Monday, May 19, 2008

Life Goes On

"Ang mga tao sa buhay mo ay nagdaraan lamang, umaalis, dumarating, walang naiiwan.. ang kwento ng pag-ibig ay kumusta at paalam, ngayo'y alam mo na kung paano mag-isa." - "Slo Mo" ng Eraserheads

Bahagi na talaga ng buhay ng tao ang paghihiwalay. Nung bata pa ako, lumipat sa Bicol yung kalaro kong kapitbahay namin. Nung elementary, lumipat ng ibang school yung bespren ko. After high school, nahiwalay ako sa mga kaibigan ko kasi sa UPLB ako nag-college. Nung college naman, andaming breakup, tapos naunang grumaduate ang mga kaibigan ko, never to return again. Nung nagtatrabaho na ako, nagsisi-alisan yung mga nakaka-close kong officemates. Pagtanda ko malamang, hihiwalay na rin sa kin ang mga anak ko para bumuo ng sariling pamilya. In the end, ako naman ang hihiwalay sa mundo.

"Wow pare emo."

Kasi, eto may magpapaalam na naman. Every year yata dapat may at least isang kaibigan akong pupunta sa ibang bansa para dun makipagsapalaran. Bakit kasi hindi na lang umasenso tong Pilipinas para wala na lang umalis? Punyetang U.S. yan. Punyetang Singapore yan. Every year dumadaan ako sa proseso ng "pagluluksa" para sa nahihiwalay na kaibigan. Hindi man halata, hindi rin naman necessary na ipakita sa buong mundo na nahihirapan kang mag-adjust sa pagkawala ng isang kaibigan. Manhid na yata ako sa process ng denial-anger-depression-acceptance. Parang routine na lang sya.

As much as possible, umiiwas na rin akong maghanap ng bagong kaibigan. Kasi curse ko na ata talaga yun e, siguradong mawawala din sila. Paulit-ulit, nakakasawa na. Ngayon, eto, mabibilang na lang ng daliri sa isang kamay yung mga tinuturing kong malalapit na kaibigan. Konting panahon na lang, siguradong mawawala na silang lahat.

Hindi OK sa simula. Mahirap talagang tanggapin na mawawalan ka na naman ng kaibigan. Pero ganun talaga e. Hindi naman pwedeng ikamatay yun. Di naman ako pwedeng sumunod na lang ng basta. Kung ganun na lang, ang mangyayari eh lagi na lang akong may sinusundan.

Di naman siguro titigil yung pag-ikot ng mundo e. Life goes on.

Monday, January 07, 2008

Mild Heart Attack?

Had my first glimpse of death last night. Sunud-sunod na meeting, issues piling up, pressure from bosses, covering someone else's ass.

Pagbalik ko sa lugar ko, I felt lightheaded. Then nauseous, parang gusto kong sumuka sa upuan ko. Tapos sa loob ng freezing temperature ng aircon sa PBCom tower, beads of sweat started forming sa noo ko. Ayun. Sharp pain sa left side ng chest ko. Parang may nakahawak sa heart ko tapos pinipiga-piga. Shit. Kala ko yun na yung oras ko. Nag-MSN ako kaagad kay Adrian para sabihin na parang aatakihin ako sa puso.

"No, not like this....Not like this.", I told myself, parang si Switch bago sya i-unplug ni Cypher. Papatayin ako ng work? No frickin way. Tawag ako agad kay Pow, Tents, and Bong. Si Bong nasa bahay na. Si Pow, nasa FX na pauwi. Si Tents, nasa bus. Niyaya ko sila uminom sa Pelangi. Parang ang message ko sa kanila e "INOM. NOW NA.URGENT." Ayun. Sa Pelangi, order kami ng crispy pata, crispy half chicken, barbecue tsaka ilang bucket ng beer. Videoke to the death.

Kung aatakihin man ako sa puso, gusto ko eto yung dahilan. Inuman, greasy food, puyat. Tapos kung mamamatay man ako, mas gusto kong kasama yung mga kaibigan ko kesa dun sa opisina a.k.a. hell. Kumanta ako ng "Welcome To The Black Parade" ng My Chemical Romance. Tungkol sa mga mamamatay na yon e.

Went home, bigay ng huling habilin sa mga tao kung sakaling di na ko gumising. Sabi ko lang naman kung mamatay ako, gusto ko "Crossroads" ng Bone Thugs-N-Harmony yung tugtog sa prusisyon ko. Naiyak lang ako nung tumabi ako sa anak ko, tapos naisip kong baka hindi ko na sya makitang lumaki.

Bago ako matulog, tatlo lang yung tanong na paulit-ulit sa isip ko. Nakakagulat nga kasi hindi tungkol sa pera, hindi tungkol sa trabaho, hindi tungkol sa mga maiiwan ko.
  • Have I lived my life fully?
  • Did I learn to let go?
  • Will I die without regret?
Funny thing, nakatulog ako na hindi ko nasagot yung mga tanong na yon. Eto nagising na ako at nagba-blog. Parang walang nagbago sa tingin ko sa mundo. Pero malamang mula ngayon, lagi ko na iisipin yung tatlong tanong na bumagabag sa kin sa isang gabing akala ko eh huli ko na.

Wednesday, December 26, 2007

Fun Place To Work?

Kakasagot ko lang ng employee satisfaction survey sa opisina. Medyo na-alarm ako nung nakita kong hindi na "fun" ang workplace, based sa mga sagot ko.

May privilege pa naman kaming magkaroon ng access sa instant messaging software. May access pa rin kami sa web mail at sa ilang social networking sites. Maluwag pa rin ang mga boss sa schedules, sa leaves at sa breaks, wag lang shempre aabuso. Every month may fund pa rin naman para gumawa ng non-work related team activity.

It's either nagwa-whine lang pala talaga ako, or something else.

Ano ba yung mga hindi nagpapasaya sa kin sa opisina? Siguro yung mga low I.Q., yung mga epal, yung mga abusado, tsaka yung mga backstabber na puro reklamo tsaka tsismis lang ang alam gawin. Ok lang yung may kupal, basta at least 80% ng kakupalan eh may sense (so off the hook na yung boss ko).

