Friday, July 20, 2012

Generation Spoonfed

"As a student... ano gusto nyo sa klase?"

Nabasa ko ang tanong na to sa isang Facebook group. Teacher ang nagtanong, mga college students ang sumagot. Tulad ng inaasahan, naroon ang mga predictable na mga sagot tulad ng:

  • "classmates na kacheckout checkout"
  • "pwede matulog sa klase"
  • "take home exercises"
  • "yung papasa pa rin kahit hindi nag-aral"

At may mga sagot na nagparamdam sa akin na ang tanda ko na talaga:

  • "may incentive sa lahat ng ginagawa"
  • "yung hindi masungit pag nagtatanong ang mga students"
  • "yung magaling magturo, hindi sobrang bagal, hindi din sobrang bilis"
  • "yung willing magmeet halfway yung teacher at students para magkaintindihan/maenjoy yung lesson"

Unang una, hindi na dapat tinatanong ng teacher ang mga students kung ano ang gusto nila sa klase, unless addict sa positive feedback yung nagtuturo. Bukod sa schoolwork, dapat maaga pa lang, sinasanay na ang mga bata sa laws of the real world.

Play with the cards that you were dealt with.

Sa real world, hindi magtatanong ang boss mo kung ano ang gusto mong kumpanya. Sa business, hindi mo pwedeng basta-basta bitawan ang kasosyo mong hindi mo trip ang opinyon. Sa pamilya, hindi mo mapipili ang gender ng anak mo (before and after birth).

Ni minsan hindi ko naaalalang tinanong kami ng teacher kung ano ang gusto namin sa klase. Oo, kanya-kanyang style yan, walang basagan ng trip. Naniniwala naman ako na each teacher should have his/her own trademark. Pero pandering to the students should never be an option. Ang mga students ang clay na dapat mino-mold ng teacher, not the other way around.

Sa mga students naman, naiintindihan kong lahat na ng bagay ngayon e pang-mentally handicapped na. Touchscreen na lahat, obsolete na ang library, may internet ka kahit naglalakad ka sa bangketa. Sa kasong ito, the question was "ano ang gusto nyo sa klase", hindi "ano ang gusto mong teacher". Pero yung mga sagot ng iba, parang iPad ata ang hinahanap. "May incentive sa lahat ng ginagawa" parang cash lang sa Cityville. "Yung hindi masungit" parang si Siri. "Hindi sobrang bagal, hindi sobrang bilis" na parang may accessibility options. "Willing magmeet halfway" na parang may after sales customer service.

Simple lang yung tanong at nakakaaliw ang mga sagot, pero sinasalamin na nya ang katotohanang dala ng pag-spoonfeed sa generation ngayon. Nakakatakot isiping patungo na tayo sa future na pine-predict ng Wall-E, na sa bawat paglabas ng teknolohiyang nagpapadali sa buhay, unti-unti na ring nawawala ang basic trait kung bakit napunta ang Homo Sapiens sa tuktok ng food chain:

Adaptation.

Wednesday, December 23, 2009

Magsusulat na ako ulit.

Iiwan ko na ang Plurk at Facebook para mag-focus na sa totoong pagsusulat. Yan ang New Year's resolution ko.

Wednesday, October 01, 2008

Pamamaalam ng Isang Pilosopo

Di mo matatakasan ang makarinig ng mga kantang may mga salitang "paalam", "goodbye", o "farewell" sa radyo. Mas madaling kasi sigurong maka-relate sa mga iniwan, kaya kung gagawa ka ng kanta, sure money ang kanta tungkol o para sa mga nagpaalam. Para sa katulad kong nagpipilit maging pilosopo, pamamaalam ang common "antithesis" sa mga "thesis" tulad ng friendship, romance, at existence. May hello, may goodbye. May friendship, may farewell. May romance, may breakup. May life, may death.

