Thursday, June 12, 2008

Ang Tatay Na Nag-Angkas Ng Apat Na Anak Sa Isang Bisikleta

Biglaang napatigil yung sinasakyan kong jeep kanina na halos napasubsob ako sa kili-kili ng katabi ko. Nung nag-usyoso ako, nakita ko na ang dahilan ay ang pagkalaglag ng laman ng lunchbox ng isang grade 1 student sa tapat namin. Pagka-ayos ng bata sa lunchbox nya, di ako makapaniwala sa nakita ko. Apat silang magkakapatid, magkaka-height, at naka-angkas sila sa isang bulok na BMX-style na bike. Ang nagmamaneho ng bike ay isang payat na lalaki na sa unang tingin, maaalala mo si Theodore Bagwell (T-Bag) ng "Prison Break". Dito nagsimulang tumakbo ang iba't-ibang tanong sa isip ko.

 Tanong#1:  Apat na bata nakaangkas sa isang bike? Pano nangyari yun?

Ang objective: Kailangang makauwi ng magkakapatid.

Ang situation: Mataas ang araw dahil tanghali natatapos ang klase. 10 kilometers ang layo ng bahay nila sa school kaya hindi option ang paglalakad para sa mga bata. Pero wala silang pera para pamasahe. Wala ring pera ang tatay. Parang hopeless di ba? 

Pero nakahanap si tatay ng paraan. It's either kanila na yung bisikleta or hiniram nya yon para sunduin ang mga anak. Na-meet ang objective with very minimal resources. Napaka-action star ng dating. Well, more of stuntman kasi apat na bata ang angkas mo sa isang bisikleta. Pero kung titingnan mo, isa ito sa mga himalang dala ng pagiging ama. 

Kahit wala nang pag-asa, basta para sa mga anak, laging may paraan. 

Tanong#2: Teka, bakit yung tatay yung sumundo? Di ba dapat nagtatrabaho sya ngayon? Nasaan yung nanay?

Pwedeng walang trabaho si tatay kaya inutusan sya ni nanay na sunduin ang mga bata para may silbi naman sya. For the sake of sticking with the theme, maraming pwedeng speculation dito. Naglalaba si nanay or nagluluto sa bahay. Pwede ding si nanay na yung nagtatrabaho. Or wala na si nanay. Point is, reflection ito ng nagbabagong structure ng pamilya. Hindi na baduy ang pagkuha ng tatay ng responsibilities na nakasanayan na nating nanay ang gumagawa. (except breastfeeding siguro, eww)

Ngayon nga, parang mas cool na tingnan pag si tatay ang nagluluto, si tatay ang naggo-grocery at nagdadala ng kids sa mall, pati na rin ang pagsundo sa mga anak.

Sabi sa article na to, ang traditional roles or popular images ng mga tatay ay:
  • The Wallet: This father is preoccupied with providing financial support for his family. He may work long hours to bring home his paycheck and does not take an active part in caring for the children. Making money provides this father with a distraction from family involvement.
  • The Rock: This is a "tough" father - strict on discipline and in charge of the family. He may also believe that a good father remains emotionally distant from his children, so expressions of affection are taboo.
  • The Dagwood Bumstead: This father tries to be a "real pal" to his children, but his efforts are often clumsy or extreme. He doesn't understand his children and feels confused about what to do. He may also feel that he is not respected within the family.
These traditional stereotypes are now clashing with another image of a father:
  • The Caregiver: This father tries to combine toughness with tenderness. He enjoys his children but is not afraid to set firm but fair limits. He and his wife may cooperate in childrearing and homemaking.
Ang cool. Parang Sharon Cuneta na ang mga tatay ngayon. "I care about my job, Sir. I care about you."

Tanong#3: Eh pano kung ma-flat yung bisikleta?

Sigurado akong dinala ni tatay yung bisikleta dahil nga kailangang umuwi ng mga anak nya. Hindi sya prepared sa mga ganitong event dahil limited na nga ang resources kaya limited din ang planning. Wala syang pera, wala ring pera ang mga anak nya. May bisikleta, kaya bahala na. Basta makauwi.

Narito ang sampal ng reality sa mukha ng mga tatay. Ginagawa mo na ang lahat ng paraan, pero dahil sa mga circumstances na wala sa control mo, magmumukha kang tanga sa harap ng ibang tao, lalo na sa harap ng mga anak mo. 