Ano naman yung mga nagpapasaya sa kin? Siguro ngayon, yung mga team members ko. Pwera showbiz, sila talaga yung nagpapasaya sa kin. Kasi kaya naming tawanan yung mga pagkakamali namin. Pag may kinaaasaran, imbis na magalit, lalaitin na lang yung itsura or yung kabobohan nya. Nagsasaluhan kami pag may aberya. Hindi nagdadamot ng knowledge lalo na sa mga baguhan. Sa totoo lang, mahirap humanap ng tamang mix ng mga tao na pare-parehong may passion for excellence (naririnig ko na yung "ulul mo").

So positive versus the negative, mas mabigat pa rin yung positive. Pero bakit nga nasagot kong wala nang fun sa workplace?

Define naman natin yung fun. Para sa kin, hindi necessary ang party na may theme, or team outing, or sports activity para masabing may fun sa workplace mo. Meron ka ngang bonggang activity, puro plastik naman yung mga tao don. May sportsfest ka nga, puro pikon naman ang kasali. Ang totoong fun sa workplace ay ang pagkakaroon ng mga kaopisinang mapagkakatiwalaan, yung tipong alam mong may sasalo sa yo kung sakaling mag-emergency leave ka. Pag may nagsalita ng masama sa likod mo, alam mong may magde-defend sa yo. Yung may nasasabihan ka ng mga sikreto na sigurado kang hindi makakarating kahit kanino. Ang totoong fun sa workplace ay yung may nae-establish na bond na pwedeng dalhin sa labas ng opisina.

So based sa definition ko, dapat masaya pa rin ako.

Teka. Baka mali yung lugar na tinitingnan ko. Masaya naman ako sa workPLACE. Pero masaya ba ako sa mismong WORK?

There you go...

Sunday, November 11, 2007

The OTHER "F" Word

Kung magbibilang ako ngayon ng mga kakilalang may asawa last year tapos hindi na nila asawa ngayon, plus yung mga kakilala kong iba na yung GF or BF or FB (research nyo na lang) versus a year ago, dagdag pa yung mga wala na yung partner nila from a year ago, nasa 40% siguro ng mga kakilala ko ang kasama sa demographic na ito. Ang reasons ng mga breakups from 2006-2007 are as follows:

3rd runner up: Takot sa commitment
2nd runner up: Masyadong mataas na expectations ng partner
1st runner up: Pagkasira ng tiwala

At ang number 1 reason ng breakups from 2006-2007 ay:

"Wala. Nagsawa na lang siguro kami sa isa't-isa. Parang wala nang thrill."

Wow. Napaka-mature na reason. After billions of years of evolving the human brain, umabot na tayo sa point na ka-level na lang natin yung mga hayop. Bakit ganon? Bakit madali nang magsawa ang mga tao lalo na sa karelasyon nila?

Dahil ba sobrang spoiled na tayo sa pagiging instant ng lahat ng mga bagay? Dati rati, kapag long distance relationship, kailangan mong maghintay ng at least isang linggo para lang makapagpadala o makatanggap ng sulat. Ngayon, seconds na lang ang pag-send ng email, tapos meron pa kayong instant messaging software tulad ng Yahoo! at MSN messenger, with webcam and audio. Dati rati, kapag gusto mong marinig yung boses ng mahal mo, pupunta ka sa PT&T para makatawag ng long distance, na sobrang haba ng pila at sobrang laki ng bayad per minute.

Ngayon, may international roaming na yung mga mobile phone. Ang point ko e madali na sigurong magsawa ang mga magkakarelasyon ngayon dahil taken for granted na yung effort para makipag-communicate. Dati, makatanggap ka lang ng postcard na may picture ng Taal Volcano tapos may nakasulat na "Wish You Were Here", sobrang kilig na. Ngayon nga, makatanggap ka lang ng text message na naka-all capital letters at walang emoticon na :) sa dulo, malaking away na.

Dahil din ba nasanay na tayong lahat sa sobrang bilis ng pagpalit ng technology? 10 years ago, astig ka na pag meron kang Pentium 2 PC na may 1Gb hard disk, pager ng EasyCall, at 14.4kbps modem sa bahay. Ngayon pag meron ka pa ring ganon, kahit yung mga squatter tatawagin ka nang mahirap. 5 years ago, katanggap-tanggap pa yung Nokia 5110. Ngayon pag naka-5110 ka, iisipin ng mga tao napulot mo lang yon sa basurahan. Masyado na yatang naaadik ang mga tao sa latest versions kaya pati sa relationships, pag nagsawa ka na sa partner mo, hahanap ka na agad ng "upgrade". Makahanap ka lang ng konting defect, palit agad.

Ayan masyado na naman akong nago-overanalyze. Dapat simple lang ang explanation sa lahat ng bagay e. So dapat may mas simple pang explanation siguro para dito.

As I see it, yung apat na reasons ng breakup na nabanggit ko kanina, simple lang ang dahilan. Since relationship ang usapan, wag nating sabihin na kasalanan lang ng isang tao ang breakup. PAREHO silang may pagkukulang kaya humantong sila sa paghihiwalay. Ano kamo yung kulang? Isang salitang nagsisimula sa "F". Hindi yung 4-letter word na nagra-rhyme with "buck" ha? "F" is for "F-fort". Walang kwenta ang relationship kung walang effort from both parties.

Isa-isahin natin. Yung takot sa commitment, kulang sa effort isipin kung saan papunta yung relationship nila. Yung kapartner naman nya, kulang sa effort ipakita na may future silang dalawa na hindi lang natatapos sa panonood ng sine, pagdi-dinner sa labas, at pagse-sex.

Yung may masyadong mataas na expectations sa partner, kulang sa effort intindihin yung limitations ng partner nya. Since hindi nya maintindihan, hindi sya matututong makapag-appreciate, at hindi rin sya matututong mag-adjust. Yung partner naman nya, kulang sa effort iparamdam na gusto nyang mag-sacrifice ng identity nya.

Dun sa mga nasira ang tiwala, nagkulang sa effort na magbantay at siguruhing name-maintain ng partner nila yung commitment sa relationship. Yung partner naman, hello, nagtarantado nga e. May effort, pero sa ibang tao napunta.

