Kapag hindi mo pa nakita ang eksenang ito, either wala kang internet o wala ka lang talagang pakialam sa mga nagaganap.
Nabulabog na naman ang Filipino internet community nang i-post ng TV5 News ang video ng lalaking umupak sa isang MMDA traffic enforcer. Ironically, ang apelyido ng bully dito ay "Carabuena", na pag dinaan sa Google Translate from Spanish to English ay "Good Side"
Nakakatawa pero, by definition, ang good side ng isang tao ay ang angle ng katawan nya na ihaharap sa camera para maganda ang picture. Obviously, Mr. Carabuena did not live up to his name.
Kung may lesson man akong nakita sa pangyayaring ito, hindi yung the usual "wag mambully ng minimum wage MMDA" or "wag kang gagawa ng katangahan pag may van ng media sa harap mo" or "kailangan mo nang magpapayat kasi galit ang internet sa matataba"
Tulad ni Carabuena na nakalimot sa ibig sabihin ng pangalan nya, nakalimutan na ng karamihan sa Metro Manila ang ipakita ang kanilang Good Side sa kapwa.
Pag naka-Volvo ka at alam mong mas mababa ang sweldo sa yo ng MMDA traffic enforcer, Good Side mo ba ang makikita ng ibang tao kung sasampal-sampalin mo yung MMDA sa harap ng maraming tao?
Marunong pa ba ang mga nagmamaneho sa Metro Manila na magbigayan sa daan bilang pagpapakita ng Good Side sa kapwa driver?
Bilang pedestrian, kailan ka huling tumawid sa tamang tawiran, o sumunod sa kahit anong batas trapiko kahit walang nakabantay, at umaasang gumaya ang iba sa ipinapakita mong halimbawa?
Bilang pasahero, kapag may sumakay na senior citizen sa bus, ipinapakita mo pa ba ang Good Side mo at ibibigay mo pa rin yung upuan mo kahit malayo pa ang byahe mo?
Kung bawat isa sa atin ay titigil kahit saglit at iisipin kung ano ang mas magandang makikita ng ibang tao bago tayo kumilos, malaking pagbabago ang mangyayari sa Metro Manila.
Always show your good side.. Siempre muestre su Cara Buena.

0 comments:
Post a Comment