Monday, May 19, 2008

Life Goes On

"Ang mga tao sa buhay mo ay nagdaraan lamang, umaalis, dumarating, walang naiiwan.. ang kwento ng pag-ibig ay kumusta at paalam, ngayo'y alam mo na kung paano mag-isa." - "Slo Mo" ng Eraserheads

Bahagi na talaga ng buhay ng tao ang paghihiwalay. Nung bata pa ako, lumipat sa Bicol yung kalaro kong kapitbahay namin. Nung elementary, lumipat ng ibang school yung bespren ko. After high school, nahiwalay ako sa mga kaibigan ko kasi sa UPLB ako nag-college. Nung college naman, andaming breakup, tapos naunang grumaduate ang mga kaibigan ko, never to return again. Nung nagtatrabaho na ako, nagsisi-alisan yung mga nakaka-close kong officemates. Pagtanda ko malamang, hihiwalay na rin sa kin ang mga anak ko para bumuo ng sariling pamilya. In the end, ako naman ang hihiwalay sa mundo.

"Wow pare emo."

Kasi, eto may magpapaalam na naman. Every year yata dapat may at least isang kaibigan akong pupunta sa ibang bansa para dun makipagsapalaran. Bakit kasi hindi na lang umasenso tong Pilipinas para wala na lang umalis? Punyetang U.S. yan. Punyetang Singapore yan. Every year dumadaan ako sa proseso ng "pagluluksa" para sa nahihiwalay na kaibigan. Hindi man halata, hindi rin naman necessary na ipakita sa buong mundo na nahihirapan kang mag-adjust sa pagkawala ng isang kaibigan. Manhid na yata ako sa process ng denial-anger-depression-acceptance. Parang routine na lang sya.

As much as possible, umiiwas na rin akong maghanap ng bagong kaibigan. Kasi curse ko na ata talaga yun e, siguradong mawawala din sila. Paulit-ulit, nakakasawa na. Ngayon, eto, mabibilang na lang ng daliri sa isang kamay yung mga tinuturing kong malalapit na kaibigan. Konting panahon na lang, siguradong mawawala na silang lahat.

Hindi OK sa simula. Mahirap talagang tanggapin na mawawalan ka na naman ng kaibigan. Pero ganun talaga e. Hindi naman pwedeng ikamatay yun. Di naman ako pwedeng sumunod na lang ng basta. Kung ganun na lang, ang mangyayari eh lagi na lang akong may sinusundan.

Di naman siguro titigil yung pag-ikot ng mundo e. Life goes on.