At sa reason na pagsasawa, kulang sa effort ang both parties na mag-evolve sa relationship. Naging kampante sila na may partner sila na kasama sa daily routine. Sa ilang buwang araw-araw na pagsusundo, pag-kain sa labas, at paghatid pauwi, magigising na lang sila isang araw na magtatanong kung bakit ginagawa nila yon. Mga tanong tulad ng "kung love yon, bakit parang wala nang kilig sa pagbubukas ng pinto pag papasok sa restaurant?", "kung love ito, bakit hindi na ako nakukuryente pag hawak nya ang kamay ko habang naglalakad kami?", "kung love ito, bakit parang parausan na lang ako pag nagsesex kami?"

Pag pumasok ka sa relationship, wag mong i-expect na tatagal ang kilig. Bigyan mo yan ng mga at least six months, hindi mo na mararamdaman yung romance nung nagliligawan pa lang kayo. Pero ito ang dahilan para magbigay ka ng effort na mag-evolve kayong dalawa sa loob ng relationship. Kung total opposites kayo, pwede kayong magkaroon ng osmosis, na kung saan may qualities yung isa na napupunta dun sa isa, and vice-versa, hanggang maging magkapareho na kayo. Kung magkapareho naman kayo, mag-effort naman kayong gumawa ng mga bagay na wala sa routine nyo. Maraming options, kaunting effort lang at creativity ang kailangan.

So mga kids, pag papasok kayo sa isang relationship, always think of the OTHER "F" word. Kung di nyo kaya yun, i-enjoy nyo na lang ang nakasanayan nyong "F" word. Hehe.

Thursday, May 31, 2007

Becoming The Enemy

Noon pa man, hindi ko na talaga gusto yung concept ng may boss.

Siguro nasobrahan ako sa kakapanood ng The Ten Commandments nung bata pa ako (Betamax tape pa yon!). Tumatak sa isip ko yung pang-aalipusta ng mga Egyptian sa mga Israelites, at naging idolo ko si Moses dahil sa pagtalikod nya sa pharaoh at pagtulong sa mga inaapi.

Nung college naman, hindi naman ako sumasama sa rally, pero apektado ako pag may nagra-rally na factory workers o mga magsasaka laban sa mga boss nila. Nagturo muna ako part time bago magsimulang magtrabaho dahil hindi ko talaga gusto yung concept ng pagiging subordinate.

Nung unang trabaho ko, pasaway na empleyado ako. Gimik halos gabi-gabi, tapos pupunta ako ng Los BaƱos pag weekend para gumimik ulit. Minsan Lunes na ng tanghali ang balik ko sa Manila. Nagkataon din na yung boss ko non, sobrang strikto. Dapat on time lagi yung pasok ko, kahit na nag-over-overtime ako nung previous night at wala namang gagawin kinabukasan. Naiimagine nyo na siguro ang relationship namin ng boss ko nun. Para kaming magsyotang walang ginawa kundi mag-away, pero hindi naman namin maiwan yung relationship dahil may pakinabang pa naman kami sa isa't-isa.

Makalipas ang walong taong pagtrabaho, pitong kumpanya at labing-isang boss, dumating na ako sa point na, in English, "the tables have been turned". Ipinagkatiwala sa akin ang pag-supervise sa limang tao. Hindi naman siguro ibibigay sa akin yung ganun kalaking responsibility kung hindi naman ako fit sa standards nila.

Hirap pa rin ako sa pag-adjust sa concept na may subordinates na ako. Hanggang ngayon, naiilang pa rin ako pag tinatawag akong "boss" o kaya pag may nagtatanong sa kin kung kumusta na "ang mga tao ko". Siguro kasi, hindi ko matanggap na malamang gagawin na sa kin yung mga ginagawa ko noon sa mga boss ko. Dati kasi sandamakmak na reklamo at panlalait ang inaabot sa kin ng mga boss (shempre pag nakatalikod sila). Nagyayaya ako ng gimik sa mga officemates ko, pero hindi kasama yung boss sa distribution list ng invitation. Konting chismis lang tungkol sa boss ko, ikukwento ko kagad with additional speculations para lang lumaki yung issue.

Wala na akong magagawa. Ako na ang kontrabida ngayon. Pero kahit ganito na ang mga nangyayari, may tatlo pa akong options:

Unang option, mag-resign at maghanap ng non-managerial work. Hindi ko pwedeng gawin yun dahil tama naman ang career path na sinusunod ko. Ang mga security guard siguro, hindi security guard habambuhay. Nagiging "senior security guard" din. Kahit yung mga crew sa Jollibee, hindi crew habambuhay. Wala akong nakikitang 40 year old na nasa counter o sa kitchen, pero may 40 year old na branch manager. Para sa kin, tama ang path na to at hindi ko to pwedeng talikuran dahil napa-praning lang ako. Kalokohan yon.

Pangalawang option, since kontrabida na ako, e di mag-asal kontrabida na rin. Kung magsasalita din lang ang mga tao ko pag nakatalikod ako, I'll do the same thing, pero a hundred times worse. Pag nakatalikod sila, sisiraan ko sila sa mga boss ko, na boss din nila. Bwahahahahahahahaha! Kung di rin lang nila ako yayayain gumimik, e di papapasukin ko sila pag Sabado tsaka Linggo para hindi na sila makagimik. Bwahahahahahahahaha!

Masyadong brutal naman yung pangalawang option, pero totoo, kayang-kaya kong gawin yon. Ang resulta lang nito, baka ulit-ulitin ko ang mga katagang "I'm ashamed of what I’ve become in the mirror, the face of my one true enemy" pagdating ng panahon. Ayoko non.

May isa pang option, yung pinakamahirap, pero eto yung may sense: ano kaya kung gawin ko lahat ng makakaya ko para i-develop ang mga tao ko, para mas mabilis silang dumating sa point na sila na yung boss? Misery loves company talaga no? Hehe. Pero seryoso, wala talagang ibang way para maintindihan ng isang empleyado ang hirap ng pagiging supervisor kundi pag naging supervisor na rin sila. Kung ayaw naman nilang maging boss, e di wag. Kanya-kanya lang naman yan, pero at least nakita ng mga tao na worthy sya sa position na yon.

Ay teka, anjan na boss ko. Back to work.

Wednesday, March 28, 2007

30 Years Old

Ilang araw bago ang 30th birthday ko, may nagsabi sa akin ng mga salitang ito na malamang dadalhin ko hanggang sa kamatayan:

"Let me tell you something you already know. The world ain't all sunshine and rainbows. It is a very mean and nasty place and it will beat you to your knees and keep you there permanently if you let it. You, me, or nobody is gonna hit as hard as life.

