Tuesday, December 19, 2006

Pasko Pakshit

Eto na naman. May faaaaaavorite time of the year. May sarcasm yon ha.

Pag Pasko, langgam ka. Langgam na laging pumipila. Wala kang magawa kundi tumungaga sa haba ng pila sa grocery, pila sa cashier ng department store, pila ng ATM, pila sa taxi stand, pila sa fastfood, pila ng mga kotse sa parking.

Pag Pasko, magiging mas importante pa sa shortage ng langis sa Middle East ang shortage ng buko, fruit cocktail, condensed milk, at Nestle cream. May shortage ng usong laruan, lalo na yung bagong reincarnation ng Power Rangers at Barbie. Nagkakaroon din ng shortage ng pasensya sa mga taxi driver na hindi na pumapayag mag-metro.

Pupunta ka sa family reunion kasi mandated. Susugurin ka ng mga inaanak-slash-pamangkin mong naga-akalang tumatae ka ng pera. Pag 100 pesos ang binigay mo, masaya yung bata, pero pag binigay na nila sa magulang nila yung aguinaldo mo, titingin sa yo na parang nagsasabing "mamatay ka na, ang barat mo, ungas!"

Siguradong mauuwi ang family reunion sa chismisan tungkol sa mga kapwa kamag-anak na hindi nag-attend. Si ganito may babae. Si ano pala na dating kaopisina ni kuwan, inano ni ganyan. Minsan, makakapanood ka rin ng true-to-life teledrama. Nauuwi sa iyakan ang family reunion dahil may mga nag-away sa pamilya nyo. Imbis na pag-usapan na lang nila sa labas, kailangan talaga may audience. May kukuha pa ng mic at magso-sorry sa buong pamilya habang umiiyak. Ansarap sabihan ng "Sorry po, pang-videoke yan, hindi pang-audition ng Starstruck."

May 13th month pay ka nga, nauubos naman sa pambili ng regalo. Pagkatapos mo bigyan ng regalo LAHAT ng nasa listahan mo, ang makukuha mo lang, Fiesta Ham na walang lasa tsaka Keso De Bola na hindi mo naman talaga kinakain. Pag nagreklamo ka naman, sasabihan ka ng "Christmas is a time for giving, not receiving". Gusto ko sagutin ng "e gago ka pala e, kahit paano naman gusto ko ng return on investment no!". Pag inubos mo sa luho mo yung 13th month pay mo (kunyari bibili ka ng cellphone o laptop), titingnan ka ng mga tao na "yuck naman to, ang selfish".

Ang masaya lang talaga pag pasko, no doubt, yung mga bata. Totoo nga na ang Pasko ay para sa kanila. Mantakin mo, kung bata ka, hindi ka na nga gagastos, aapaw pa yung mga regalo para sa yo.

Sobrang saya din ng mga may puwesto sa Divisoria, tiangge, mall, at kung saan mang lugar na dinudumog ng mga tao pag may "Holiday rush". Hanep na trabaho yon, nakaupo ka lang, makaka-uto ka na, magkakapera ka pa. Kahit ata popsicle stick na balutan mo ng used sanitary napkin, lagyan mo ng green at red ribbon, tapos i-sale mo ng 5 pesos each, bebentang Christmas souvenir e.

Ang pinakamasaya talaga pag Pasko ay ang gobyerno. Remittance ng OFW, taxable income ng may 13th month pay, at EVAT. Bilyun-bilyong piso na paghahati-hatian lang ng mga unggoy, buwaya, buwitre, at baboy. Ay may isang bangaw din pala don, yung malaki yung tenga na mahilig mag-cha-cha. Ulam nila ang dugo at pawis ng mga uring manggagawa. Ayos pwede na ko sumali sa rally.

"OK lang yan, tol, birthday naman ni Jesus e. Cool ka lang. Forgive mo na sila. Let's celebrate na lang!"

Teka teka teka tol, di naman talaga birthday ni Jesus ang December 25 e. Nanood ako ng "Secret Bible" sa National Geographic Channel nung isang araw. Yung December 25 pala talaga e celebration ng kapanganakan ni Horus, isang Egyptian god. Mag-Google din kayo kung ayaw nyo maniwala. Nag-research talaga ako para maintindihan ko pa yung mga pagkakapareho ni Horus at ni Jesus, click nyo to (Comparison of some life events of Horus and Jesus)

Ano kaya ang feeling ni Jesus ngayon, kung nasa heaven sya, nakikita nya tayong mga avid fans nya, tapos gini-greet natin sya ng "Happy Birthday" sa araw ng kapanganakan ng isang Egyptian god? Ikaw, anong mafi-feel mo pag gini-greet ka ng "Happy Birthday" sa mismong birthday ng kaaway mo? Ouch di ba?