Darating ka sa worst case scenario na sisihin ka ng mga anak mo kasi hindi sapat ang effort mo bilang ama. Siguro, lagi mong mapapanood sa mga telenobela yung ganitong drama:

Anak: "Wala ka nang time para sa kin, Dad. Puro ka na lang office. Wala ka nang inisip kundi ang trabaho mo!"

Tatay: "Pero, anak. Ginagawa ko ang lahat na to para sa yo. Para may panggastos ka sa mga pangangailangan mo."

Anak: "Pero dad, hindi ko kailangan ang pera mo. IKAW ang kailangan ko."

Bullshit. O sige papatulan ko tong drama na to ha. Let's say tumigil sa trabaho si tatay at binigay nya ang oras nya kay anak. 6 months later...

Anak: "Tay, may lakad kami ng mga kaibigan ko, pupunta sana kami ng Puerto Galera."

Tatay: "Anak, wala tayong pera. Di ba nga tumigil akong magtrabaho. Kailangan nating magtiis muna."

Anak: "Tiis, tiis, puro na lang tiis! Ayaw nyo ba akong maging maligaya? Minsan na nga lang ako lumabas kasama ang mga kaibigan ko, tapos eto, magtitiis pa rin ako? Anong klaseng magulang kayo?!"

(I rest my case, your honor. There's just no fricking way to please these fricking kids.)

Nakita ko ang hirap ng pagiging ama sa tatay na pinilit i-angkas sa isang bisikleta ang apat na anak. Naramdaman ko ang awa, pero naramdaman ko rin ang dangal para sa kapwa ama. Kanya-kanyang pagsubok ang hinaharap ng bilyun-bilyong tatay sa buong mundo, pero lahat ng mga pagsubok na ito ay hindi para sa sariling kapakanan.

Ano ang pinagkaiba ng pagiging "lalake" sa pagiging "tatay"? Simple lang.

PURPOSE.

Happy Fathers Day sa ating lahat! Kanpai!

Wednesday, June 11, 2008

Huling Habilin Ni Daboy

Kahit na "Bitayin si Baby Ama" lang yung natatandaan kong movie ni Rudy "Daboy" Fernandez, mas pinilahan pa rin ng mga mahihirap yung lamay nya kesa sa lamay ng kapapanaw din lang na labor leader na si Crispin Beltran. Big deal talaga pag may pumapanaw na showbiz icon.
May nabasa akong article tungkol sa huling habilin ni Daboy kay Mark Anthony Fernandez. Si Mark Anthony ang unang anak ni Daboy pero kay Alma Moreno, hindi sa asawa nyang si Lorna Tolentino. Medyo familiar yung setup na to kaya naging curious ako, baka kasi may mapulot akong lesson sa mga habilin na to. 

Sabi ni Mark Anthony sa interview sa kanya, ang mga huling habilin daw sa kanya ay 

“Alagaan ko raw si Mama.  Huwag ko raw pababayaan sina Tita Lorna at mga utol kong sina Ralph at Renz.  Panindigan ko ang pagiging padre de familia sa wife kong si Melissa at mga anak na sina Chelsea at Cameron.  At ‘yong mga iiwan niya sa’king mga bagay, investment na dapat kong sinu-pin dahil magagamit ko balang araw o sa rainy days.  Harapin ko raw ang aking career.  At ugaliin kong sagutin ang mga tawag o messages sa aking mobile phone na madalas ay ‘di ko ginagawa.  Kung ‘di ko kayang i-solve ang problema’y hanapin ko raw sina Tito Jinggoy (Sen. Estrada), Tito Bong (Sen. Revilla), at Tito Phillip (Salvador) na parang mga kapatid na rin niya.”

Hindi siguro malalayo sa ganitong framework ang mga huling habilin ko sa mga anak ko. Ganun nga yata talaga pag alam mong mawawala ka na. Unang-unang priority ay siguraduhin ang pag-alaga sa mga maiiwan mo. Pangalawa, set the standards kung paano dapat mabuhay yung mga mauulila. Pangatlo, mag-assign ng point persons para humalili sa maiiwan mong role.

