Kakatapos lang ng 39th birthday ko, at nari-realize ko na kapag umaabot ka na pala sa ganitong edad, feeling mo nabigay mo na ang lahat ng kailangan mong ibigay na advice. Ang hirap na tuloy sumulat kasi feeling ko paulit-ulit na lang ang sinasabi ko, parang yung tito mong nalasing sa family reunion.
Buti na lang tumugtog sa Spotify yung spoken word song na "Everybody's Free (To Wear Sunscreen)" ni Baz Luhrmann. Sabi nya:
Advice is a form of nostalgia,
Dispensing it is a way of fishing the past from the disposal,
Wiping it off, painting over the ugly parts,
And recycling it for more than it's worth
Alright, salamat Baz. Tama. Imbis na maghintay ako ng epiphany habang tinutubuan ng ugat ang pwet sa traffic, magre-recycle na lang siguro ako ng mga experiences ko for the past year at i-repackage ko sya as nuggets of wisdom. Mmmm, nuggets.
(cue ambient/chillout/chillwave electronic beat...)
1. Walang point i-please ang mga taong alam mong ayaw sa yo. It's never your responsibility to give up who you are for anybody or anything
2. Floss! Totoo yung sinasabi ng commercial ng Colgate tungkol sa cavities. Pero hindi makukuha sa toothbrush at toothpaste yon. Wag na wag mong kalimutang mag-floss. Tooth extraction is a bitch.
3. Ang noise-canceling earphones ay effective na panlaban sa mga sumusunod: mga nagp-preach sa bus, elevator na puno ng mga call center agents, at saleslady ng brief at medyas sa SM Department Store.
4. Kung nase-stress ka sa mga walang kwentang balita tulad ng patayan, holdapan, at banggaan ng mga bus at truck, try mo yung 9 PM news sa ANC (The World Tonight) or GMA News TV (State of the Nation). Matino rin ang 6 PM news sa CNN Philippines.
5. Mahirap mag-alaga ng magulang lalo na kapag wala silang naipon kasi nagtrabaho sila para sa pagpapa-aral mo. Kaya wag kang maging burden sa mga anak mo, mag-ipon ka na ngayon.
6. Kung nagpapapayat ka at nagbibilang ng calories, try mo magtira ng "happiness calories". Parang "cheat meal" pero required na may kasama kang family or friends. Payat ka nga, di ka naman masaya, wala rin.
7. Ang stock market ay hindi magic wand na sagot sa mababang interest rates ng deposit accounts at bonds. Kung wala kang tiyagang mag-aral ng technical at fundamental analysis, mag-mutual fund ka na lang
8. Mas masarap ang brewed coffee sa Dunkin Donuts or 7-11 kesa Starbucks. Mas masarap na, mas mura pa.
9. Kung hindi mo gusto ang HMO/health card ng kumpanya nyo, ipatigil mo na ang card mo. Maraming alternatives jan sa labas na mas maganda ang coverage. Mag-research ka na lang.
10. Kung kaya mong isa-isahin ang sa tingin mo ay mga mali sa Pilipinas, dapat kaya mo ring isa-isahin kung anong babaguhin mo sa sarili mo para maayos ang bansa.
11. Ilagay mo na ang birthday mo sa Facebook. Wag ka nang magpa-hard to get at mag-drama ng "mga totoong kaibigan ko lang ang may alam ng birthday ko". Kahit mga true friends mo, may tendency na makalimutan ang birthday ng magulang, asawa, or anak nila. Birthday mo pa kaya?
12. I-upload mo sa YouTube lahat ng phone videos mo, i-set ang privacy ng video as "Unlisted", tapos i-categorize mo sa kanya-kanyang unlisted YouTube playlist. Kahit saan ka pumunta, maa-access mo na ang memories mo.
13. Minsan kapag nasasabi mong "you can't choose your parents", isipin mo rin kung sinasabi rin yan ng mga anak mo tungkol sa yo.
14. Ang pagpapapayat ay hindi diet OR exercise. It is always diet AND exercise.
15. Wag pumasok sa business kung sabungero ang magiging partner mo
16. Ang tunay na "keeping in touch" ay hindi pag-like ng bawat post ng kakilala mo sa Facebook. I-click mo yung name nya sa chat box at i-type ang "kumusta ka na?"
17. Kung hindi mo gusto ang isang comment sa Facebook or Instagram mo, imbis na patulan mo yung tao, i-delete mo na lang yung comment. Pwede ring i-block mo yung tao or ilagay sa "Restricted". Hindi mo maiiwasang magkaroon ng epal at nagmamarunong sa contacts mo, pero pwede mo namang ilagay sila sa tamang lugar.
18. Immediately after nyong mag-away ng asawa mo, bumalik ka dun sa panahong nag-decide ka na sya ang gusto mong pakasalan. Sigurado akong magso-sorry ka sa kanya kahit na ikaw ang may kasalanan.
19. Malalaman mo ang tunay na quality ng graduates ng kumpanya nyo sa linis ng pantry at banyo kapag walang janitor. Clean as you go.