Dagdag mo pa yung mga nagtitipid ng tinta sa mga greeting ng "Merry Christmas". Imbis na "Christ", "X" ang nilalagay. Pucha, kung ako papalitan yung pangalan ko ng "X", magwawala ako e.

Eto pa. Ano pa kaya ang feeling ni Jesus kung nakikita nyang dahil sa "birthday" nya, nagmumukang pera ang mga bata at nagiging sakim ang mga tao?

Taon-taon, ganito na ang Pasko ng mundo ko. Magulo, makasarili, at materialistic. Mismong ako, nilamon na ng kasakiman at inggit sa kapwa. Kaya ayoko sa Pasko. Parang dinidikdik nya lang lalo ang birong "money makes the world go round". Malamang, hindi ito ang "party" na gustong mangyari ng may birthday.

Siguro panahon na para labanan ang tradisyon. Pero paano?

Friday, August 18, 2006

Ako At Si Voltes Five

May Pinoy bang hindi makikilala ang familiar phrase na "LETS... VOLT... IN"?


Di ko na maalala kung kailan ako nagsimulang mahumaling sa Voltes V pero pag titingnan mo yung mga photo album sa bahay nung 2-3 years old pa lang ako, pwede na akong model ng Voltes V apparel. Sabi sa kin ng nanay ko, may cassette tape pa daw ng Voltes V soundtrack na paulit-ulit kong pinapa-play sa kanya. Pag tinutugtog na yung main theme, tatayo ako sa upuan, sisigaw ng "LET'S VOLT IN!", sabay talon pabagsak sa sahig. Hindi ko na maalala, at hindi ko alam kung ba't ginagawa ko yon. Pero naman, 3 years old lang ako nun. Cut me some slack.

Sa bawat pagkakataon na may re-run ng Voltes V, nakukuha kong sundan ito at kahit alam na yung kwento ng episode na yon, tinatapos ko pa rin sya. Kahit pa may mga kinahiligan pa akong ibang anime series tulad ng Daimos, Ghost Fighter, Dragonball Z, Samurai X, Flame of Recca, tsaka yung paborito ko ngayon na Naruto, binabalikan ko pa rin ang Voltes V. Hindi lang siguro ako ang nakakaramdam ng ganito, kundi pati mga libu-libong Pilipinong nabuhay sa panahon ng Voltes V.

Ano bang meron ang Voltes V at umabot ito ng ganitong status sa psyche ng Pinoy?

Una sigurong dahilan kung bakit nakadikit na sa kulturang Pilipino ang Voltes V ay ang tatawagin kong "Jollibee factor". Pansinin nyo ang Jollibee. Ang main target ng fastfood chain na ito ay mga batang Pilipino. Sa mga magulang na nagbabasa nito, sigurado ako na isa sa mga unang salitang itinuturo nyo sa mga anak nyo ay "Jollibee". Pag dadaan kayo sa isang branch nito, laging "baby o, where's Jollibee?". Sa lasa naman, pansinin nyong matamis ang pagkain dito, which is definitely aimed sa panlasa ng mga bata. Mula pagkabata, Jollibee. Kaya dadalhin yan hanggang sa pagtanda. Dahil na-train ang taste buds mo sa lasang Jollibee, yun na ang magiging standard mo ng sarap.

Ok, i-connect natin sa Voltes V. Nung late 70s to early 80s, wala pang console gaming, wala pang PC, lalong walang Internet. Ang phone line nga noon, literal na sampung taon bago makabit. Wala pang cable TV nun. Iilan lang talaga ang channel, kaya walang ibang choice kundi panoorin ang pinapalabas sa mga ito. Isa ang Voltes V sa mga kakaunting cartoons sa mga kakarampot na channel sa TV noon. Wala nang ibang choice kundi panoorin ito. Sino ba naman ang hindi mabe-brainwash sa ilang beses na pag-ulit ng series na ito? Yung mga bata noon na paulit-ulit nanood ng Voltes V, dinala hanggang sa pagtanda ang hilig sa cartoons na ito.

