Sorry sa mga tatamaan, pero lately, nainis ako kasi may nakita akong nag-post ng award ng anak nila, with caption "we're so proud of you" pero walang hashtag blessed:
"9th Honorable Mention"
Seryoso? Meron nang 9th Honorable Mention? Technically, 12th place ang 9th honorable mention kasi may gold, silver, at bronze medal, tapos plus 9. So 12th place. May award ang 12th place?! Langya. Sa mga raffle nga, ang 12th prize malamang e mousepad ng CDR-King. Ikaw ba, sa mga kaibigan mo, may kakilala kang naging 9th honorable mention? Ilalagay mo ba yan sa resumé?
Kailan nagsimulang naging cause for celebration ang mediocrity?
Ayokong maging hypocrite, dahil on a smaller scale, guilty rin naman ako sa ganito. Kapag walang line of 7 ang anak ko sa card, tini-treat ko sya. Sinasabi kong "I'm happy that you didn't get a line of 7". Maka-82 lang sa Filipino yung teenager kong inglisero, tatalon na ko sa tuwa. Kapag naglinis ng kwarto yung 9-year old ko, instant jaw-drop compliment na "wow ang galing!". Well, in defense, magaling naman talaga kung iisipin mo kasi 9 years old na lalake tapos nagkusang-loob na maglinis ng kwarto. Pupusta ako, hindi na mangyayari to pag teenager na sya.
Palibhasa kasi, noong bata ako, walang ibang cause for celebration kundi top 1. Pag hindi ako nag-top sa klase, wala lang. Naaalala ko yung kaisa-isang beses na naging top 1 ako sa class for 1 quarter. Nagpabili ako sa nanay ko ng plaka ni Lionel Richie at Menudo (vinyl daw sabi ng mga kids ngayon. tangina nyo plaka tawag namin dito). Yun na ang una at huling celebration na natatandaan ko, at hinding-hindi ko makakalimutan yung saya na makinig sa "Hold Me" ng Menudo. Kasi pinaghirapan ko yon.
Oo pinaghirapan ko yan. Bad trip. Hahaha
Jump muna tayo sandali ng topic, pero sobrang related. Alam nyo ba na ang pinaka-effective na icebreaker ngayon pag may kausap kang Generation X (people with birth dates ranging from the early 1960s to the early 1980s) ay ang tanong na:
"Kumusta ang Millenials sa workplace nyo?"
Grabe. Alam nyo ba na kahit gaano karami na ang mga nakausap ko na ginamitan ng ganitong icebreaker, pare-pareho sila ng reaction?
- "Average tenure is 2 years"
- "Spoiled brats"
- "Gusto nila, boss na agad sila"
- "Self-entitled"
- "Parang lahat ng gawin nila, kahit mag-print lang ng isang page... dapat may award"
Dear Gen X'er na nagbabasa nito na nagrereklamo sa mga Millenials,
Noong bata ka pa, malamang wala kang nakuhang award sa school. Noong ikaw na ang nagka-anak, lagi mong sinasabi sa sarili mong "gusto kong iparanas sa mga anak ko ang hindi ko naranasan nung bata pa ako," kaya kahit na 9th honorable mention, proud na proud ka na sa anak mo.
Ngayon, napupuno na ang mundo ng mga self-entitled spoiled brats, huwag kang magalit.
Because it's all your fault.
Nagmamahal, kapwa Gen X'er
Naisip
ko lang, kung yung mga Generation X nagrereklamo na sa
pagka-"self-entitled" ng mga Millenials, ano na kaya ang susunod na generation?
To answer this, ngayong mga Millenials na ang mga nagkaka-anak, puntahan natin ang mga preschool "moving up" awards that aim to give the kids a "positive view of themselves":
Obligasyon mo ang pag-share sa kapwa. Hindi kailangan ng award.
Kahit hindi ka Perfect Attendance, CONGRATULATIONS!!!
Uhm...
Holy crap.
0 comments:
Post a Comment