In a way, naiinggit ako kay Daboy kasi nakuha pa nyang makausap ang lahat ng mahal nya sa buhay bago sya mamatay. Yun ang ideal death para sa kin. Last attempt to forgive and to ask for  forgiveness. Enough time to look back at how you lived. Being thankful for every remaining heartbeat, and thankful for every person na naging reason ng pagtibok ng puso. 

Yung mahihimlay kang alam mong may maiiwan kang legacy kahit matagal ka nang wala.

Tuesday, June 10, 2008

Ang Squatter, Ang Ipis, At Ang Meralco Commercial Ni Judy Ann Santos

Naglakad ako kahapon sa aming friendly neighborhood squatters area kasi yun ang pinakamalapit na daan papunta sa grocery. I got reacquianted with the place na halos 5 years ko nang hindi nadadaanan. Wala pa ring nagbago. Andun pa rin yung mga batang walang damit na naghahabulan sa kalye. May isang batang dumudumi sa puwang ng nakabukas na manhole. Nandun pa rin ang mga lalakeng nakapalagid sa isang boteng Emperador brandy. Yung mga babae, abala sa pagbi-bingo. Halos lahat ng bahay, amoy kinulob na kahoy na binasa ng pinagbanlawan ng labada.

Ang nagbago lang siguro ay yung dami ng mga batang naglalaro. Bawat kanto ng mga looban, may naglalarong higit-kumulang sa sampung bata. Sa buong street, may total ng 20 na kanto ng looban. Do the math.

Naisip ko, pataas na nang pataas ang presyo ng mga bilihin. Ang mga taong to  eh halos walang income, at walang tigil din gumawa ng anak. Hindi kaya mamatay sa gutom ang mga ito?

Tekaaaaa... mamamatay sa gutom ang mga squatter? Hmmmm

Pag namatay na sa gutom ang lahat ng mga squatter, kokonti na yung magnanakaw ng kuryente sa lugar namin. Therefore, bababa ang "system loss charge" ng Meralco. Bababa ang bill namin ng kuryente.

Pag namatay na sa gutom ang lahat ng mga squatter, wala nang lalapitan yung mga pulitiko sa lugar namin para bumili ng mga boto. Therefore, karamihan na ng mga botante ay nakapag-aral at marunong nang pumili ng iboboto. Di naman siguro kami kayang bilhin ng 500 pesos lang. Maaayos kahit papano ang electoral system kahit sa lugar lang namin. Malaking difference na yon.

Pag namatay na sa gutom ang lahat ng mga squatter, bababa yung crime rate sa lugar namin. Hindi na rin ako matatakot maglakad sa madilim na kalye dahil alam kong namatay na sa gutom ang dapat na manghoholdap sa kin. 

Pag namatay na sa gutom ang lahat ng mga squatter, kokonti na lang ang bibili ng shabu sa mga "tiangge" malapit sa min. Therefore maghahanap na ng ibang lugar ang mga pusher para makakuha ng customer. Pag nawala ang mga pusher sa lugar namin, mapipilitan na ring sumunod ang mga adik. Mawawala na silang lahat.

Pag namatay na sa gutom ang lahat ng mga squatter, mas madaling linisin ang mga imburnal, kanal at mga dating batis na ngayon ay parang poso negro na sa dumi. Mababawasan ang mga walang pinag-aralang tapon nang tapon ng basura sa  hindi tamang lugar. Lilinis ang paligid, at makakapag-focus na ang local government sa mga big-time polluters sa tabi ng ilog Pasig.

Ay, nakaapak ako ng ipis.

At ako ay napaisip. "Ipis. May ipis na sa mundo 354–295 million years ago. Naka-survive na sila ng 4 major extinction events. Ayon sa Wikipedia, kaya nilang maging active kahit isang buwang walang pagkain at kaya rin nilang mabuhay with limited resources."

Come to think of it, pag tumaas nang tumaas ang presyo ng bilihin at walang pagbabago sa income ng mga tao, hindi pala mamamatay sa gutom ang mga squatter. Dadami at dadami ang mga squatter, matututong mag-adapt sa limited resources, at makakaligtas ng isa pang extinction event. Kapag nakapag-adapt na sa limited resources, walang tigil pa rin sa pag-aanak.

Dudumi lalo ang paligid. 
Dadami ang mga adik. 

Tataas ang crime rate. 

Lalong mabubulok ang electoral system. 

At lalong tataas ang system loss charge ng Meralco.

Pilipinas Kong Mahal! Woo-hoo!