"Alam nyo na ang gender ng baby sa tiyan ni misis?"
"Oo pre. Girl daw sabi ng doktor."
"Ayun o! Pambayad utang!"
Hindi
ka siguro Pilipino kung hindi mo pa naririnig ang ganitong usapan. Ang
anak na babae ay binigay ng tadhana ("karma" so to speak) upang pambayad
sa pagpapaiyak, pambayad sa panloloko, pambayad sa pananakit ng ama sa
mga past relationships nya.
Natanggap
ko ang ganitong mga pagbibiro noong ipinagbubuntis ni misis ang baby girl
namin. Tuwing ia-announce ko na girl ang magiging bunso namin, automatic
na yung reaction na "ALAM NA KUNG BAKIT GIRL!"
Naiisip
ko minsan, tama yung biro na yun e. Halos mabaliw na ako ngayon
kakaisip kung paano ko babantayan ang anak ko kapag lumaki syang kasing
ganda at kasing bait ng nanay nya. Imbis na mag-aral ng ballet,
papaaralin ko sya ng Krav Maga, Aikido, Taekwondo, tsaka Brazilian
Jiu-jitsu. Nagbabalak na rin akong makipagkilala sa mga riding-in-tandem
guns-for-hire para alam ko kung sinong lalapitan pag may lalaking
nagpaiyak sa kanya. Tumigil na nga akong magyosi para lang madagdagan
ang oras ko sa mundo, para lang mabantayan sya.
Dahil natatakot akong may makilala syang tulad ko noon.
Pero
lahat ng takot na to ay mabubura ng isang simpleng "Hi Daddy!". Big
smile. Round eyes. Pigtails. Sugar and spice and everything nice.
Titigil ang mundo sa sobrang tuwa. Biglang may tutugtog sa isip ko
"...with all that I've done wrong,
I must have done something right
To deserve a hug every morning
And butterfly kisses at night"
Ang ganda namang pambayad utang
nito. Sino ba talaga ang may utang? Ako ba yung nagbabayad, o ako yung
nabayaran?
Natutunaw
lahat ng problema ko sa mundo kapag yumakap na sya sa kin at hahalik sa
pisngi ko. May kakaibang glow sa mukha nya kapag may bago syang damit
at isusuot nya para makita ko. Minsan, hindi sya makakatulog kapag hindi
sya nakasiksik sa akin. Kapag nakakita sya ng ipis, tatakbo sya sa kin
at magsusumbong. At parang si Leonidas sa 300, susugurin at papatayin ko
yung walanghiyang ipis na tumakot sa mahal ko.
Ramdam na ramdam ko na "a father is a daughter's first love".
Tuwing katabi ko sya sa pagtulog, marami akong sinasabi sa kanya sa isip ko. Nangangako akong hindi nya ako makikitang maninigarilyo o umiinom
hangga't kaya kong iwasan. Hinding-hindi ako mawawala sa tabi nya para
i-celebrate ang mga milestones sa buhay nya, kahit gaano pa kaliit. Ililibot ko sya sa Pilipinas, at sa buong mundo. Hindi
nya ako makikitang mababaon sa utang. Kung magkaproblema man kami ng mommy nya, o kung may mga hindi maiiwasang paghihirap sa pamilya, logic
ang paiiralin namin at magfo-focus kami sa solution, hindi sa drama.
Dahil bilang "first love", gusto kong ako ang gagawin nyang standard sa kung ano
ang magiging gusto nyang qualities ng boys. Dapat lahat ng magiging
ka-relasyon, at ang mapapangasawa nya, matatapatan o mahihigitan ang mga
nagawa ko para sa kanya.
Hindi
ibinigay ang mga baby girl para magbalik-tanaw ang mga ama sa mga
kalokohan nila noong nakaraan. Dumating sila na parang alarm clock ng
buhay, na nagsasabing
"Pare, oras na. Become the man you're destined to be."