Hence, the "Jollibee factor". Di nyo ba naitatanong kung bakit mas sikat pa ang Sesame Street sa 30-ish crowd ngayon kesa sa target audience nito na mga toddler to pre-school children?

Pangalawa, patok ang Voltes V dahil kasabay ng kasikatan nito ang tail-end ng "real-life Boazanian invasion" sa Pilipinas, ang Martial Law era. Matatandaang tinanggal ni Marcos ang Voltes V sa TV dahil ito daw umano ay may tema ng rebelyon at sedisyon. Pero shempre mas madali namang sabihin na "bawal ang violence sa mga bata". Basahin nyo na lang to sa Wiki ng Voltes V under "The Ferdinand Marcos issue"

Nagulat din ako noon na nawala ang Voltes V. Sabi sa kin ng nanay ko, may bata daw na gumaya kay Voltes V at tumalon galing sa taas ng building. Naniwala ako sa kanya noon, pero sa pagtanda ko, wala akong makitang episode na tumalon si Voltes V ng building. (Mga nanay talaga, o.) Siguro hindi si Voltes V ang ginaya nung batang yun. Si Dante Varona o si Lito Lapid malamang, kasi sila yung mahilig tumalon sa building nung panahon na yun e.

Iniisip ko nga kung ano yung rebellious sa Voltes V e. Napapraning lang siguro talaga si Marcos noon kasi dumadami na ang mga political activists mula sa hanay ng kabataan. Tingin ko, sa sobrang kapraningan nya, lahat na ng may tema ng oppression ay konektado na sa rebolusyon. Pati Daimos at Mazinger Z, nadamay sa kapraningang ito. Hindi alam ni Marcos na sa mismong act ng pagtanggal nyang ito ng Voltes V sa TV, doon sya itinuring na kaaway ng mga bata. Natatandaan ko pa noong 1986 People Power, naglalaro kami nun sa labas ng bahay, tapos isa sa mga kalaro ko ang nagsabing "sana umalis na si Marcos para mabalik na ang Voltes V". At lahat kami ay sumang-ayon sa kanya.

Ang huling dahilan, sa tingin ko, kung bakit nakapaskil na ang Voltes V sa utak ng mga tao ay ang tatawagin kong "Telenobela factor". Medyo self explanatory na ang factor na ito. Kung papanoorin mo yung Voltes V, makikita mong hindi pambata ang kuwento. May mature themes tulad ng parental abandonment (Armstrong brothers), death of a loved one (Mary Anne Armstrong, Jamie and Commander Robinson), coming of age (Little Jon and Octo1), struggle for survival, at ang ever-popular telenobela theme ng sibling rivalry (Steve and .. teka di ko pwede sabihin, spoiler kasi e. hahaha).
Tanggalin mo sa Voltes V ang sci-fi elements tulad ng robot, beast fighter, alien, at ang idea na may intelligent life form sa ibang planeta, makikita mong kuwento ito ng mga magkakapatid na hinahanap ang kanilang ama habang pasan nila sa kanilang balikat ang kaligtasan ng mga tao sa paligid nila. Hindi ba mahilig tayong mga Pinoy sa mga ganitong klaseng drama?

Mauugat ang dahilan ng pagkahilig sa drama ng mga Pilipino sa Zarzuela, isang uri ng musical theater na dinala ng mga Kastila sa Pilipinas. Isang uri ng Zarzuela na sumikat sa Pilipinas ay ang Moro-Moro, na umiikot sa tema ng digmaan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano. Ang mga characters ng Moro-moro ay mula sa hanay ng maharlika, mga mandirigma, at mga pangkaraniwang tao. Ang labanan sa Moro-moro ay sa pamamagitan ng espada. Hmm, parang Voltes V din yun a, wala nga lang Muslim at Kristiyano. Pero teka, magkapareho ng features ang Boazanian at ang Human a, sungay lang ang pinagkaiba.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ang Voltes V sa pagdefine ng isang generation. Hindi nagpapatawag na "Martial Law Babies" ang mga pinanganak noong 1970-1980. Mas pipiliin pa nilang tawagin na "Voltes V Generation". Hindi mahirap hulaan kung bakit pinamagatan ng Eraserheads na "Ultraelectromagneticpop!" ang una nilang album. Ang mga nakakaintindi ng title na ito ang kanilang target audience. Madaling kinagat ng mga tao ang "Ang Dating Doon" sa Bubble Gang, dahil ang kanilang anthem sa mga skit nila ay ang theme ng Voltes V. Mismong isa sa mga network executives ng GMA7 ay umamin na fanatic sya ng palabas na ito. Tsaka Voltes V lang ang kaisa-isang show na ipinalabas sa halos lahat ng local channels sa Pilipinas (ABS-CBN 2, PTV 4, GMA 7, RPN 9, IBC 13).

