Monday, May 19, 2008

Life Goes On

"Ang mga tao sa buhay mo ay nagdaraan lamang, umaalis, dumarating, walang naiiwan.. ang kwento ng pag-ibig ay kumusta at paalam, ngayo'y alam mo na kung paano mag-isa." - "Slo Mo" ng Eraserheads

Bahagi na talaga ng buhay ng tao ang paghihiwalay. Nung bata pa ako, lumipat sa Bicol yung kalaro kong kapitbahay namin. Nung elementary, lumipat ng ibang school yung bespren ko. After high school, nahiwalay ako sa mga kaibigan ko kasi sa UPLB ako nag-college. Nung college naman, andaming breakup, tapos naunang grumaduate ang mga kaibigan ko, never to return again. Nung nagtatrabaho na ako, nagsisi-alisan yung mga nakaka-close kong officemates. Pagtanda ko malamang, hihiwalay na rin sa kin ang mga anak ko para bumuo ng sariling pamilya. In the end, ako naman ang hihiwalay sa mundo.

"Wow pare emo."

Kasi, eto may magpapaalam na naman. Every year yata dapat may at least isang kaibigan akong pupunta sa ibang bansa para dun makipagsapalaran. Bakit kasi hindi na lang umasenso tong Pilipinas para wala na lang umalis? Punyetang U.S. yan. Punyetang Singapore yan. Every year dumadaan ako sa proseso ng "pagluluksa" para sa nahihiwalay na kaibigan. Hindi man halata, hindi rin naman necessary na ipakita sa buong mundo na nahihirapan kang mag-adjust sa pagkawala ng isang kaibigan. Manhid na yata ako sa process ng denial-anger-depression-acceptance. Parang routine na lang sya.

As much as possible, umiiwas na rin akong maghanap ng bagong kaibigan. Kasi curse ko na ata talaga yun e, siguradong mawawala din sila. Paulit-ulit, nakakasawa na. Ngayon, eto, mabibilang na lang ng daliri sa isang kamay yung mga tinuturing kong malalapit na kaibigan. Konting panahon na lang, siguradong mawawala na silang lahat.

Hindi OK sa simula. Mahirap talagang tanggapin na mawawalan ka na naman ng kaibigan. Pero ganun talaga e. Hindi naman pwedeng ikamatay yun. Di naman ako pwedeng sumunod na lang ng basta. Kung ganun na lang, ang mangyayari eh lagi na lang akong may sinusundan.

Di naman siguro titigil yung pag-ikot ng mundo e. Life goes on.

4 comments:

  1. punyeta nga tlga hehe! i can relate. ilang beses na akong nagthrow ng despedida, kaibigan at kamag-anak.
    naisip ko nga eh, kung ako na ang aalis, wala ng maghahanda para sa akin kase wala na silang lahat. ang lungkot!

    ReplyDelete
  2. Magandang araw po, Mr.Tabachoi.
    ako po ay isa sa inyong mga taga-hanga.
    follower po ako sa blog ninyo, and i find it very interesting...kasi marami sa mga post dito ay, talaga namang nakaka-relate ako.
    Lalong-lalo na itong "Life Goes On" entry nyo. it has really inspired me so much na naisipan ko pong i-share ito sa bobongpinoy.multiply.com. na-"isipan" lang po, hindi pa po nagawa...sapagkat ako`y humihingi sa inyong pahintulot ukol sa pag-ppost ko po sa entring ito sa nasabing site.
    Wag po kayong mag-alala, lalagyan ko po ng Credits, Links, at disclaimer note kung sakaling aaprubahan ninyo ang aking request. salamat po and God Bless! patuloy po kayong mag-inspire thru your posts. thanks.

    ReplyDelete
  3. nainspire din ako...pwede po ba ako maging contributor dito?

    ReplyDelete
  4. Hayy. Sa wakas, nahanap ko din ang bagong blog mo at nakabasa rin ng mga inspirational post. God bless:)))

    ReplyDelete