10 years ago, nag-blog ako tungkol sa birthday ko. Binasa ko sya ulit kanina. Medyo natawa na lang ako nung nabasa ko yung ending paragraph na:
"Isa na to sa mga pinakamasayang birthday ng buhay ko. Nakatulog akong nag-iisip kung bakit pa ako nabubuhay dito sa mundo. Nagising ako at ipinakita sa akin kung bakit kailangan ko pang mabuhay."Well, anyway, kaya ako natatawa, eto kasi ang mga nangyari sa buhay ko pagkatapos kong magsulat tungkol sa so called "isa sa pinakamasayang birthday ng buhay ko"
- 2004 - Naging gelpren ko ang babaeng pakakasalan ko (hindi sya yung crush ko na andun sa blog entry sa taas)
- 2005 - Kinasal kami. Bilis no?
- 2006 - Pinanganak ang panganay namin. Do the math. Hahaha
- 2007 - Na-promote ako sa trabaho (hindi dahil sa tenure, pero dahil sa merit)
- 2008 - Nakita ko ang Old Faithful at Grand Canyon. Nasakyan ko lahat ng rides sa Six Flags Magic Mountain at thrill rides ng Stratosphere Las Vegas
- 2009 - Sinabihan ako ni Ely ng "I Love You Too Pare" sa Eraserheads Final Set
- 2010 - Nanirahan na kami sa Singapore at nakasama ko ang mga college best friends ko doon.
- 2011 - Napanood ko nang live si Eric Clapton, si Slash, at ang Stone Temple Pilots, ilan lang sa mga tinuturing kong heroes ng music
- 2012 - Pinanganak ang baby girl ko
- 2013 - Bumalik kami sa Singapore, pero para manood ng concert ng Eraserheads
10 years ago, tulad ng marami sa inyo, dumaan ako sa quarter life crisis. Sabi ni Wikipedia,
The quarterlife crisis is a period of life usually ranging from the late teens to the early thirties, in which a person begins to feel doubtful about their own lives, brought on by the stress of becoming an adult... Common symptoms of a quarter life crisis are often feelings of being "lost, scared, lonely or confused" about what steps to take in order to transition properly into adulthood.O di ba? Yung pinagdadaanan ko 10 years ago, saktong-sakto sa symptoms. Pero, eto na ako ngayon, masasabi kong masaya ang buhay ko at nalampasan ko na nga siguro yung quarter life crisis.
Sa inyong mga dumadaan sa ganitong phase ng buhay, eto ang mga maipapayo ko para maka-graduate kayo with flying colors:
Huwag na huwag mong i-compare ang sarili mo sa ibang tao.
Hindi mo maiiwasang sabihin sa sarili mo na "buti pa yung kaklase ko nung high school ang yaman na" o kaya "ang galing nung kalaro ko dati, manager na ngayon sa trabaho nya". Alam mo, OK lang mainggit. Nature ng tao yon. Ang masama eh yung ma-consume ka ng inggit mo, na matatakot ka sa possibility na hindi mo na sila maaabutan pagdating sa career or financial advancement. Fear is the path to the dark side, ika nga. Wag kang mag-focus sa mga bagay na mas higit sila sa yo. Isipin mo ang mga bagay na kung saan ikaw naman ang higit sa kanila, and at the end of the day, masasabi mo sa sarili mo na pantay-pantay din lang pala kayong lahat.
Lahat ng gawin mo sa katawan mo, ibabalik din sa yo.
Sige lumamon at uminom ka na parang walang bukas para malunod ang lungkot mo. 10 years from now, sisingilin ka na ng atay, puso, kidney, at lungs mo. Yung 500 pesos na sisig at beer mo araw-araw, eventually, magiging 500 per consultation sa doctor. Hindi pa kasama yung gamot nyan.
Travel.
Wala akong pakialam kung saan mo gustong pumunta. Ang importante e hindi sya dapat mabulok sa pagiging pangarap lang. Gawin mo. Akala mo mahirap mag-travel, pero madali lang, as soon as malaman mo kung anong klaseng traveller ka. Traveller ha, hindi tourist. Malaki ang difference.
Tatlo ang klase ng travellers para sa akin. Una, ang "Samantha Brown" na puro kasosyalan. Pangalawa, ang "Anthony Bourdain" na tamang mix ng sosyal at koboy. At pangatlo, ang aking paborito, ang "Drew Arellano" na nae-enjoy ang travel kahit na maliit lang ang budget.
Huwag maging tanga sa perang kinikita mo.
Ano kamo? Retail Therapy ang sagot sa quarter life crisis? O sige bumili ka ng bagong cellphone para pwede mong iyabang sa Starbucks! Yang 20 thousand peso cellphone na pinaglalawayan mo ngayon, 10 years from now, kahit snatcher, walang tatanggap. Pero isipin mo, kung bumili ka ng 20 shares at 1000 pesos per share ng PLDT 10 years ago, nasa 54000 pesos na ang pera mo kasi 2700 pesos per share na ang PLDT ngayon. YAN ang pwede mong iyabang sa Starbucks.
Pag tinanong siguro ako ng "Kahit na masaya ang buhay mo ngayon, ano ang mga regrets mo?" ang isasagot ko: "Pearl Jam Live in Manila", "Metallica Live in Manila", "Rage Against The Machine Live in Manila", "Smashing Pumpkins Live In Manila", mga concert na hindi ko napanood noong dumalaw sila dito sa Pilipinas. Noong kasikatan ng Eraserheads, kahit nanonood ako pag nagco-concert sila sa school, hindi ako nagpupunta sa mga bar gig nila. Kaya ngayon ako bumabawi, kung kailan paminsan-minsan at sa malalayong lugar na ang tinutugtugan nila.
Minsan lang sila maging sikat, pero habambuhay silang mananatili sa playlist mo. Panoorin mo na habang may pagkakataon.
Huwag mag-aalala, dahil the best days of your life are ahead of you.
Itanim sa puso at isipan ang mga iniwang salita ni Steve Jobs sa commencement address nya noong 2005 sa Stanford:
"You can't connect the dots looking forward; you can only connect them looking backwards. So you have to trust that the dots will somehow connect in your future. You have to trust in something — your gut, destiny, life, karma, whatever."
Teka, teka, teka, teka, teka muna, teka. Bigla kong na-realize na natapos ko na yung quarter life crisis...
Tangina, next na yung mid-life?
Nice one bro! Pinag uusapan lamang namin ni Kulas ang tungkol dito nung nakasakay kami sa bus pauwi ng prabins last Friday.
ReplyDelete