Bakit tumatak ang Voltes V sa Pilipino? Three things: kuwentong pang-Zarzuela ng mga Kastila, gamit ang pananalita ng mga Amerikano, kasabay ang visual art ng mga Hapon.

Walang kasing Pilipino ang Voltes V.

Wednesday, March 29, 2006

Time Machine

Siguro na-encounter mo na yung tanong na "kunwari may time machine ka, anong point ng buhay mo yung babalikan mo tapos babaguhin mo?". Kung beauty contest to, malamang ang sagot dun e "if eyver im gonna changed a foint on my life, i wouldn't changed ey-nithing por da world itself. I thank you."

May babaguhin ba ako sa buhay ko? Nagsimula na itong bumagabag sa akin noong nag-marathon ako ng Back To The Future trilogy. Ngayon, madalas ko nang itanong ito sa sarili ko. Pag nasa FX, bus, jeep, taxi, toilet, o kaya minsan kapag nasa harap ng TV habang nanonood ako ng Home TV Shopping. Nakaka-blangko talaga ng utak ang mga pinapalabas nilang kalokohan dun sabay banat ng "BUT WAIT THERE'S MORE!"

Kung may babalikan man ako, high school yon. Frustrated ako sa high school life ko e. Hindi pang-Sharon Cuneta song. Pero ano nga kaya? Anong mangyayari kung mag-time machine ako at bumalik sa high school na ganito na yung pag-iisip ko?

Panis na panis na siguro ang panliligaw nun. Malamang mapapasagot ko na yung kaisa-isang babaeng minahal ko nung high school pero walang awang nambasted sa akin ng tatlong beses. Yung mga kasabayan kong nag-aaral mag-gitara, maglalaway kasi alam ko na yung intro tsaka chords ng "Stairway To Heaven". Memoryado ko na ang chords ng mga kantang inaaral namin. Pwede pa akong magtayo ng banda tapos yung mga sikat na kanta ngayon yung gagawin kong "originals". Magiging kilabot kami sa mga all-girl school na umiisnab sa iskwela namin. Maiinggit sa amin ang mga taga-La Salle, Ateneo, at Xavier na nang-aalipusta sa high school ko. Buhay pa ang Club Dredd noon, kaya malamang iinom ako nang iinom sa gabi pagkatapos ng gig namin, pero sisiw na sisiw na yung mga exam at mga term paper na isasampal sa akin ng mga teacher ko kinabukasan. Laging perfect ang mga exam, malamang maging valedictorian ako. Member pa ng sikat na banda, sikat ako sa school, marami akong girls. Wow.

Makakapasa ako sa gusto kong course sa UP, kahit quota course yun, kasi madali na para sa kin ang UPCAT. Babarkadahin ko sina Ely Buendia at Dong Abay na nag-uumpisa pa lang noon. Dadalaw ako sa Ateneo High School at makiki-jam sa Parokya Ni Edgar na pasingit-singit lang sa mga gigs nung mga panahon na yon. Ituturo ko sa kanila ang kantang "Mr. Suave" tapos sasabihin ko na gamitin nila yun kapag sikat na sila. Magiging front act ang banda ko ng Eraserheads at Yano. Magkakaroon kami ng mga album, at maraming-marami na akong pera. Magtatapos akong Summa Cum Laude dahil alam ko na ang mga ituturo sa akin. Pag-aagawan ako ng mga kumpanya at magtatrabaho ako para sa highest bidder. Nasa Ang TV pa si Angelica Panganiban nun at ibe-befriend ko na sya. Para pagdating nya ng 15 years old, liligawan ko na sya. Tapos pag-apak nya ng 18, bubuntisin ko na sya at magpapakasal na kami. Nice.

Pero teka.

