Nagta-trabaho ka para mag-ipon ng pera na panggamot ng sakit mo kaka-trabaho.
Huwag lolokohin ang mga anak na maging M.D. para makatulong sa mga may sakit. Deretso nang sabihin na maging doktor para maraming pera. At para maka-discount pag ikaw na ang may sakit.
Buti na lang kinain ko lahat ng liempo, crispy pata, sisig, bulalo, hamburger, at steak na kaya kong kainin. Ngayong kailangan ko na silang iwasan, para akong nakipagbreak sa babaeng sobrang galing sa kama pero hindi naman wife material. Puro good memories, and no regrets.
Ang nag-trigger daw ng migraine ko eh galing sa mga pagkaing may keso o kaya chocolate. Kaya pala kapag tumagal e nagiging sakit sa ulo ang mga lalaking sweet at cheesy. Acheche!
Stress and lack of sleep ang major factors sa pagtaas ng blood pressure ko. Stressed kasi hindi ako makagimik tuwing weekdays at lack of sleep pag pumarty naman ako kapag weekends?
Mahalin natin ang mga doktor dahil sila lang ang nagsasabi sa yo na "ang bata-bata mo pa" kahit lahat ng tao sa paligid mo sinasabing "you're too old for this sh*t, bro"
Bukod sa "health is wealth", mas sang-ayon sa panahon natin ngayon ang "wealth is health". Kapag may isusuksok, may madudukot. Wala kang ibang maasahan kundi ang sarili mo, kaya mag-ipon, build your fortune, at wag nang bumili ng kotse kung marunong ka namang mag-commute...
".... Ok sir tapos na po, tulungan ko na kayong tumayo... "
Ayan tapos na daw yung CT Scan. Sana wala silang makitang sira sa ulo ko.