Sa inyong mga hindi nakakakilala sa akin, masasabi ko naman na kaya kong makabili ng sasakyan, pero convinced talaga ako na hindi worth it ang pagbili nito dahil 1) sobrang bilis nito mag-depreciate; at 2) umaasa ito sa gasolina, isang commodity na hindi stable at sobrang bilis tumaas ang presyo. Isa syang malaking financial black hole, and to put it simply, "para kang bumili ng mamahaling martilyo na ihahampas sa ulo mo."
Nitong linggo lang, nag-post ako sa Facebook ng tanong na matagal nang bumabagabag sa isip ko.
Kung gusto nyong basahin yung article, click nyo to.
Nagkaroon kami ng masayang back-and-forth sa comments, at maraming interesting sa talking points:
- Kung walang magbabago sa pag-iisip ng mga tao, hangga't "necessity" tsaka "symbol of success" ang kotse, walang ibang mangyayari kundi paglaki ng problema sa traffic.
- Pero subjective ang necessity, at kung nasa definition mo ng necessity ang pagkakaroon ng sasakyan, e di bumili ka.
- Kung aayusin lang talaga ng gobyerno ang bus at train system ng Metro Manila, pati na rin ang law and order, mababawasan ang mga kotse sa kalye
- "A developed country is not a place where the poor have cars. It's where the rich use public transportation." - Enrique PeƱalosa
Pero sa topic ng pagiging "necessity" at "symbol of success" ang pagkakaroon ng sasakyan, isa sa mga reply doon ang nakapagpaisip sa akin
Kita nyo yung unang dalawang point nya? Tungkol sa "risk" at "hawak ang oras"? Ito yung nakapagpa-realize sa akin kung bakit naging "symbol of success" ang pagkakaroon ng kotse. Kapag nagkaroon ka na ng kotse, hindi mo na kailangang sabihin, pero makikita na lang ng buong mundo na:
- Nakuha mo na ang unang million pesos ng buhay mo (pero kung galing sa magulang mo yung kotse, wag kang mayabang hahaha)
- Hawak mo ang oras mo at ang mga lugar na gusto mong puntahan. Hindi ka naghahabol ng "last trip" at hindi mo kailangang maglipat-lipat ng sasakyan para lang makapunta sa kung saan
- Nama-manage mo ang risks ng biyahe, hindi tulad ng pagsakay sa bus na ipinapa-"Bahala na si Batman" mo ang buhay mo at ng pamilya mo.
Ang pagma-manage ng sarili mong risks at paghawak sa sarili mong oras ay dalawa lang sa mga signs ng maturity na naghihiwalay ng "men" sa "boys". Men take control and responsibility. Ang pagbili ng sariling sasakyan ay hindi lang status symbol na nagsasabing may pera ka na, pero para sa ibang tao, ito ay rite of passage. Walang pinagkaiba sa Naghol Land Diving, Maasai Lion Hunt, Bullet Ant-Glove ng Satere-Mawe tribe.
Tuli, Part 2.
Naiintindihan ko na kung bakit necessity para sa iba ang kotse. Iba lang talaga siguro ako mag-isip. Pwede mo ngang sabihin na "supot pa" sa mata ng ibang tao. Darating din siguro ang panahon na bibili ako ng sarili kong sasakyan.
Pero saka na, pag tumatae na ako ng pera.
0 comments:
Post a Comment