Kung mangyari yun, makikilala ko pa kaya yung mga kabarkada ko ngayon? Sila yung mga kasa-kasama ko sa bahay noong college at nagtitiis kaming maghati-hati sa isang latang sardinas. Kami-kaming nagpapatalbugan sa ligawan pero kami-kami rin ang nagdadamayan kapag may nabibigo. Hindi kami mapaghiwalay kasi alam namin ang kahinaan ng isa't-isa. (Well actually hindi kami mapaghiwalay noon kasi laging napapagtawanan at nilalait yung wala sa usapan). Ngayon, lampas sampung taon na ang nakakalipas, sila pa rin ang barkada ko. Mula sa pagsasamang nabuo sa bulok na bahay na yon hanggang ngayong nagkakaroon na ang bawat isa sa amin ng kaginhawaan sa buhay, hindi kami nagkakalimutan. Nagsimula kaming lahat sa wala, kaya masaya ang buong grupo kapag may naa-achieve ang isa sa amin. Walang kapantay ang ganitong samahan para sa akin. Kung may time machine ako at may binago ako sa nakaraan ko, paano ko masasalubong ang landas ng mga itinuturing kong tunay na kaibigan ngayon?

Kung may time machine ako at may binago ako sa nakaraan ko, makikilala ko pa kaya ang misis ko ngayon? Siguro sasabihin nyo, "Pre naman, si Angelica Panganiban na yung misis mo e. Ano pang hahanapin mo doon?" Oo nga si Angelica Panganiban yun. Pero siya kaya yung tipong tatawag sa akin sa opisina at magsasabing "umuwi ka nang maaga, nagluto ako ng paborito mo. munggo at galunggong!" Kumakain kaya si Angelica nun? In the first place, marunong ba syang magluto? In the second place (hehe), kasing sarap ba ng luto ng misis ko yung luto nya? Siya kaya yung tipo ng babae na kahit hirap na hirap na kayo sa pera, may poise pa rin at naka-focus sa kung paano kayo makakatawid sa krisis? Marami nang pera malamang si Angelica, kaya malabong ganun yun. Plus may manager na at mga alalay pa sya. Malabo ring siya ang tipo ng babaeng magpupunta sa parlor at magpapaganda para sa akin lang. Artista yun. Trabaho nya ang pagpapaganda. Kung misis ko si Angelica, ako lang kaya ang gwapo sa paningin nya? Malabo rin. Matatawa kaya siya sa jokes ko? Di rin siguro. Sa Ang TV ko nakuha ang mga jokes ko e.

Higit sa lahat, kung may time machine ako at baguhin ko yung nakaraan ko, lalabas pa kaya sa mundo ang dalawang gwapong-gwapong anak ko? Kahit mayaman ako, sikat, may asawang artista, at nasa palad ko lahat ng karangyaan sa mundo, walang kwenta ang lahat ng ito kung wala ang mga anak ko ngayon. Grabe. Naiisip ko pa lang na wala sila, nalulungkot na talaga ako. Dati-rati nung single pa ako at walang pakialam sa mundo, nagtatampo ako sa mga kainuman kong umaabsent sa drinking session dahil sa pamilya. Tinatanong ko kung anong big deal sa pagkakaroon ng anak e basta makapag-provide ka sa kanila, solb na. Hindi pala ganun. Nagbabago pala talaga ang mundo pag dumating na ang baby. Totoo pala ang mga cliche ng mga tatay. Ngayon, kahit kwento ng buhay ni Chicken Little, apektado na ako. Naluluha na ako pag nanonood ako ng Finding Nemo, lalo na dun sa part na kinukwento na kay Nemo yung ginawa ng tatay nya para mahanap sya.

Hay. Kaya ko lang siguro na-entertain yung thought na mag-time machine e dahil alam kong marami akong pagkakamali, at gusto kong ayusin ang mga pagkakamaling nagawa ko. Nature ko rin siguro bilang tao ang maghanap ng mas magandang kalagayan kesa sa kinalalagyan ko ngayon. Normal na rin sigurong mangarap ng pera, kasikatan, at magagandang babae.

Marami na akong nagawang mali. Minsan nga paulit-ulit akong nagkakamali, hindi pa rin ako natututo. Dumating na lang yung point na nagsasawa na lang ako kasi yun ang lagi kong desisyon, kaya kailangan nang baguhin. Dati-rati napaka-OA ko, pwede nang pang-telenobela ang acting dahil hindi ko matanggap na nagkamali ako.

