Wednesday, December 26, 2007

Fun Place To Work?

Kakasagot ko lang ng employee satisfaction survey sa opisina. Medyo na-alarm ako nung nakita kong hindi na "fun" ang workplace, based sa mga sagot ko.

May privilege pa naman kaming magkaroon ng access sa instant messaging software. May access pa rin kami sa web mail at sa ilang social networking sites. Maluwag pa rin ang mga boss sa schedules, sa leaves at sa breaks, wag lang shempre aabuso. Every month may fund pa rin naman para gumawa ng non-work related team activity.

It's either nagwa-whine lang pala talaga ako, or something else.

Ano ba yung mga hindi nagpapasaya sa kin sa opisina? Siguro yung mga low I.Q., yung mga epal, yung mga abusado, tsaka yung mga backstabber na puro reklamo tsaka tsismis lang ang alam gawin. Ok lang yung may kupal, basta at least 80% ng kakupalan eh may sense (so off the hook na yung boss ko).

Ano naman yung mga nagpapasaya sa kin? Siguro ngayon, yung mga team members ko. Pwera showbiz, sila talaga yung nagpapasaya sa kin. Kasi kaya naming tawanan yung mga pagkakamali namin. Pag may kinaaasaran, imbis na magalit, lalaitin na lang yung itsura or yung kabobohan nya. Nagsasaluhan kami pag may aberya. Hindi nagdadamot ng knowledge lalo na sa mga baguhan. Sa totoo lang, mahirap humanap ng tamang mix ng mga tao na pare-parehong may passion for excellence (naririnig ko na yung "ulul mo").

So positive versus the negative, mas mabigat pa rin yung positive. Pero bakit nga nasagot kong wala nang fun sa workplace?

Define naman natin yung fun. Para sa kin, hindi necessary ang party na may theme, or team outing, or sports activity para masabing may fun sa workplace mo. Meron ka ngang bonggang activity, puro plastik naman yung mga tao don. May sportsfest ka nga, puro pikon naman ang kasali. Ang totoong fun sa workplace ay ang pagkakaroon ng mga kaopisinang mapagkakatiwalaan, yung tipong alam mong may sasalo sa yo kung sakaling mag-emergency leave ka. Pag may nagsalita ng masama sa likod mo, alam mong may magde-defend sa yo. Yung may nasasabihan ka ng mga sikreto na sigurado kang hindi makakarating kahit kanino. Ang totoong fun sa workplace ay yung may nae-establish na bond na pwedeng dalhin sa labas ng opisina.

So based sa definition ko, dapat masaya pa rin ako.

Teka. Baka mali yung lugar na tinitingnan ko. Masaya naman ako sa workPLACE. Pero masaya ba ako sa mismong WORK?

There you go...

Sunday, November 11, 2007

The OTHER "F" Word

Kung magbibilang ako ngayon ng mga kakilalang may asawa last year tapos hindi na nila asawa ngayon, plus yung mga kakilala kong iba na yung GF or BF or FB (research nyo na lang) versus a year ago, dagdag pa yung mga wala na yung partner nila from a year ago, nasa 40% siguro ng mga kakilala ko ang kasama sa demographic na ito. Ang reasons ng mga breakups from 2006-2007 are as follows:

3rd runner up: Takot sa commitment
2nd runner up: Masyadong mataas na expectations ng partner
1st runner up: Pagkasira ng tiwala

At ang number 1 reason ng breakups from 2006-2007 ay:

"Wala. Nagsawa na lang siguro kami sa isa't-isa. Parang wala nang thrill."

Wow. Napaka-mature na reason. After billions of years of evolving the human brain, umabot na tayo sa point na ka-level na lang natin yung mga hayop. Bakit ganon? Bakit madali nang magsawa ang mga tao lalo na sa karelasyon nila?

Dahil ba sobrang spoiled na tayo sa pagiging instant ng lahat ng mga bagay? Dati rati, kapag long distance relationship, kailangan mong maghintay ng at least isang linggo para lang makapagpadala o makatanggap ng sulat. Ngayon, seconds na lang ang pag-send ng email, tapos meron pa kayong instant messaging software tulad ng Yahoo! at MSN messenger, with webcam and audio. Dati rati, kapag gusto mong marinig yung boses ng mahal mo, pupunta ka sa PT&T para makatawag ng long distance, na sobrang haba ng pila at sobrang laki ng bayad per minute.

Ngayon, may international roaming na yung mga mobile phone. Ang point ko e madali na sigurong magsawa ang mga magkakarelasyon ngayon dahil taken for granted na yung effort para makipag-communicate. Dati, makatanggap ka lang ng postcard na may picture ng Taal Volcano tapos may nakasulat na "Wish You Were Here", sobrang kilig na. Ngayon nga, makatanggap ka lang ng text message na naka-all capital letters at walang emoticon na :) sa dulo, malaking away na.

