"Galit ako sa yo"
"Bakit?"
"Kasi pinalo mo ako."
Tinanong ko sya ulit, "Tingin mo ba, yung mga pulis, nagso-sorry sa mga kriminal habang nasa loob sila ng kulungan?"
"Hindi."
"Tingin mo bakit?"
"Kasi consequence yun ng bad things na ginawa nila e"
Niyakap ko ang anak ko, hinalikan ko sa noo, at sinabi ko sa kanya na lahat ng ginagawa niya ay may consequence, at hindi ko na hihintaying magkaroon sya ng 3rd degree burns para matutunan ang masamang consequence ng paglalaro malapit sa apoy. Napalo ko sya dahil natakot akong baka ulitin nya yon at maaksidente.
Eto ang "dark side" ng parenting na hindi mo makikita sa Facebook. Akala mo ang cute-cute ng mga bata pag niyayabang sila sa mga pictures no? Wala kang makikitang mga larawang ganito dahil wala naman sigurong magulang na may gustong ipagmalaki sa mundo na nagkamali ang anak nila.
Maraming lumalabas na studies sa US na nagsasabing directly linked ang pagpalo sa alcohol at drug abuse. Sabi rin ng American Academy of Pediatrics, mental disorders were linked to physical punishment. Gusto ko na sanang maniwala, kaso nga lang, galing ang study na ito sa bansang nagbigay sa mundo ng Jersey Shore, Lady Gaga, Lil Wayne, at Nicki Minaj. At matapos kong mabasa noong Christmas 2011 ang mga Twitter posts na ito, nawalan na talaga ako ng tiwala sa mga US parenting studies:
Kanya-kanyang style ng parenting yan. Pero para sa akin, kasing complicated ng explanation na "pinapalo kita kasi mahal kita" ang pagiging magulang. Ang hirap naman sa pagiging magulang ay bukod sa ikaw ang source ng pagmamahal, ng sustenance, ng moral support, at the same time, ikaw din ang judge, jury, and executioner. Kasi kung hindi ikaw, sino?
"Ang hirap naman sa pagiging magulang ay bukod sa ikaw ang source ng pagmamahal, ng sustenance, ng moral support, at the same time, ikaw din ang judge, jury, and executioner. Kasi kung hindi ikaw, sino?"
ReplyDeleteyou nailed it.