Medyo mabigat para sa akin tong mga nakaraang linggo, at sa tingin ko, lalong mahirap ang mga susunod. May kaibigang pumanaw, may kapatid na naman ako na humiwalay na sa bahay, tapos lilipad naman sa ibang bansa ang asawa ko. After a few months, susunduin na nya ang anak namin. Nate-tempt akong mag-emote, pero sa edad kong to, nakakasawa na rin. Ipapagpaubaya ko na lang siguro sa GMA at ABS-CBN ang primetime drama.

Bigla kong inisa-isa ang mga major goodbyes sa buhay ko. Sa akin kasi, kailangan kong balikan ang mga dinaanan kong paghihiwalay para makahanap ako ng lakas.

Nag-time space warp ako sa mga panahong hinahatid pa namin yung tatay ko sa airport. Seaman kasi yun e. Oo alam ko yung joke tungkol sa plural ng seaman. Nung bata pa ako, sobrang bigat lagi yung paghatid kay papa sa airport. Lagi kong tinatanong kung bakit kailangan pa niyang umalis ng bansa eh pwede namang magtrabaho dito.

Naalala ko rin yung breakup namin ng isa kong girlfriend. Sinabi ko sa kanya, "kung lalabas ka sa pintong yan at sasama dun sa lalaking yun, hindi mo na ako makikita kahit kailan". Ayun lumabas sya at hindi na lumingon. Nasira yung mundo ko noon, umabot sa point na ang breakfast, lunch, at dinner ko e isang lapad na Tanduay.

Binalikan ko rin yung araw na kausap ko sa telepono yung nanay ng isang anak ko. Nagdadalang-tao pa lang sya non. Sinabi ko sa kanya na kung ayaw nya akong pakasalan, susuportahan ko na lang yung anak namin. Sinigawan nya ako ng "PAANO MO SUSUPORTAHAN TO E WALA KA NAMANG TRABAHO?! P*T@N6 !N@ MO WALA AKONG TATANGGAPIN SA YO!"

Naalala ko rin yung mga huling araw ng pagkahumaling ko sa UPLB, a.k.a my Fight Club days. Fight Club days kasi ginagaya ko si Edward Norton nun. Naghahamon na ako ng sapakan, tapos nung walang pumapatol sa akin, inupakan ko yung sarili ko. Sa isang inuman, sinabihan na ako ng mga kaibigan ko na "pare, kailangan mo nang umalis ng LB". Kung kilala mo ako, alam mo kung gaano ko kamahal ang LB. Sobrang sakit marinig yon.

Si Pierre Carlo Cornago. Isa sa mga ka-love-hate relationship ko sa org namin. Namatay dahil sa bangungot. Sa burol nya, habang nakatingin sa kabaong nya, nakapagbiro pa kami ng "sayang naman to, hindi na mapapanood yung Lord of the Rings Two Towers". Paulit-ulit sa akin ang mga tanong tulad ng "bakit namatay yun e mabait na tao si Piyer, samantalang yung mga siraulo, buhay pa rin?"

Dagdag mo pa sa mga alaalang yan yung pagpunta sa ibang bansa ng besprens 1, 2 and 3 ko, ang napakaraming breakup, at ang mga "close-dati-pero-deadma-na-ngayon" friends sa buhay ko.

Iniisip mo siguro, "Ehhh paano ka naman makakahanap ng lakas sa pag-alala ng mga hiwalayan na yan? Akala ko ba hindi ka mage-emote? Ehhh nage-emote ka na e!"

Teka teka, hindi pa kasi ako tapos. Let me continue...

Si papa, retired na ngayon. Araw-araw ko nang kasama sa bahay. Di pa rin kami masyadong nag-uusap, pero pag nakikita ko ngayon yung mga squatter sa lugar namin, nararamdaman ko yung utang na loob ko sa kanya. Dahil sa mga pag-alis-alis nya ng bansa, naiangat nya kami sa level above the poverty line.

Yung ex-girlfriend ko na sumama sa ibang lalaki, after a few months, nagsabi na gusto na niyang makipagbalikan sa kin. Eh taken na ako nun.

