185/110 daw yung blood pressure ko.
Sa mga walang idea, 90/60 - 120/80 yung normal na blood pressure. 140/90 ang borderline. Lately ko lang nalaman na may chance na pala akong magka-stroke sa taas ng BP ko na yun.
Natawa pa ako nung umpisa at napa-react pa ako ng "seryoso ba yan?" sa nurse na kumuha ng vitals ko. Nung nilabas na nila yung wheelchair para isakay ako, napalitan na ng takot yung tawa ko.
Kita nyo yung pic? Nakapagpahinga na ako nyan, pero 177/103 pa rin yung BP ko.
So, binigyan ako ng doctor sa emergency room ng blood pressure meds for 2 weeks at sabi nya, kailangan ko na raw mag-consult sa cardiologist. After 14 days, dumaan ako sa "Tanders Club Cardio Checkup Package" (urine & blood test, ECG, chest x-ray, 2D echogram, treadmill stress test). Paglabas ng results, ganito yung naging gist ng usapan namin ng cardiologist:
Doc: "Sir, normal naman po kayo sa lahat, except yung weight at sa liver ninyo. Kailangan nyo nang magpapayat at tumigil sa pag-inom."
Ako: "ANO? Doc, pwede bang magpapayat na lang muna, saka ko na tigilan yung alak?"
Doc: "Kayo po bahala, ang sinasabi ko lang eh delikado na yung level ng uric acid sa liver nyo at kailangan nyo nang mag-abstain."
Ako: "Ok po. Ano pong mga pagkain ang kailangan kong iwasan?"
Doc: "Sir, matanda na po kayo para malaman kung ano yung bawal para sa inyo"
(Opo, Verbatim po yung last line. Dapat pag member ka na ng Tanders Club of Manila, tanggap mo ang pagka-tanders mo. Bawal ang in denial.)
Binigyan na ako ng doktor ng go signal para mag-exercise, at sinabi nyang wag munang mag-gamot, na baka madaan pa sa lifestyle change. I-note ko daw ang blood pressure ko pagkagising at bago matulog. Itatanong ko pa dapat kung may ibibigay syang membership ID sa kin para sa Tanders Club of Manila, pero baka saksakin pa nya ako ng scalpel, mahirap na.
Madaling sabihin ang mga salitang "lifestyle change", pero putangina pramis, ang hirap gawin. So far eto pa lang ang mga ginagawa ko:
Exercise:
Bumili ako ng matinong backpack, yung ginagamit na ng mga biker at mountaineer, yung may raincover. Bumili na rin ako ng bagong sports earphones. Imbis na gumastos sa gym, naglalakad na lang ako every Mon-Wed-Fri night papunta sa office at Tue-Thu-Sat morning pabalik ng bahay (panggabi kasi ako). 9 kilometers from Pasig to Makati, 9 km din pabalik.
I call this my "Taong Grasa Cardio Workout".
Progress Tracking:
Nag-install ako sa telepono ko ng Runkeeper para ma-track ang aking Taong Grasa activities. Nag-install rin ako ng MyFitnessPal para ma-track ang kinakain ko, at Withings Health Mate para ma-store ang weight and blood pressure readings.
Diet:
As much as possible, umiiwas na ako sa rice at sa maaalat na pagkain. Di naman ako ipokrito. Kung ikamamatay ko ang sobrang rice at sobrang asin, mas maaga yata akong mamamatay kung hindi na ako magkakanin at hindi na ako kakain ng binagoongang baboy. Kalokohan yon.
Inom:
Umiinom pa rin ako, pero once a month na lang, at madadagdagan pa depende sa dami ng nagce-celebrate ng birthday nila sa buwan na yon.
At ang pinaka-importante sa lahat,
Stress:
- Hindi na ako nagta-taxi, Uber car na lang ang ginagamit ko. Sa Uber, hindi na ako natatakot kung holdaper o hindi yung driver ko. Hindi ko na kailangang makipagtalo kung saan dapat dumaan. Hindi ko na rin problema yung bayad kasi icha-charge na lang sa credit card ko. Walang hassle, walang stress.
- Pag sasakay ng jeep or bus, nakikinig na lang ako kay Ella Fitzgerald, Louis Armstrong, Frank Sinatra, at John Coltrane habang nasa byahe. Subukan mo to, siguradong magugulat ka sa soothing effect ng boses ni Lady Ella habang nasa EDSA traffic.
- Sa trabaho, hindi naman maiiwasan ang stress, pero sa tuwing dumarating ang panahon na kumukulo na ang dugo ko sa galit, pupunta ako sa banyo para mag-toothbrush. Simpleng-simple pero effective na stress reliever ang pagsisipilyo para sa kin.
- Naglinis ako ng social media:
- Sa Twitter, nag-pigeonhole ako ng mga fina-follow ko sa kani-kanilang nilang lists. Hindi ko naman kasi kailangang basahin lahat ng brain farts nila sa bawat pag-refresh ko ng feed ko.
- Sa Instagram, in-unfollow ko na yung mga taong puro "look at me, my life is better than yours" pics
- Sa Facebook,
- nag-unfollow ako ng mga taong walang ibang pino-post kundi reklamo sa mundo.
- nag-unfollow na rin ako ng mga ubod ng yabang
- in-unfollow ko na rin yung mga panay ang selfie na hindi ko naman gusto ang pagmumukha
- tinanggal ko na yung Rappler, Inquirer, GMA News, ABS-CBN News, at Interaksyon sa feed ko. Sa 6 pm news na lang ng CNN Philippines ako kumukuha ng balita
- Ang kalaban mo lang naman sa social media ay ang FOMO or Fear Of Missing Out, kaya imbis na mag-aksaya ng oras sa Facebook, nakikipag-daldalan na lang ako sa mga kaibigan ko sa Viber group namin. Hindi mo na kailangang mag-refresh nang mag-refresh dahil kusang dadating sa yo ang kwentuhan, therefore, walang mami-miss out. Isa pang malaking difference: sa Facebook, maraming judgmental na lurker. Sa Viber, alam mo nang judgmental yung mga kausap mo, pero since magkakaibigan naman kayo, masaya ang kwentuhan.
Malayo pa ako sa ideal weight at ideal waistline. Maraming kilo pang steamed fish ang kakainin at marami pang taong grasa activities ang kailangan kong gawin. Dahil sa taong grasa activities, hindi nakakain ng exercise ang oras ko para sa pamilya. Hindi rin araw-araw ang pag-commute. Mas nama-manage ko na nang mabuti ang stress sa work. Mas masaya pa ako ngayon dahil hindi natatapos ang araw na hindi kami nagkakatawanan ng mga kaibigan ko.
And so here I am, a proud member of the Tanders Club of Manila. 73 days after ng pagsugod sa akin sa E.R., and 65 days after ng last intake ko ng blood pressure meds:
0 comments:
Post a Comment