa ang bill namin ng kuryente.

Pag namatay na sa gutom ang lahat ng mga squatter, wala nang lalapitan yung mga pulitiko sa lugar namin para bumili ng mga boto. Therefore, karamihan na ng mga botante ay nakapag-aral at marunong nang pumili ng iboboto. Di naman siguro kami kayang bilhin ng 500 pesos lang. Maaayos kahit papano ang electoral system kahit sa lugar lang namin. Malaking difference na yon.

Pag namatay na sa gutom ang lahat ng mga squatter, bababa yung crime rate sa lugar namin. Hindi na rin ako matatakot maglakad sa madilim na kalye dahil alam kong namatay na sa gutom ang dapat na manghoholdap sa kin. 

Pag namatay na sa gutom ang lahat ng mga squatter, kokonti na lang ang bibili ng shabu sa mga "tiangge" malapit sa min. Therefore maghahanap na ng ibang lugar ang mga pusher para makakuha ng customer. Pag nawala ang mga pusher sa lugar namin, mapipilitan na ring sumunod ang mga adik. Mawawala na silang lahat.

Pag namatay na sa gutom ang lahat ng mga squatter, mas madaling linisin ang mga imburnal, kanal at mga dating batis na ngayon ay parang poso negro na sa dumi. Mababawasan ang mga walang pinag-aralang tapon nang tapon ng basura sa  hindi tamang lugar. Lilinis ang paligid, at makakapag-focus na ang local government sa mga big-time polluters sa tabi ng ilog Pasig.

Ay, nakaapak ako ng ipis.

At ako ay napaisip. "Ipis. May ipis na sa mundo 354–295 million years ago. Naka-survive na sila ng 4 major extinction events. Ayon sa Wikipedia, kaya nilang maging active kahit isang buwang walang pagkain at kaya rin nilang mabuhay with limited resources."

Come to think of it, pag tumaas nang tumaas ang presyo ng bilihin at walang pagbabago sa income ng mga tao, hindi pala mamamatay sa gutom ang mga squatter. Dadami at dadami ang mga squatter, matututong mag-adapt sa limited resources, at makakaligtas ng isa pang extinction event. Kapag nakapag-adapt na sa limited resources, walang tigil pa rin sa pag-aanak.

Dudumi lalo ang paligid. 
Dadami ang mga adik. 

Tataas ang crime rate. 

Lalong mabubulok ang electoral system. 

At lalong tataas ang system loss charge ng Meralco.

Pilipinas Kong Mahal! Woo-hoo!

1 comment:

  1. Tabachoi, fans club mo ko, oo kahit ako lang. Mabuhay ka!

    ReplyDelete