Bumisita ako ulit ng Singapore. Kasalukuyan kong sinusulat sa bus stop to habang hinihintay ang sasakyan ko papuntang mall. Sabi kasi sa app nila, 19 minutes pa daw bago dumating yung bus.
Let it sink in. Sa bus stop lang tumitigil ang bus. May sinusunod na schedule. Sa app mo malalaman kung anong oras dadaan yung sasakyan mo.
Tulad ng lahat ng Pilipinong dumadalaw ng ibang bansa, di ko mapigilang magtanong ng "bakit hindi ganito sa Pilipinas?" at kasunod nito ay ang walang katapusang paglilista ng mga bagay na ikinagagalit ko. Bulok na public transportation system, bulok na traffic enforcement, mga bobong driver. And the list goes on.
Ay baket ba gay-on ang lechon na ire? |