But it ain't how hard you hit; it's about how hard you can get hit, and keep moving forward. How much you can take, and keep moving forward. That's how winning is done. Now, if you know what you're worth, then go out and get what you're worth.

But you gotta be willing to take the hit, and not pointing fingers saying you ain't where you are because of him, or her, or anybody. Cowards do that and that ain't you. You're better than that!"

Sapul na sapul no? Hulaan mo ngayon kung sino ang nagsabi sa kin ng mga yan.
Hindi si Jesus. Hindi rin si Mahatma Gandhi. Si Sylvester Stallone, sa "Rocky Balboa".

Pero hindi yan ang dahilan kung bakit ako sumulat. Sumulat ako dahil bukas na ang dreaded thirtieth year of my existence. Journal entry kumbaga.

Kung titingnan mo yung average life expectancy ng Pilipinas, plus life expectancy ng isang lalaking nagyoyosi, umiinom, mataba, at stressful ang trabaho, medyo nasa kalahati na ako ng buhay ko.

Let me share with you the usual shit na dadaanan mo pag malapit na yung 30th birthday mo:

Una, ang reality ng kamatayan. Anxious ka na kasi malapit ka nang mamatay. Since malapit ka nang mamatay, kailangan mong alamin kung ano ang mangyayari sa mga maiiwan mo. Ayun, kaya magiging lapitin ka ng insurance brokers. Basta may maiiwan kang pera pag namatay ka na.

With the reality of death comes the thirst for youth. Magiging conscious ka na sa katawan mo. Organic crap ang dapat kainin. Magpapa-member ka sa gym. Tapos pag may na-accomplish ka kahit improvement sa biceps, bibili ka na ng mga usong damit at ipapasikat ang braso mong mukang pata ng baboy na nilagyan ng daga sa loob ng balat.

Mape-pressure kang magkaroon ng isang goal o dream, tulad ng pag-round trip sa Europe o kaya isang maliit na business. Mag-iisip ka nang bumili ng kahit anong mamahaling burloloy sa katawan. Pwedeng kotse, pwedeng hi-tech na cellphone-slash-digicam-slash-pda-slash-Nintendo, pwedeng alahas, Rolex, o kahit anong luho na pwede mong iyabang sa ibang tao at sabihing "PERA KO ANG GINAMIT KO JAN"

Sa opisina naman, magiging insecure ka sa mga mas bata pero mas bibo sa yo. Dahil dito, magdodoble kayod ka. Kung hindi mo na nararamdaman ang growth sa kumpanya mo, hahanap ka ng magbibigay sa yo ng mas mataas na posisyon o sweldo. Basta hindi ka lang maabutan nung mas bata sa yo. Hindi mo mare-realize na naging bata at bibo ka rin pala dati, at may mas matandang nainsecure din sa yo. At dahil din sa insecurity na yon, nagtrabaho siya ng doble para umangat at maging manager. The circle of corporate life.

Para naman sa mga taong walang pera katulad ko, mas magiging malalim ang pag-iisip kung ano na ang mga nagawa mo sa buhay mo. Usually marami kang pagsisisihan. Maaasar ka kasi nagpakatanga ka at some point, at sana hindi mo na lang ginawa yung mga maling desisyon mo noon. Itatanong mo sa sarili mo kung bakit wala ka pa ring pera, sariling bahay, at kung anu-ano pa kaiinggitan mo sa inaakala mong mas magaling dumiskarte kesa sa yo.

Kung titingnan mo yung first few paragraphs ng sinusulat kong ito, makikita mong pagkatapos ng lahat ng emotional trauma, stress sa trabaho, paglawlaw ng balat, pagpiga ng utak, ang bottom line lang ay nabuhay ka ng tatlumpung taon para mainggit sa ibang tao. Bad trip no? Kung ganito lang ang pattern ng buhay ko ngayon, the remaining thirty years don't look good.

Time to make THAT change.

Fuck insurance.

Kung bibigyan ko ng magandang edukasyon ngayon ang mga anak ko, at itatatak ko sa utak nila ang kahalagahan ng pagtatapos ng pag-aaral, mas maganda pa ang maiiwan ko kesa sa 1 million pesos. Kahit mamatay ako at walang maiwan, lalaban at lalaban sila para maka-graduate ng college.

Fuck the thirst for youth.

Titingnan ko ang sarili ko na parang bote ng alak. Sumasarap habang tumatanda. Ang kailangan lang ay pag-iingat, hindi pagpipilit.

Fuck the office.

Walang ibang purpose ang opisina kundi ang maglagay ng pera sa ATM ko para i-withdraw. Kung may mas magaling sa akin, tatanggapin ko. Kung kaya ko pang patunayan na mas magaling ako, hindi ako magpapatalo.

Fuck wealth.

Hindi na ako aasam na yayaman pa o makakabili ng magandang mansyon o magkakaroon ng BMW. Kung ano ang meron ako ngayon, magpapasalamat ako, magbibigay sa mga dapat pagbigyan, at magtatabi para sa sarili. To move forward, aim for the next realistic higher salary.

Fuck goals.

Kung alam ko kung ano ang importante sa akin ngayon at nakikita kong importante pa rin ito kinabukasan, yun ang mas bibigyan ko ng halaga.

Fuck death.

It's my journey, not my destination.

Tuesday, December 19, 2006

Pasko Pakshit

Eto na naman. May faaaaaavorite time of the year. May sarcasm yon ha.

Pag Pasko, langgam ka. Langgam na laging pumipila. Wala kang magawa kundi tumungaga sa haba ng pila sa grocery, pila sa cashier ng department store, pila ng ATM, pila sa taxi stand, pila sa fastfood, pila ng mga kotse sa parking.

Pag Pasko, magiging mas importante pa sa shortage ng langis sa Middle East ang shortage ng buko, fruit cocktail, condensed milk, at Nestle cream. May shortage ng usong laruan, lalo na yung bagong reincarnation ng Power Rangers at Barbie. Nagkakaroon din ng shortage ng pasensya sa mga taxi driver na hindi na pumapayag mag-metro.