Ngayon, pag binabalikan ko yung mga nagawa ko, di ko talaga mapigilang magsabi ng "buti na lang pala nangyari yon". Mali man o tama, naka-contribute ito sa buhay ko ngayon. At ang buhay ko ngayon ay perfect. Ironic nga kasi I don't have the perfect job, I don't have the perfect friends, I don't have the perfect wife, and I'm sure I don't have the perfect kids. Pero masaya ako kasi considering the mistakes I've done in the past, maganda pa rin yung payoff.

So kung may kilala kayong may Time Machine tapos naghahanap ng magte-test, count me out. Mas gugustuhin ko pang manood ng Home TV Shopping.

Sunday, January 01, 2006

C.R. Para Sa Mga Bakla

Nagmamadali akong pumunta sa restroom kasi puputok na talaga ang bladder ko sa loob ng sinehan. Habang umiihi ako, may pumasok na bakla, tumayo sa tabi ng urinal ko na parang iihi. Di ko na lang pinansin kasi masarap ang feeling ng jumi-jingle pag masakit na ang pantog mo. Bigla akong napatigil.

Nakasilip yung bakla sa ari ko.

Langya. Filipino size na nga lang to, pagdidiskitahan pa. Imbis na silipan na lang yung mga foreigner na nagkalat sa mall, ako pa yung napagtripan. Ano pa nga bang magagawa ko nun kundi magmadaling mag-zipper at lumabas agad ng banyo. Bukod sa sama ng loob ko sa baklang manyak na yon, sobrang sama ng loob ko kasi hindi ko napagpag ng maayos si Junior.

Sana naman maisip ng mga baklang manyak na to na may lugar para sa kalibugan. Sana ma-realize nila na hindi pickup joint ang Men's CR ng sinehan. Kung gusto nila ng lalake, dun sila sa Roxas. O kaya dun sa Timog. Hindi porke convenient para sa kanila ang makapasok sa loob ng CR ng lalake, pwede na silang maging predator dun. Hindi ako papayag na gawin nilang safari ang Men's CR, sila ang mga leon, at zebra ang titi ko (wish ko lang, kasing haba ng titi ng zebra).

Naalala ko tuloy yung kwento sa akin ng officemate kong babae. Kakatapos nya lang mag-CR nun, naghuhugas na lang sya ng kamay, nang biglang may pumasok na bakla(transvestite) para mag-CR. Sobrang nag-freak out yung officemate ko. Oo nga nakadamit pambabae yung tao. Pero titi pa rin naman ang nakakabit sa kanya, at ang mga may titi, doon sa Men's CR.

Hindi issue dito ang sexual preference ng mga bakla. Hindi rin issue ang discrimination. Security ng mga straight ang issue dito. Kung hahayaang makapasok ang mga manyak na bakla sa mga CR ng lalake, mas malaki ang probability ng pag-commit ng invasion of privacy, tulad ng nangyari sa kin. Tsaka kung damit babae o kaya e pusong babae na lang pala ang prerequisite para makapasok sa CR ng babae, magdadamit babae na lang ako o kaya magbabakla-baklaan kung gusto kong mamboso.

Wala namang pinagkaiba ang baklang manyak sa lalaking manyak e. Parehong pwedeng magdala ng panaksak o kaya baril para panakot sa biktima. Gender lang talaga ng biktima nila ang nagkaiba. Yun nga lang, pagdating sa mga CR, protektado ang mga babae dahil may CR para sa kanila. E paano naman yung mga lalakeng may potential na maging biktima ng manyak na bakla? Ano ang proteksyon nila pag nasa public restroom na sila?

Nakakaawa ang mga bakla sa panahon natin. Tingin ko, ngayon lang talaga nagsisimula ang tunay na pagtanggap sa mga bakla sa Pilipinas. Dahil dito, wala pa talagang nae-establish na rules para sa tamang behavior ng pagkabakla. May mga current rules ang lipunan na talagang dapat nasa isang side ka ng border ng lalake at babae. Tulad ng simpleng rule na to: ang mga babae sa Women's CR tapos ang mga lalake sa Men's CR. Hindi excuse ang pagkabakla para i-bend ang rules na to. Since decision nila ang maging bakla, alam nila dapat ang consequence ng pagiging bakla. Hindi sila pwede sa Men's CR kasi ayaw nilang maging lalake. Hindi rin sila pwede sa Women's CR kasi hindi sila babae.

Gumawa na lang sila ng CR para sa mga bakla.