Sunday, November 11, 2007

The OTHER "F" Word

Kung magbibilang ako ngayon ng mga kakilalang may asawa last year tapos hindi na nila asawa ngayon, plus yung mga kakilala kong iba na yung GF or BF or FB (research nyo na lang) versus a year ago, dagdag pa yung mga wala na yung partner nila from a year ago, nasa 40% siguro ng mga kakilala ko ang kasama sa demographic na ito. Ang reasons ng mga breakups from 2006-2007 are as follows:

3rd runner up: Takot sa commitment
2nd runner up: Masyadong mataas na expectations ng partner
1st runner up: Pagkasira ng tiwala

At ang number 1 reason ng breakups from 2006-2007 ay:

"Wala. Nagsawa na lang siguro kami sa isa't-isa. Parang wala nang thrill."

Wow. Napaka-mature na reason. After billions of years of evolving the human brain, umabot na tayo sa point na ka-level na lang natin yung mga hayop. Bakit ganon? Bakit madali nang magsawa ang mga tao lalo na sa karelasyon nila?

Dahil ba sobrang spoiled na tayo sa pagiging instant ng lahat ng mga bagay? Dati rati, kapag long distance relationship, kailangan mong maghintay ng at least isang linggo para lang makapagpadala o makatanggap ng sulat. Ngayon, seconds na lang ang pag-send ng email, tapos meron pa kayong instant messaging software tulad ng Yahoo! at MSN messenger, with webcam and audio. Dati rati, kapag gusto mong marinig yung boses ng mahal mo, pupunta ka sa PT&T para makatawag ng long distance, na sobrang haba ng pila at sobrang laki ng bayad per minute.

Ngayon, may international roaming na yung mga mobile phone. Ang point ko e madali na sigurong magsawa ang mga magkakarelasyon ngayon dahil taken for granted na yung effort para makipag-communicate. Dati, makatanggap ka lang ng postcard na may picture ng Taal Volcano tapos may nakasulat na "Wish You Were Here", sobrang kilig na. Ngayon nga, makatanggap ka lang ng text message na naka-all capital letters at walang emoticon na :) sa dulo, malaking away na.

Dahil din ba nasanay na tayong lahat sa sobrang bilis ng pagpalit ng technology? 10 years ago, astig ka na pag meron kang Pentium 2 PC na may 1Gb hard disk, pager ng EasyCall, at 14.4kbps modem sa bahay. Ngayon pag meron ka pa ring ganon, kahit yung mga squatter tatawagin ka nang mahirap. 5 years ago, katanggap-tanggap pa yung Nokia 5110. Ngayon pag naka-5110 ka, iisipin ng mga tao napulot mo lang yon sa basurahan. Masyado na yatang naaadik ang mga tao sa latest versions kaya pati sa relationships, pag nagsawa ka na sa partner mo, hahanap ka na agad ng "upgrade". Makahanap ka lang ng konting defect, palit agad.

Ayan masyado na naman akong nago-overanalyze. Dapat simple lang ang explanation sa lahat ng bagay e. So dapat may mas simple pang explanation siguro para dito.

As I see it, yung apat na reasons ng breakup na nabanggit ko kanina, simple lang ang dahilan. Since relationship ang usapan, wag nating sabihin na kasalanan lang ng isang tao ang breakup. PAREHO silang may pagkukulang kaya humantong sila sa paghihiwalay. Ano kamo yung kulang? Isang salitang nagsisimula sa "F". Hindi yung 4-letter word na nagra-rhyme with "buck" ha? "F" is for "F-fort". Walang kwenta ang relationship kung walang effort from both parties.

Isa-isahin natin. Yung takot sa commitment, kulang sa effort isipin kung saan papunta yung relationship nila. Yung kapartner naman nya, kulang sa effort ipakita na may future silang dalawa na hindi lang natatapos sa panonood ng sine, pagdi-dinner sa labas, at pagse-sex.

Yung may masyadong mataas na expectations sa partner, kulang sa effort intindihin yung limitations ng partner nya. Since hindi nya maintindihan, hindi sya matututong makapag-appreciate, at hindi rin sya matututong mag-adjust. Yung partner naman nya, kulang sa effort iparamdam na gusto nyang mag-sacrifice ng identity nya.

Dun sa mga nasira ang tiwala, nagkulang sa effort na magbantay at siguruhing name-maintain ng partner nila yung commitment sa relationship. Yung partner naman, hello, nagtarantado nga e. May effort, pero sa ibang tao napunta.

At sa reason na pagsasawa, kulang sa effort ang both parties na mag-evolve sa relationship. Naging kampante sila na may partner sila na kasama sa daily routine. Sa ilang buwang araw-araw na pagsusundo, pag-kain sa labas, at paghatid pauwi, magigising na lang sila isang araw na magtatanong kung bakit ginagawa nila yon. Mga tanong tulad ng "kung love yon, bakit parang wala nang kilig sa pagbubukas ng pinto pag papasok sa restaurant?", "kung love ito, bakit hindi na ako nakukuryente pag hawak nya ang kamay ko habang naglalakad kami?", "kung love ito, bakit parang parausan na lang ako pag nagsesex kami?"

Pag pumasok ka sa relationship, wag mong i-expect na tatagal ang kilig. Bigyan mo yan ng mga at least six months, hindi mo na mararamdaman yung romance nung nagliligawan pa lang kayo. Pero ito ang dahilan para magbigay ka ng effort na mag-evolve kayong dalawa sa loob ng relationship. Kung total opposites kayo, pwede kayong magkaroon ng osmosis, na kung saan may qualities yung isa na napupunta dun sa isa, and vice-versa, hanggang maging magkapareho na kayo. Kung magkapareho naman kayo, mag-effort naman kayong gumawa ng mga bagay na wala sa routine nyo. Maraming options, kaunting effort lang at creativity ang kailangan.

So mga kids, pag papasok kayo sa isang relationship, always think of the OTHER "F" word. Kung di nyo kaya yun, i-enjoy nyo na lang ang nakasanayan nyong "F" word. Hehe.