Yung nanay ng isang anak ko, nakipag-ayos na din sa akin. Ngayon, friends na kami at nagtutulungang maging mabuting magulang para kay Kenzo.

UPLB? Oo iniwan ko. Matagal akong nawala. Pero yung mga kaibigan ko noon na nagsabi sa akin na iwan ko na ang LB, sila na ngayon yung nagyayaya sa akin na dumalaw ulit doon at uminom.

Si Piyer, ilang taon nang patay. Hindi naman bumangon. Pero pag Pasko, lagi pa ring may isang tagay para sa kanya.

Si bespren 1, nasa Chicago. Kakadalaw nya lang sa Pinas this year dahil binyag ng anak nya. May US Visa na ako ngayon, kaya pera na lang talaga tsaka oras ang problema. Si besprens 2 & 3, nasa Singapore. Eh dun din pupunta si misis at si Austin. Malapit ko na rin silang makita ulit.

After ng napakaraming breakups, nakilala ko si misis. At sa bawat isang "close-dati-pero-deadma-na-ngayon" friend sa buhay ko, may isang kapalit na "deadma-dati-pero-close-na-ngayon" friend.

So, ano ang point ko? God, or whatever supreme being or unknown force you believe in, comes in threes. Father, Son, and Holy Spirit. Birth, Death, and Rebirth. Brahma, Vishnu, and Shiva. Yùqīng, Shàngqīng, and Tàiqīng.


Thesis, Antithesis, and Synthesis.

Hindi natatapos ang mundo sa thesis at antithesis. Mayroon ka pang synthesis. Hindi pwedeng mawala ang synthesis. Lahat ng paghihiwalay ay magdadala ng pagbabago. May goodbye ang bawat hello. May farewell ang friendship. May breakup ang romance. May kamatayan sa lahat ng may buhay.

Pero life goes on. And everything will be alright.

Thursday, June 12, 2008

Ang Tatay Na Nag-Angkas Ng Apat Na Anak Sa Isang Bisikleta

Biglaang napatigil yung sinasakyan kong jeep kanina na halos napasubsob ako sa kili-kili ng katabi ko. Nung nag-usyoso ako, nakita ko na ang dahilan ay ang pagkalaglag ng laman ng lunchbox ng isang grade 1 student sa tapat namin. Pagka-ayos ng bata sa lunchbox nya, di ako makapaniwala sa nakita ko. Apat silang magkakapatid, magkaka-height, at naka-angkas sila sa isang bulok na BMX-style na bike. Ang nagmamaneho ng bike ay isang payat na lalaki na sa unang tingin, maaalala mo si Theodore Bagwell (T-Bag) ng "Prison Break". Dito nagsimulang tumakbo ang iba't-ibang tanong sa isip ko.

 Tanong#1:  Apat na bata nakaangkas sa isang bike? Pano nangyari yun?

Ang objective: Kailangang makauwi ng magkakapatid.

Ang situation: Mataas ang araw dahil tanghali natatapos ang klase. 10 kilometers ang layo ng bahay nila sa school kaya hindi option ang paglalakad para sa mga bata. Pero wala silang pera para pamasahe. Wala ring pera ang tatay. Parang hopeless di ba? 

Pero nakahanap si tatay ng paraan. It's either kanila na yung bisikleta or hiniram nya yon para sunduin ang mga anak. Na-meet ang objective with very minimal resources. Napaka-action star ng dating. Well, more of stuntman kasi apat na bata ang angkas mo sa isang bisikleta. Pero kung titingnan mo, isa ito sa mga himalang dala ng pagiging ama. 

Kahit wala nang pag-asa, basta para sa mga anak, laging may paraan. 

Tanong#2: Teka, bakit yung tatay yung sumundo? Di ba dapat nagtatrabaho sya ngayon? Nasaan yung nanay?