Dahil din ba nasanay na tayong lahat sa sobrang bilis ng pagpalit ng technology? 10 years ago, astig ka na pag meron kang Pentium 2 PC na may 1Gb hard disk, pager ng EasyCall, at 14.4kbps modem sa bahay. Ngayon pag meron ka pa ring ganon, kahit yung mga squatter tatawagin ka nang mahirap. 5 years ago, katanggap-tanggap pa yung Nokia 5110. Ngayon pag naka-5110 ka, iisipin ng mga tao napulot mo lang yon sa basurahan. Masyado na yatang naaadik ang mga tao sa latest versions kaya pati sa relationships, pag nagsawa ka na sa partner mo, hahanap ka na agad ng "upgrade". Makahanap ka lang ng konting defect, palit agad.

Ayan masyado na naman akong nago-overanalyze. Dapat simple lang ang explanation sa lahat ng bagay e. So dapat may mas simple pang explanation siguro para dito.

As I see it, yung apat na reasons ng breakup na nabanggit ko kanina, simple lang ang dahilan. Since relationship ang usapan, wag nating sabihin na kasalanan lang ng isang tao ang breakup. PAREHO silang may pagkukulang kaya humantong sila sa paghihiwalay. Ano kamo yung kulang? Isang salitang nagsisimula sa "F". Hindi yung 4-letter word na nagra-rhyme with "buck" ha? "F" is for "F-fort". Walang kwenta ang relationship kung walang effort from both parties.

Isa-isahin natin. Yung takot sa commitment, kulang sa effort isipin kung saan papunta yung relationship nila. Yung kapartner naman nya, kulang sa effort ipakita na may future silang dalawa na hindi lang natatapos sa panonood ng sine, pagdi-dinner sa labas, at pagse-sex.

Yung may masyadong mataas na expectations sa partner, kulang sa effort intindihin yung limitations ng partner nya. Since hindi nya maintindihan, hindi sya matututong makapag-appreciate, at hindi rin sya matututong mag-adjust. Yung partner naman nya, kulang sa effort iparamdam na gusto nyang mag-sacrifice ng identity nya.

Dun sa mga nasira ang tiwala, nagkulang sa effort na magbantay at siguruhing name-maintain ng partner nila yung commitment sa relationship. Yung partner naman, hello, nagtarantado nga e. May effort, pero sa ibang tao napunta.

At sa reason na pagsasawa, kulang sa effort ang both parties na mag-evolve sa relationship. Naging kampante sila na may partner sila na kasama sa daily routine. Sa ilang buwang araw-araw na pagsusundo, pag-kain sa labas, at paghatid pauwi, magigising na lang sila isang araw na magtatanong kung bakit ginagawa nila yon. Mga tanong tulad ng "kung love yon, bakit parang wala nang kilig sa pagbubukas ng pinto pag papasok sa restaurant?", "kung love ito, bakit hindi na ako nakukuryente pag hawak nya ang kamay ko habang naglalakad kami?", "kung love ito, bakit parang parausan na lang ako pag nagsesex kami?"

Pag pumasok ka sa relationship, wag mong i-expect na tatagal ang kilig. Bigyan mo yan ng mga at least six months, hindi mo na mararamdaman yung romance nung nagliligawan pa lang kayo. Pero ito ang dahilan para magbigay ka ng effort na mag-evolve kayong dalawa sa loob ng relationship. Kung total opposites kayo, pwede kayong magkaroon ng osmosis, na kung saan may qualities yung isa na napupunta dun sa isa, and vice-versa, hanggang maging magkapareho na kayo. Kung magkapareho naman kayo, mag-effort naman kayong gumawa ng mga bagay na wala sa routine nyo. Maraming options, kaunting effort lang at creativity ang kailangan.

So mga kids, pag papasok kayo sa isang relationship, always think of the OTHER "F" word. Kung di nyo kaya yun, i-enjoy nyo na lang ang nakasanayan nyong "F" word. Hehe.

Thursday, May 31, 2007

Becoming The Enemy

Noon pa man, hindi ko na talaga gusto yung concept ng may boss.

Siguro nasobrahan ako sa kakapanood ng The Ten Commandments nung bata pa ako (Betamax tape pa yon!). Tumatak sa isip ko yung pang-aalipusta ng mga Egyptian sa mga Israelites, at naging idolo ko si Moses dahil sa pagtalikod nya sa pharaoh at pagtulong sa mga inaapi.

Nung college naman, hindi naman ako sumasama sa rally, pero apektado ako pag may nagra-rally na factory workers o mga magsasaka laban sa mga boss nila. Nagturo muna ako part time bago magsimulang magtrabaho dahil hindi ko talaga gusto yung concept ng pagiging subordinate.

