Friday, July 20, 2012

Generation Spoonfed

"As a student... ano gusto nyo sa klase?"

Nabasa ko ang tanong na to sa isang Facebook group. Teacher ang nagtanong, mga college students ang sumagot. Tulad ng inaasahan, naroon ang mga predictable na mga sagot tulad ng:

  • "classmates na kacheckout checkout"
  • "pwede matulog sa klase"
  • "take home exercises"
  • "yung papasa pa rin kahit hindi nag-aral"

At may mga sagot na nagparamdam sa akin na ang tanda ko na talaga:

  • "may incentive sa lahat ng ginagawa"
  • "yung hindi masungit pag nagtatanong ang mga students"
  • "yung magaling magturo, hindi sobrang bagal, hindi din sobrang bilis"
  • "yung willing magmeet halfway yung teacher at students para magkaintindihan/maenjoy yung lesson"

Unang una, hindi na dapat tinatanong ng teacher ang mga students kung ano ang gusto nila sa klase, unless addict sa positive feedback yung nagtuturo. Bukod sa schoolwork, dapat maaga pa lang, sinasanay na ang mga bata sa laws of the real world.

Play with the cards that you were dealt with.

Sa real world, hindi magtatanong ang boss mo kung ano ang gusto mong kumpanya. Sa business, hindi mo pwedeng basta-basta bitawan ang kasosyo mong hindi mo trip ang opinyon. Sa pamilya, hindi mo mapipili ang gender ng anak mo (before and after birth).

Ni minsan hindi ko naaalalang tinanong kami ng teacher kung ano ang gusto namin sa klase. Oo, kanya-kanyang style yan, walang basagan ng trip. Naniniwala naman ako na each teacher should have his/her own trademark. Pero pandering to the students should never be an option. Ang mga students ang clay na dapat mino-mold ng teacher, not the other way around.

Sa mga students naman, naiintindihan kong lahat na ng bagay ngayon e pang-mentally handicapped na. Touchscreen na lahat, obsolete na ang library, may internet ka kahit naglalakad ka sa bangketa. Sa kasong ito, the question was "ano ang gusto nyo sa klase", hindi "ano ang gusto mong teacher". Pero yung mga sagot ng iba, parang iPad ata ang hinahanap. "May incentive sa lahat ng ginagawa" parang cash lang sa Cityville. "Yung hindi masungit" parang si Siri. "Hindi sobrang bagal, hindi sobrang bilis" na parang may accessibility options. "Willing magmeet halfway" na parang may after sales customer service.

Simple lang yung tanong at nakakaaliw ang mga sagot, pero sinasalamin na nya ang katotohanang dala ng pag-spoonfeed sa generation ngayon. Nakakatakot isiping patungo na tayo sa future na pine-predict ng Wall-E, na sa bawat paglabas ng teknolohiyang nagpapadali sa buhay, unti-unti na ring nawawala ang basic trait kung bakit napunta ang Homo Sapiens sa tuktok ng food chain:

Adaptation.

0 comments:

Post a Comment