Pupunta ka sa family reunion kasi mandated. Susugurin ka ng mga inaanak-slash-pamangkin mong naga-akalang tumatae ka ng pera. Pag 100 pesos ang binigay mo, masaya yung bata, pero pag binigay na nila sa magulang nila yung aguinaldo mo, titingin sa yo na parang nagsasabing "mamatay ka na, ang barat mo, ungas!"

Siguradong mauuwi ang family reunion sa chismisan tungkol sa mga kapwa kamag-anak na hindi nag-attend. Si ganito may babae. Si ano pala na dating kaopisina ni kuwan, inano ni ganyan. Minsan, makakapanood ka rin ng true-to-life teledrama. Nauuwi sa iyakan ang family reunion dahil may mga nag-away sa pamilya nyo. Imbis na pag-usapan na lang nila sa labas, kailangan talaga may audience. May kukuha pa ng mic at magso-sorry sa buong pamilya habang umiiyak. Ansarap sabihan ng "Sorry po, pang-videoke yan, hindi pang-audition ng Starstruck."

May 13th month pay ka nga, nauubos naman sa pambili ng regalo. Pagkatapos mo bigyan ng regalo LAHAT ng nasa listahan mo, ang makukuha mo lang, Fiesta Ham na walang lasa tsaka Keso De Bola na hindi mo naman talaga kinakain. Pag nagreklamo ka naman, sasabihan ka ng "Christmas is a time for giving, not receiving". Gusto ko sagutin ng "e gago ka pala e, kahit paano naman gusto ko ng return on investment no!". Pag inubos mo sa luho mo yung 13th month pay mo (kunyari bibili ka ng cellphone o laptop), titingnan ka ng mga tao na "yuck naman to, ang selfish".

Ang masaya lang talaga pag pasko, no doubt, yung mga bata. Totoo nga na ang Pasko ay para sa kanila. Mantakin mo, kung bata ka, hindi ka na nga gagastos, aapaw pa yung mga regalo para sa yo.

Sobrang saya din ng mga may puwesto sa Divisoria, tiangge, mall, at kung saan mang lugar na dinudumog ng mga tao pag may "Holiday rush". Hanep na trabaho yon, nakaupo ka lang, makaka-uto ka na, magkakapera ka pa. Kahit ata popsicle stick na balutan mo ng used sanitary napkin, lagyan mo ng green at red ribbon, tapos i-sale mo ng 5 pesos each, bebentang Christmas souvenir e.

Ang pinakamasaya talaga pag Pasko ay ang gobyerno. Remittance ng OFW, taxable income ng may 13th month pay, at EVAT. Bilyun-bilyong piso na paghahati-hatian lang ng mga unggoy, buwaya, buwitre, at baboy. Ay may isang bangaw din pala don, yung malaki yung tenga na mahilig mag-cha-cha. Ulam nila ang dugo at pawis ng mga uring manggagawa. Ayos pwede na ko sumali sa rally.

"OK lang yan, tol, birthday naman ni Jesus e. Cool ka lang. Forgive mo na sila. Let's celebrate na lang!"

Teka teka teka tol, di naman talaga birthday ni Jesus ang December 25 e. Nanood ako ng "Secret Bible" sa National Geographic Channel nung isang araw. Yung December 25 pala talaga e celebration ng kapanganakan ni Horus, isang Egyptian god. Mag-Google din kayo kung ayaw nyo maniwala. Nag-research talaga ako para maintindihan ko pa yung mga pagkakapareho ni Horus at ni Jesus, click nyo to (Comparison of some life events of Horus and Jesus)

Ano kaya ang feeling ni Jesus ngayon, kung nasa heaven sya, nakikita nya tayong mga avid fans nya, tapos gini-greet natin sya ng "Happy Birthday" sa araw ng kapanganakan ng isang Egyptian god? Ikaw, anong mafi-feel mo pag gini-greet ka ng "Happy Birthday" sa mismong birthday ng kaaway mo? Ouch di ba?

Dagdag mo pa yung mga nagtitipid ng tinta sa mga greeting ng "Merry Christmas". Imbis na "Christ", "X" ang nilalagay. Pucha, kung ako papalitan yung pangalan ko ng "X", magwawala ako e.

Eto pa. Ano pa kaya ang feeling ni Jesus kung nakikita nyang dahil sa "birthday" nya, nagmumukang pera ang mga bata at nagiging sakim ang mga tao?

Taon-taon, ganito na ang Pasko ng mundo ko. Magulo, makasarili, at materialistic. Mismong ako, nilamon na ng kasakiman at inggit sa kapwa. Kaya ayoko sa Pasko. Parang dinidikdik nya lang lalo ang birong "money makes the world go round". Malamang, hindi ito ang "party" na gustong mangyari ng may birthday.

Siguro panahon na para labanan ang tradisyon. Pero paano?

Friday, August 18, 2006

Ako At Si Voltes Five

May Pinoy bang hindi makikilala ang familiar phrase na "LETS... VOLT... IN"?


Di ko na maalala kung kailan ako nagsimulang mahumaling sa Voltes V pero pag titingnan mo yung mga photo album sa bahay nung 2-3 years old pa lang ako, pwede na akong model ng Voltes V apparel. Sabi sa kin ng nanay ko, may cassette tape pa daw ng Voltes V soundtrack na paulit-ulit kong pinapa-play sa kanya. Pag tinutugtog na yung main theme, tatayo ako sa upuan, sisigaw ng "LET'S VOLT IN!", sabay talon pabagsak sa sahig. Hindi ko na maalala, at hindi ko alam kung ba't ginagawa ko yon. Pero naman, 3 years old lang ako nun. Cut me some slack.

Sa bawat pagkakataon na may re-run ng Voltes V, nakukuha kong sundan ito at kahit alam na yung kwento ng episode na yon, tinatapos ko pa rin sya. Kahit pa may mga kinahiligan pa akong ibang anime series tulad ng Daimos, Ghost Fighter, Dragonball Z, Samurai X, Flame of Recca, tsaka yung paborito ko ngayon na Naruto, binabalikan ko pa rin ang Voltes V. Hindi lang siguro ako ang nakakaramdam ng ganito, kundi pati mga libu-libong Pilipinong nabuhay sa panahon ng Voltes V.

Ano bang meron ang Voltes V at umabot ito ng ganitong status sa psyche ng Pinoy?