Nung unang trabaho ko, pasaway na empleyado ako. Gimik halos gabi-gabi, tapos pupunta ako ng Los BaƱos pag weekend para gumimik ulit. Minsan Lunes na ng tanghali ang balik ko sa Manila. Nagkataon din na yung boss ko non, sobrang strikto. Dapat on time lagi yung pasok ko, kahit na nag-over-overtime ako nung previous night at wala namang gagawin kinabukasan. Naiimagine nyo na siguro ang relationship namin ng boss ko nun. Para kaming magsyotang walang ginawa kundi mag-away, pero hindi naman namin maiwan yung relationship dahil may pakinabang pa naman kami sa isa't-isa.

Makalipas ang walong taong pagtrabaho, pitong kumpanya at labing-isang boss, dumating na ako sa point na, in English, "the tables have been turned". Ipinagkatiwala sa akin ang pag-supervise sa limang tao. Hindi naman siguro ibibigay sa akin yung ganun kalaking responsibility kung hindi naman ako fit sa standards nila.

Hirap pa rin ako sa pag-adjust sa concept na may subordinates na ako. Hanggang ngayon, naiilang pa rin ako pag tinatawag akong "boss" o kaya pag may nagtatanong sa kin kung kumusta na "ang mga tao ko". Siguro kasi, hindi ko matanggap na malamang gagawin na sa kin yung mga ginagawa ko noon sa mga boss ko. Dati kasi sandamakmak na reklamo at panlalait ang inaabot sa kin ng mga boss (shempre pag nakatalikod sila). Nagyayaya ako ng gimik sa mga officemates ko, pero hindi kasama yung boss sa distribution list ng invitation. Konting chismis lang tungkol sa boss ko, ikukwento ko kagad with additional speculations para lang lumaki yung issue.

Wala na akong magagawa. Ako na ang kontrabida ngayon. Pero kahit ganito na ang mga nangyayari, may tatlo pa akong options:

Unang option, mag-resign at maghanap ng non-managerial work. Hindi ko pwedeng gawin yun dahil tama naman ang career path na sinusunod ko. Ang mga security guard siguro, hindi security guard habambuhay. Nagiging "senior security guard" din. Kahit yung mga crew sa Jollibee, hindi crew habambuhay. Wala akong nakikitang 40 year old na nasa counter o sa kitchen, pero may 40 year old na branch manager. Para sa kin, tama ang path na to at hindi ko to pwedeng talikuran dahil napa-praning lang ako. Kalokohan yon.

Pangalawang option, since kontrabida na ako, e di mag-asal kontrabida na rin. Kung magsasalita din lang ang mga tao ko pag nakatalikod ako, I'll do the same thing, pero a hundred times worse. Pag nakatalikod sila, sisiraan ko sila sa mga boss ko, na boss din nila. Bwahahahahahahahaha! Kung di rin lang nila ako yayayain gumimik, e di papapasukin ko sila pag Sabado tsaka Linggo para hindi na sila makagimik. Bwahahahahahahahaha!

Masyadong brutal naman yung pangalawang option, pero totoo, kayang-kaya kong gawin yon. Ang resulta lang nito, baka ulit-ulitin ko ang mga katagang "I'm ashamed of what I’ve become in the mirror, the face of my one true enemy" pagdating ng panahon. Ayoko non.

May isa pang option, yung pinakamahirap, pero eto yung may sense: ano kaya kung gawin ko lahat ng makakaya ko para i-develop ang mga tao ko, para mas mabilis silang dumating sa point na sila na yung boss? Misery loves company talaga no? Hehe. Pero seryoso, wala talagang ibang way para maintindihan ng isang empleyado ang hirap ng pagiging supervisor kundi pag naging supervisor na rin sila. Kung ayaw naman nilang maging boss, e di wag. Kanya-kanya lang naman yan, pero at least nakita ng mga tao na worthy sya sa position na yon.

Ay teka, anjan na boss ko. Back to work.

Wednesday, March 28, 2007

30 Years Old

Ilang araw bago ang 30th birthday ko, may nagsabi sa akin ng mga salitang ito na malamang dadalhin ko hanggang sa kamatayan:

"Let me tell you something you already know. The world ain't all sunshine and rainbows. It is a very mean and nasty place and it will beat you to your knees and keep you there permanently if you let it. You, me, or nobody is gonna hit as hard as life.

But it ain't how hard you hit; it's about how hard you can get hit, and keep moving forward. How much you can take, and keep moving forward. That's how winning is done. Now, if you know what you're worth, then go out and get what you're worth.

But you gotta be willing to take the hit, and not pointing fingers saying you ain't where you are because of him, or her, or anybody. Cowards do that and that ain't you. You're better than that!"

Sapul na sapul no? Hulaan mo ngayon kung sino ang nagsabi sa kin ng mga yan.
Hindi si Jesus. Hindi rin si Mahatma Gandhi. Si Sylvester Stallone, sa "Rocky Balboa".