20. Mas konti ang tao sa mall kapag ang date ay 13, 14, 28, at 29, unless matapat ang mga dates na to sa weekend. Marami pa rin kasing 15 at 30 ang sweldo, at tendency talaga ng mga Pinoy maging ubos biyaya kapag nakahawak ng pera.
21. Investment ang pet vaccine. Kung gumagastos ka sa travel para matanggal ang stress mo sa buhay, gumastos ka rin sa bakuna ng alaga mo, kasi sila ang pinakamalapit mong pangtanggal stress
22. Sa Twitter, gumawa ka ng mga list, tapos bawat fina-follow mo, i-mute mo tapos i-add mo sa isang list kung saan sya bagay. Tapos sa desktop/mobile browser, maglagay ng bookmark sa bawat list na nagawa mo. Mas magiging malinis ang Twitter experience mo ngayon.
23. Hindi na dapat dine-deprive ang mga bata ng bagong technology, dahil pag alam mo na kung paano nila ginagamit madalas ang tech na to, malalaman mo kung paano ito magagamit as leverage sa pagdi-disiplina sa kanila. Plus, pagtanda nila, gagawin mo rin naman silang tech support kapag ikaw na yung naninibago sa advancements.
24. Mas marami nang namamatay dahil kulang sa tulog kesa dahil sa sobrang kain
25. Kapag lumabas na sa credit card bill mo yung annual fee, try mong tumawag sa customer service para ipa-waive yun
26. Subukan mong i-limit sa 15 ang mga kaibigan na ka-close mo. Hindi necessarily galing lahat sa iisang circle. Pwedeng isa hanggang tatlo per circle of friends. Choose wisely. The less people you chill with, the less bullshit you deal with.
27. Laging maghintay ng 5 minutes kapag may surge sa Uber. After 5 minutes, kapag hindi bumaba ang surge, legit na surge yon, hindi "scam".
28. Kapag may mangungutang sa yo at nangangakong babayaran ka kinabukasan with 20% interest, wag mong pautangin. Malamang shabu addict yan.
29. Hindi enough ang pag-set lang ng rules sa mga bata. Kailangang i-explain kung bakit ganun ang rule at ano ang made-develop nilang virtue pag sumunod sila dun.
30. Subukan mong magkaroon ulit ng diary. Hindi necessarily blog, diary lang ng mga nangyari sa yo during the day, na hindi open to the public tulad ng tweets mo. Mag-install ng kahit anong app na pwede mong lagyan ng notes at ma-store ito sa cloud tulad ng Evernote, OneNote, Google Keep, or Apple Notes. Tapos gumawa ka ng entry habang nasa biyahe.
31. Kung mas gusto mo ang day shift, maghanap ka ng kumpanya na sumasabay sa Australian time. Kadalasan ay 6am to 3pm Mondays to Fridays ang work sked nito. Saktong iwas sa traffic sa umaga, pwede pang mag-gym at mag-2 bottles with friends sa gabi.
32. Bago mo i-share ang isang article, check mo muna ang source. Kung may i-share kang balita na magugunaw na ang mundo sa 2017, at ang source mo ay end-of-the-world.com, isa kang tanga.
33. Wag kang sumali ng mga fun run para maging fit, rather, maging fit ka muna bago ka sumali sa mga fun run. Kawawa ang tuhod mo.
34. Kung may ATM card ka para sa payroll account mo, mag-enroll ka pa ng isang ATM deposit account sa same bank. Itago mo sa bahay yung payroll ATM, tapos mag-transfer ka na lang ng weekly budget mo dun sa isang card. Kung mabiktima ka man ng skimming device, barya lang ang makukuha sa yo ng hacker.
35. Mas marami kang mapupulot na aral sa 20 minutes per episode ng sports anime tulad ng Kuroko No Basuke, Haikyuu, at Diamond No Ace kesa sa 30 minutes per episode ng mga primetime teleserye
36. Sabi sa kin ng doktor ni erpats nung naospital sya, kapag nagyosi ka at one point in your life, siguradong magkakaroon ka ng chronic obstructive pulmonary disease pagtanda mo (complications ng COPD yung ikinamatay ni Dolphy). Minimum 3000 pesos per month ang gastos sa gamot, kaya kung nagyoyosi ka, mag-ipon ka na.
37. Sumali o gumawa ka ng Facebook messenger or Viber group ng circle of friends mo, at subukang humirit o mangumusta sa kanila araw-araw. Yung mga pino-post mong kalokohan sa Facebook or Twitter, dun mo sa group chat i-post.
38. Bago ka mag-iwan ng opinyon sa kahit anong pwedeng lagyan ng comment sa internet, tanungin mo muna ang sarili mo kung aandar ba papunta sa tamang direksyon ang usapan, o naga-aksaya ka lang ng oras mo at oras ng ibang tao?
39. I-trato mo lahat ng mga may hinihingi o may kailangan sa yo na para kang cashier sa fast food. Respect begets respect.