Una sigurong dahilan kung bakit nakadikit na sa kulturang Pilipino ang Voltes V ay ang tatawagin kong "Jollibee factor". Pansinin nyo ang Jollibee. Ang main target ng fastfood chain na ito ay mga batang Pilipino. Sa mga magulang na nagbabasa nito, sigurado ako na isa sa mga unang salitang itinuturo nyo sa mga anak nyo ay "Jollibee". Pag dadaan kayo sa isang branch nito, laging "baby o, where's Jollibee?". Sa lasa naman, pansinin nyong matamis ang pagkain dito, which is definitely aimed sa panlasa ng mga bata. Mula pagkabata, Jollibee. Kaya dadalhin yan hanggang sa pagtanda. Dahil na-train ang taste buds mo sa lasang Jollibee, yun na ang magiging standard mo ng sarap.

Ok, i-connect natin sa Voltes V. Nung late 70s to early 80s, wala pang console gaming, wala pang PC, lalong walang Internet. Ang phone line nga noon, literal na sampung taon bago makabit. Wala pang cable TV nun. Iilan lang talaga ang channel, kaya walang ibang choice kundi panoorin ang pinapalabas sa mga ito. Isa ang Voltes V sa mga kakaunting cartoons sa mga kakarampot na channel sa TV noon. Wala nang ibang choice kundi panoorin ito. Sino ba naman ang hindi mabe-brainwash sa ilang beses na pag-ulit ng series na ito? Yung mga bata noon na paulit-ulit nanood ng Voltes V, dinala hanggang sa pagtanda ang hilig sa cartoons na ito.

Hence, the "Jollibee factor". Di nyo ba naitatanong kung bakit mas sikat pa ang Sesame Street sa 30-ish crowd ngayon kesa sa target audience nito na mga toddler to pre-school children?

Pangalawa, patok ang Voltes V dahil kasabay ng kasikatan nito ang tail-end ng "real-life Boazanian invasion" sa Pilipinas, ang Martial Law era. Matatandaang tinanggal ni Marcos ang Voltes V sa TV dahil ito daw umano ay may tema ng rebelyon at sedisyon. Pero shempre mas madali namang sabihin na "bawal ang violence sa mga bata". Basahin nyo na lang to sa Wiki ng Voltes V under "The Ferdinand Marcos issue"

Nagulat din ako noon na nawala ang Voltes V. Sabi sa kin ng nanay ko, may bata daw na gumaya kay Voltes V at tumalon galing sa taas ng building. Naniwala ako sa kanya noon, pero sa pagtanda ko, wala akong makitang episode na tumalon si Voltes V ng building. (Mga nanay talaga, o.) Siguro hindi si Voltes V ang ginaya nung batang yun. Si Dante Varona o si Lito Lapid malamang, kasi sila yung mahilig tumalon sa building nung panahon na yun e.

Iniisip ko nga kung ano yung rebellious sa Voltes V e. Napapraning lang siguro talaga si Marcos noon kasi dumadami na ang mga political activists mula sa hanay ng kabataan. Tingin ko, sa sobrang kapraningan nya, lahat na ng may tema ng oppression ay konektado na sa rebolusyon. Pati Daimos at Mazinger Z, nadamay sa kapraningang ito. Hindi alam ni Marcos na sa mismong act ng pagtanggal nyang ito ng Voltes V sa TV, doon sya itinuring na kaaway ng mga bata. Natatandaan ko pa noong 1986 People Power, naglalaro kami nun sa labas ng bahay, tapos isa sa mga kalaro ko ang nagsabing "sana umalis na si Marcos para mabalik na ang Voltes V". At lahat kami ay sumang-ayon sa kanya.

Ang huling dahilan, sa tingin ko, kung bakit nakapaskil na ang Voltes V sa utak ng mga tao ay ang tatawagin kong "Telenobela factor". Medyo self explanatory na ang factor na ito. Kung papanoorin mo yung Voltes V, makikita mong hindi pambata ang kuwento. May mature themes tulad ng parental abandonment (Armstrong brothers), death of a loved one (Mary Anne Armstrong, Jamie and Commander Robinson), coming of age (Little Jon and Octo1), struggle for survival, at ang ever-popular telenobela theme ng sibling rivalry (Steve and .. teka di ko pwede sabihin, spoiler kasi e. hahaha).
Tanggalin mo sa Voltes V ang sci-fi elements tulad ng robot, beast fighter, alien, at ang idea na may intelligent life form sa ibang planeta, makikita mong kuwento ito ng mga magkakapatid na hinahanap ang kanilang ama habang pasan nila sa kanilang balikat ang kaligtasan ng mga tao sa paligid nila. Hindi ba mahilig tayong mga Pinoy sa mga ganitong klaseng drama?

Mauugat ang dahilan ng pagkahilig sa drama ng mga Pilipino sa Zarzuela, isang uri ng musical theater na dinala ng mga Kastila sa Pilipinas. Isang uri ng Zarzuela na sumikat sa Pilipinas ay ang Moro-Moro, na umiikot sa tema ng digmaan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano. Ang mga characters ng Moro-moro ay mula sa hanay ng maharlika, mga mandirigma, at mga pangkaraniwang tao. Ang labanan sa Moro-moro ay sa pamamagitan ng espada. Hmm, parang Voltes V din yun a, wala nga lang Muslim at Kristiyano. Pero teka, magkapareho ng features ang Boazanian at ang Human a, sungay lang ang pinagkaiba.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ang Voltes V sa pagdefine ng isang generation. Hindi nagpapatawag na "Martial Law Babies" ang mga pinanganak noong 1970-1980. Mas pipiliin pa nilang tawagin na "Voltes V Generation". Hindi mahirap hulaan kung bakit pinamagatan ng Eraserheads na "Ultraelectromagneticpop!" ang una nilang album. Ang mga nakakaintindi ng title na ito ang kanilang target audience. Madaling kinagat ng mga tao ang "Ang Dating Doon" sa Bubble Gang, dahil ang kanilang anthem sa mga skit nila ay ang theme ng Voltes V. Mismong isa sa mga network executives ng GMA7 ay umamin na fanatic sya ng palabas na ito. Tsaka Voltes V lang ang kaisa-isang show na ipinalabas sa halos lahat ng local channels sa Pilipinas (ABS-CBN 2, PTV 4, GMA 7, RPN 9, IBC 13).

