Wednesday, March 28, 2007

30 Years Old

Ilang araw bago ang 30th birthday ko, may nagsabi sa akin ng mga salitang ito na malamang dadalhin ko hanggang sa kamatayan:

"Let me tell you something you already know. The world ain't all sunshine and rainbows. It is a very mean and nasty place and it will beat you to your knees and keep you there permanently if you let it. You, me, or nobody is gonna hit as hard as life.

But it ain't how hard you hit; it's about how hard you can get hit, and keep moving forward. How much you can take, and keep moving forward. That's how winning is done. Now, if you know what you're worth, then go out and get what you're worth.

But you gotta be willing to take the hit, and not pointing fingers saying you ain't where you are because of him, or her, or anybody. Cowards do that and that ain't you. You're better than that!"

Sapul na sapul no? Hulaan mo ngayon kung sino ang nagsabi sa kin ng mga yan.
Hindi si Jesus. Hindi rin si Mahatma Gandhi. Si Sylvester Stallone, sa "Rocky Balboa".

Pero hindi yan ang dahilan kung bakit ako sumulat. Sumulat ako dahil bukas na ang dreaded thirtieth year of my existence. Journal entry kumbaga.

Kung titingnan mo yung average life expectancy ng Pilipinas, plus life expectancy ng isang lalaking nagyoyosi, umiinom, mataba, at stressful ang trabaho, medyo nasa kalahati na ako ng buhay ko.

Let me share with you the usual shit na dadaanan mo pag malapit na yung 30th birthday mo:

Una, ang reality ng kamatayan. Anxious ka na kasi malapit ka nang mamatay. Since malapit ka nang mamatay, kailangan mong alamin kung ano ang mangyayari sa mga maiiwan mo. Ayun, kaya magiging lapitin ka ng insurance brokers. Basta may maiiwan kang pera pag namatay ka na.

With the reality of death comes the thirst for youth. Magiging conscious ka na sa katawan mo. Organic crap ang dapat kainin. Magpapa-member ka sa gym. Tapos pag may na-accomplish ka kahit improvement sa biceps, bibili ka na ng mga usong damit at ipapasikat ang braso mong mukang pata ng baboy na nilagyan ng daga sa loob ng balat.

Mape-pressure kang magkaroon ng isang goal o dream, tulad ng pag-round trip sa Europe o kaya isang maliit na business. Mag-iisip ka nang bumili ng kahit anong mamahaling burloloy sa katawan. Pwedeng kotse, pwedeng hi-tech na cellphone-slash-digicam-slash-pda-slash-Nintendo, pwedeng alahas, Rolex, o kahit anong luho na pwede mong iyabang sa ibang tao at sabihing "PERA KO ANG GINAMIT KO JAN"

Sa opisina naman, magiging insecure ka sa mga mas bata pero mas bibo sa yo. Dahil dito, magdodoble kayod ka. Kung hindi mo na nararamdaman ang growth sa kumpanya mo, hahanap ka ng magbibigay sa yo ng mas mataas na posisyon o sweldo. Basta hindi ka lang maabutan nung mas bata sa yo. Hindi mo mare-realize na naging bata at bibo ka rin pala dati, at may mas matandang nainsecure din sa yo. At dahil din sa insecurity na yon, nagtrabaho siya ng doble para umangat at maging manager. The circle of corporate life.

Para naman sa mga taong walang pera katulad ko, mas magiging malalim ang pag-iisip kung ano na ang mga nagawa mo sa buhay mo. Usually marami kang pagsisisihan. Maaasar ka kasi nagpakatanga ka at some point, at sana hindi mo na lang ginawa yung mga maling desisyon mo noon. Itatanong mo sa sarili mo kung bakit wala ka pa ring pera, sariling bahay, at kung anu-ano pa kaiinggitan mo sa inaakala mong mas magaling dumiskarte kesa sa yo.

Kung titingnan mo yung first few paragraphs ng sinusulat kong ito, makikita mong pagkatapos ng lahat ng emotional trauma, stress sa trabaho, paglawlaw ng balat, pagpiga ng utak, ang bottom line lang ay nabuhay ka ng tatlumpung taon para mainggit sa ibang tao. Bad trip no? Kung ganito lang ang pattern ng buhay ko ngayon, the remaining thirty years don't look good.

Time to make THAT change.

Fuck insurance.

Kung bibigyan ko ng magandang edukasyon ngayon ang mga anak ko, at itatatak ko sa utak nila ang kahalagahan ng pagtatapos ng pag-aaral, mas maganda pa ang maiiwan ko kesa sa 1 million pesos. Kahit mamatay ako at walang maiwan, lalaban at lalaban sila para maka-graduate ng college.

Fuck the thirst for youth.

Titingnan ko ang sarili ko na parang bote ng alak. Sumasarap habang tumatanda. Ang kailangan lang ay pag-iingat, hindi pagpipilit.

Fuck the office.

Walang ibang purpose ang opisina kundi ang maglagay ng pera sa ATM ko para i-withdraw. Kung may mas magaling sa akin, tatanggapin ko. Kung kaya ko pang patunayan na mas magaling ako, hindi ako magpapatalo.

Fuck wealth.

Hindi na ako aasam na yayaman pa o makakabili ng magandang mansyon o magkakaroon ng BMW. Kung ano ang meron ako ngayon, magpapasalamat ako, magbibigay sa mga dapat pagbigyan, at magtatabi para sa sarili. To move forward, aim for the next realistic higher salary.

Fuck goals.

Kung alam ko kung ano ang importante sa akin ngayon at nakikita kong importante pa rin ito kinabukasan, yun ang mas bibigyan ko ng halaga.

Fuck death.

It's my journey, not my destination.