Pero hindi yan ang dahilan kung bakit ako sumulat. Sumulat ako dahil bukas na ang dreaded thirtieth year of my existence. Journal entry kumbaga.

Kung titingnan mo yung average life expectancy ng Pilipinas, plus life expectancy ng isang lalaking nagyoyosi, umiinom, mataba, at stressful ang trabaho, medyo nasa kalahati na ako ng buhay ko.

Let me share with you the usual shit na dadaanan mo pag malapit na yung 30th birthday mo:

Una, ang reality ng kamatayan. Anxious ka na kasi malapit ka nang mamatay. Since malapit ka nang mamatay, kailangan mong alamin kung ano ang mangyayari sa mga maiiwan mo. Ayun, kaya magiging lapitin ka ng insurance brokers. Basta may maiiwan kang pera pag namatay ka na.

With the reality of death comes the thirst for youth. Magiging conscious ka na sa katawan mo. Organic crap ang dapat kainin. Magpapa-member ka sa gym. Tapos pag may na-accomplish ka kahit improvement sa biceps, bibili ka na ng mga usong damit at ipapasikat ang braso mong mukang pata ng baboy na nilagyan ng daga sa loob ng balat.

Mape-pressure kang magkaroon ng isang goal o dream, tulad ng pag-round trip sa Europe o kaya isang maliit na business. Mag-iisip ka nang bumili ng kahit anong mamahaling burloloy sa katawan. Pwedeng kotse, pwedeng hi-tech na cellphone-slash-digicam-slash-pda-slash-Nintendo, pwedeng alahas, Rolex, o kahit anong luho na pwede mong iyabang sa ibang tao at sabihing "PERA KO ANG GINAMIT KO JAN"

Sa opisina naman, magiging insecure ka sa mga mas bata pero mas bibo sa yo. Dahil dito, magdodoble kayod ka. Kung hindi mo na nararamdaman ang growth sa kumpanya mo, hahanap ka ng magbibigay sa yo ng mas mataas na posisyon o sweldo. Basta hindi ka lang maabutan nung mas bata sa yo. Hindi mo mare-realize na naging bata at bibo ka rin pala dati, at may mas matandang nainsecure din sa yo. At dahil din sa insecurity na yon, nagtrabaho siya ng doble para umangat at maging manager. The circle of corporate life.

Para naman sa mga taong walang pera katulad ko, mas magiging malalim ang pag-iisip kung ano na ang mga nagawa mo sa buhay mo. Usually marami kang pagsisisihan. Maaasar ka kasi nagpakatanga ka at some point, at sana hindi mo na lang ginawa yung mga maling desisyon mo noon. Itatanong mo sa sarili mo kung bakit wala ka pa ring pera, sariling bahay, at kung anu-ano pa kaiinggitan mo sa inaakala mong mas magaling dumiskarte kesa sa yo.

Kung titingnan mo yung first few paragraphs ng sinusulat kong ito, makikita mong pagkatapos ng lahat ng emotional trauma, stress sa trabaho, paglawlaw ng balat, pagpiga ng utak, ang bottom line lang ay nabuhay ka ng tatlumpung taon para mainggit sa ibang tao. Bad trip no? Kung ganito lang ang pattern ng buhay ko ngayon, the remaining thirty years don't look good.

Time to make THAT change.

Fuck insurance.

Kung bibigyan ko ng magandang edukasyon ngayon ang mga anak ko, at itatatak ko sa utak nila ang kahalagahan ng pagtatapos ng pag-aaral, mas maganda pa ang maiiwan ko kesa sa 1 million pesos. Kahit mamatay ako at walang maiwan, lalaban at lalaban sila para maka-graduate ng college.

Fuck the thirst for youth.

Titingnan ko ang sarili ko na parang bote ng alak. Sumasarap habang tumatanda. Ang kailangan lang ay pag-iingat, hindi pagpipilit.

Fuck the office.

Walang ibang purpose ang opisina kundi ang maglagay ng pera sa ATM ko para i-withdraw. Kung may mas magaling sa akin, tatanggapin ko. Kung kaya ko pang patunayan na mas magaling ako, hindi ako magpapatalo.

Fuck wealth.

Hindi na ako aasam na yayaman pa o makakabili ng magandang mansyon o magkakaroon ng BMW. Kung ano ang meron ako ngayon, magpapasalamat ako, magbibigay sa mga dapat pagbigyan, at magtatabi para sa sarili. To move forward, aim for the next realistic higher salary.

Fuck goals.

Kung alam ko kung ano ang importante sa akin ngayon at nakikita kong importante pa rin ito kinabukasan, yun ang mas bibigyan ko ng halaga.

Fuck death.

It's my journey, not my destination.