Bakit tumatak ang Voltes V sa Pilipino? Three things: kuwentong pang-Zarzuela ng mga Kastila, gamit ang pananalita ng mga Amerikano, kasabay ang visual art ng mga Hapon.

Walang kasing Pilipino ang Voltes V.

Wednesday, March 29, 2006

Time Machine

Siguro na-encounter mo na yung tanong na "kunwari may time machine ka, anong point ng buhay mo yung babalikan mo tapos babaguhin mo?". Kung beauty contest to, malamang ang sagot dun e "if eyver im gonna changed a foint on my life, i wouldn't changed ey-nithing por da world itself. I thank you."

May babaguhin ba ako sa buhay ko? Nagsimula na itong bumagabag sa akin noong nag-marathon ako ng Back To The Future trilogy. Ngayon, madalas ko nang itanong ito sa sarili ko. Pag nasa FX, bus, jeep, taxi, toilet, o kaya minsan kapag nasa harap ng TV habang nanonood ako ng Home TV Shopping. Nakaka-blangko talaga ng utak ang mga pinapalabas nilang kalokohan dun sabay banat ng "BUT WAIT THERE'S MORE!"

Kung may babalikan man ako, high school yon. Frustrated ako sa high school life ko e. Hindi pang-Sharon Cuneta song. Pero ano nga kaya? Anong mangyayari kung mag-time machine ako at bumalik sa high school na ganito na yung pag-iisip ko?

Panis na panis na siguro ang panliligaw nun. Malamang mapapasagot ko na yung kaisa-isang babaeng minahal ko nung high school pero walang awang nambasted sa akin ng tatlong beses. Yung mga kasabayan kong nag-aaral mag-gitara, maglalaway kasi alam ko na yung intro tsaka chords ng "Stairway To Heaven". Memoryado ko na ang chords ng mga kantang inaaral namin. Pwede pa akong magtayo ng banda tapos yung mga sikat na kanta ngayon yung gagawin kong "originals". Magiging kilabot kami sa mga all-girl school na umiisnab sa iskwela namin. Maiinggit sa amin ang mga taga-La Salle, Ateneo, at Xavier na nang-aalipusta sa high school ko. Buhay pa ang Club Dredd noon, kaya malamang iinom ako nang iinom sa gabi pagkatapos ng gig namin, pero sisiw na sisiw na yung mga exam at mga term paper na isasampal sa akin ng mga teacher ko kinabukasan. Laging perfect ang mga exam, malamang maging valedictorian ako. Member pa ng sikat na banda, sikat ako sa school, marami akong girls. Wow.

Makakapasa ako sa gusto kong course sa UP, kahit quota course yun, kasi madali na para sa kin ang UPCAT. Babarkadahin ko sina Ely Buendia at Dong Abay na nag-uumpisa pa lang noon. Dadalaw ako sa Ateneo High School at makiki-jam sa Parokya Ni Edgar na pasingit-singit lang sa mga gigs nung mga panahon na yon. Ituturo ko sa kanila ang kantang "Mr. Suave" tapos sasabihin ko na gamitin nila yun kapag sikat na sila. Magiging front act ang banda ko ng Eraserheads at Yano. Magkakaroon kami ng mga album, at maraming-marami na akong pera. Magtatapos akong Summa Cum Laude dahil alam ko na ang mga ituturo sa akin. Pag-aagawan ako ng mga kumpanya at magtatrabaho ako para sa highest bidder. Nasa Ang TV pa si Angelica Panganiban nun at ibe-befriend ko na sya. Para pagdating nya ng 15 years old, liligawan ko na sya. Tapos pag-apak nya ng 18, bubuntisin ko na sya at magpapakasal na kami. Nice.

Pero teka.

Kung mangyari yun, makikilala ko pa kaya yung mga kabarkada ko ngayon? Sila yung mga kasa-kasama ko sa bahay noong college at nagtitiis kaming maghati-hati sa isang latang sardinas. Kami-kaming nagpapatalbugan sa ligawan pero kami-kami rin ang nagdadamayan kapag may nabibigo. Hindi kami mapaghiwalay kasi alam namin ang kahinaan ng isa't-isa. (Well actually hindi kami mapaghiwalay noon kasi laging napapagtawanan at nilalait yung wala sa usapan). Ngayon, lampas sampung taon na ang nakakalipas, sila pa rin ang barkada ko. Mula sa pagsasamang nabuo sa bulok na bahay na yon hanggang ngayong nagkakaroon na ang bawat isa sa amin ng kaginhawaan sa buhay, hindi kami nagkakalimutan. Nagsimula kaming lahat sa wala, kaya masaya ang buong grupo kapag may naa-achieve ang isa sa amin. Walang kapantay ang ganitong samahan para sa akin. Kung may time machine ako at may binago ako sa nakaraan ko, paano ko masasalubong ang landas ng mga itinuturing kong tunay na kaibigan ngayon?

Kung may time machine ako at may binago ako sa nakaraan ko, makikilala ko pa kaya ang misis ko ngayon? Siguro sasabihin nyo, "Pre naman, si Angelica Panganiban na yung misis mo e. Ano pang hahanapin mo doon?" Oo nga si Angelica Panganiban yun. Pero siya kaya yung tipong tatawag sa akin sa opisina at magsasabing "umuwi ka nang maaga, nagluto ako ng paborito mo. munggo at galunggong!" Kumakain kaya si Angelica nun? In the first place, marunong ba syang magluto? In the second place (hehe), kasing sarap ba ng luto ng misis ko yung luto nya? Siya kaya yung tipo ng babae na kahit hirap na hirap na kayo sa pera, may poise pa rin at naka-focus sa kung paano kayo makakatawid sa krisis? Marami nang pera malamang si Angelica, kaya malabong ganun yun. Plus may manager na at mga alalay pa sya. Malabo ring siya ang tipo ng babaeng magpupunta sa parlor at magpapaganda para sa akin lang. Artista yun. Trabaho nya ang pagpapaganda. Kung misis ko si Angelica, ako lang kaya ang gwapo sa paningin nya? Malabo rin. Matatawa kaya siya sa jokes ko? Di rin siguro. Sa Ang TV ko nakuha ang mga jokes ko e.

Higit sa lahat, kung may time machine ako at baguhin ko yung nakaraan ko, lalabas pa kaya sa mundo ang dalawang gwapong-gwapong anak ko? Kahit mayaman ako, sikat, may asawang artista, at nasa palad ko lahat ng karangyaan sa mundo, walang kwenta ang lahat ng ito kung wala ang mga anak ko ngayon. Grabe. Naiisip ko pa lang na wala sila, nalulungkot na talaga ako. Dati-rati nung single pa ako at walang pakialam sa mundo, nagtatampo ako sa mga kainuman kong umaabsent sa drinking session dahil sa pamilya. Tinatanong ko kung anong big deal sa pagkakaroon ng anak e basta makapag-provide ka sa kanila, solb na. Hindi pala ganun. Nagbabago pala talaga ang mundo pag dumating na ang baby. Totoo pala ang mga cliche ng mga tatay. Ngayon, kahit kwento ng buhay ni Chicken Little, apektado na ako. Naluluha na ako pag nanonood ako ng Finding Nemo, lalo na dun sa part na kinukwento na kay Nemo yung ginawa ng tatay nya para mahanap sya.

Hay. Kaya ko lang siguro na-entertain yung thought na mag-time machine e dahil alam kong marami akong pagkakamali, at gusto kong ayusin ang mga pagkakamaling nagawa ko. Nature ko rin siguro bilang tao ang maghanap ng mas magandang kalagayan kesa sa kinalalagyan ko ngayon. Normal na rin sigurong mangarap ng pera, kasikatan, at magagandang babae.

Marami na akong nagawang mali. Minsan nga paulit-ulit akong nagkakamali, hindi pa rin ako natututo. Dumating na lang yung point na nagsasawa na lang ako kasi yun ang lagi kong desisyon, kaya kailangan nang baguhin. Dati-rati napaka-OA ko, pwede nang pang-telenobela ang acting dahil hindi ko matanggap na nagkamali ako.

Ngayon, pag binabalikan ko yung mga nagawa ko, di ko talaga mapigilang magsabi ng "buti na lang pala nangyari yon". Mali man o tama, naka-contribute ito sa buhay ko ngayon. At ang buhay ko ngayon ay perfect. Ironic nga kasi I don't have the perfect job, I don't have the perfect friends, I don't have the perfect wife, and I'm sure I don't have the perfect kids. Pero masaya ako kasi considering the mistakes I've done in the past, maganda pa rin yung payoff.

So kung may kilala kayong may Time Machine tapos naghahanap ng magte-test, count me out. Mas gugustuhin ko pang manood ng Home TV Shopping.

Sunday, January 01, 2006

C.R. Para Sa Mga Bakla

Nagmamadali akong pumunta sa restroom kasi puputok na talaga ang bladder ko sa loob ng sinehan. Habang umiihi ako, may pumasok na bakla, tumayo sa tabi ng urinal ko na parang iihi. Di ko na lang pinansin kasi masarap ang feeling ng jumi-jingle pag masakit na ang pantog mo. Bigla akong napatigil.

Nakasilip yung bakla sa ari ko.

Langya. Filipino size na nga lang to, pagdidiskitahan pa. Imbis na silipan na lang yung mga foreigner na nagkalat sa mall, ako pa yung napagtripan. Ano pa nga bang magagawa ko nun kundi magmadaling mag-zipper at lumabas agad ng banyo. Bukod sa sama ng loob ko sa baklang manyak na yon, sobrang sama ng loob ko kasi hindi ko napagpag ng maayos si Junior.

Sana naman maisip ng mga baklang manyak na to na may lugar para sa kalibugan. Sana ma-realize nila na hindi pickup joint ang Men's CR ng sinehan. Kung gusto nila ng lalake, dun sila sa Roxas. O kaya dun sa Timog. Hindi porke convenient para sa kanila ang makapasok sa loob ng CR ng lalake, pwede na silang maging predator dun. Hindi ako papayag na gawin nilang safari ang Men's CR, sila ang mga leon, at zebra ang titi ko (wish ko lang, kasing haba ng titi ng zebra).

Naalala ko tuloy yung kwento sa akin ng officemate kong babae. Kakatapos nya lang mag-CR nun, naghuhugas na lang sya ng kamay, nang biglang may pumasok na bakla(transvestite) para mag-CR. Sobrang nag-freak out yung officemate ko. Oo nga nakadamit pambabae yung tao. Pero titi pa rin naman ang nakakabit sa kanya, at ang mga may titi, doon sa Men's CR.

Hindi issue dito ang sexual preference ng mga bakla. Hindi rin issue ang discrimination. Security ng mga straight ang issue dito. Kung hahayaang makapasok ang mga manyak na bakla sa mga CR ng lalake, mas malaki ang probability ng pag-commit ng invasion of privacy, tulad ng nangyari sa kin. Tsaka kung damit babae o kaya e pusong babae na lang pala ang prerequisite para makapasok sa CR ng babae, magdadamit babae na lang ako o kaya magbabakla-baklaan kung gusto kong mamboso.

Wala namang pinagkaiba ang baklang manyak sa lalaking manyak e. Parehong pwedeng magdala ng panaksak o kaya baril para panakot sa biktima. Gender lang talaga ng biktima nila ang nagkaiba. Yun nga lang, pagdating sa mga CR, protektado ang mga babae dahil may CR para sa kanila. E paano naman yung mga lalakeng may potential na maging biktima ng manyak na bakla? Ano ang proteksyon nila pag nasa public restroom na sila?

Nakakaawa ang mga bakla sa panahon natin. Tingin ko, ngayon lang talaga nagsisimula ang tunay na pagtanggap sa mga bakla sa Pilipinas. Dahil dito, wala pa talagang nae-establish na rules para sa tamang behavior ng pagkabakla. May mga current rules ang lipunan na talagang dapat nasa isang side ka ng border ng lalake at babae. Tulad ng simpleng rule na to: ang mga babae sa Women's CR tapos ang mga lalake sa Men's CR. Hindi excuse ang pagkabakla para i-bend ang rules na to. Since decision nila ang maging bakla, alam nila dapat ang consequence ng pagiging bakla. Hindi sila pwede sa Men's CR kasi ayaw nilang maging lalake. Hindi rin sila pwede sa Women's CR kasi hindi sila babae.

Gumawa na lang sila ng CR para sa mga bakla.