Pwedeng walang trabaho si tatay kaya inutusan sya ni nanay na sunduin ang mga bata para may silbi naman sya. For the sake of sticking with the theme, maraming pwedeng speculation dito. Naglalaba si nanay or nagluluto sa bahay. Pwede ding si nanay na yung nagtatrabaho. Or wala na si nanay. Point is, reflection ito ng nagbabagong structure ng pamilya. Hindi na baduy ang pagkuha ng tatay ng responsibilities na nakasanayan na nating nanay ang gumagawa. (except breastfeeding siguro, eww)

Ngayon nga, parang mas cool na tingnan pag si tatay ang nagluluto, si tatay ang naggo-grocery at nagdadala ng kids sa mall, pati na rin ang pagsundo sa mga anak.

Sabi sa article na to, ang traditional roles or popular images ng mga tatay ay:
  • The Wallet: This father is preoccupied with providing financial support for his family. He may work long hours to bring home his paycheck and does not take an active part in caring for the children. Making money provides this father with a distraction from family involvement.
  • The Rock: This is a "tough" father - strict on discipline and in charge of the family. He may also believe that a good father remains emotionally distant from his children, so expressions of affection are taboo.
  • The Dagwood Bumstead: This father tries to be a "real pal" to his children, but his efforts are often clumsy or extreme. He doesn't understand his children and feels confused about what to do. He may also feel that he is not respected within the family.
These traditional stereotypes are now clashing with another image of a father:
  • The Caregiver: This father tries to combine toughness with tenderness. He enjoys his children but is not afraid to set firm but fair limits. He and his wife may cooperate in childrearing and homemaking.
Ang cool. Parang Sharon Cuneta na ang mga tatay ngayon. "I care about my job, Sir. I care about you."

Tanong#3: Eh pano kung ma-flat yung bisikleta?

Sigurado akong dinala ni tatay yung bisikleta dahil nga kailangang umuwi ng mga anak nya. Hindi sya prepared sa mga ganitong event dahil limited na nga ang resources kaya limited din ang planning. Wala syang pera, wala ring pera ang mga anak nya. May bisikleta, kaya bahala na. Basta makauwi.

Narito ang sampal ng reality sa mukha ng mga tatay. Ginagawa mo na ang lahat ng paraan, pero dahil sa mga circumstances na wala sa control mo, magmumukha kang tanga sa harap ng ibang tao, lalo na sa harap ng mga anak mo. 

Darating ka sa worst case scenario na sisihin ka ng mga anak mo kasi hindi sapat ang effort mo bilang ama. Siguro, lagi mong mapapanood sa mga telenobela yung ganitong drama:

Anak: "Wala ka nang time para sa kin, Dad. Puro ka na lang office. Wala ka nang inisip kundi ang trabaho mo!"

Tatay: "Pero, anak. Ginagawa ko ang lahat na to para sa yo. Para may panggastos ka sa mga pangangailangan mo."

Anak: "Pero dad, hindi ko kailangan ang pera mo. IKAW ang kailangan ko."

Bullshit. O sige papatulan ko tong drama na to ha. Let's say tumigil sa trabaho si tatay at binigay nya ang oras nya kay anak. 6 months later...

Anak: "Tay, may lakad kami ng mga kaibigan ko, pupunta sana kami ng Puerto Galera."

Tatay: "Anak, wala tayong pera. Di ba nga tumigil akong magtrabaho. Kailangan nating magtiis muna."

Anak: "Tiis, tiis, puro na lang tiis! Ayaw nyo ba akong maging maligaya? Minsan na nga lang ako lumabas kasama ang mga kaibigan ko, tapos eto, magtitiis pa rin ako? Anong klaseng magulang kayo?!"

(I rest my case, your honor. There's just no fricking way to please these fricking kids.)

Nakita ko ang hirap ng pagiging ama sa tatay na pinilit i-angkas sa isang bisikleta ang apat na anak. Naramdaman ko ang awa, pero naramdaman ko rin ang dangal para sa kapwa ama. Kanya-kanyang pagsubok ang hinaharap ng bilyun-bilyong tatay sa buong mundo, pero lahat ng mga pagsubok na ito ay hindi para sa sariling kapakanan.

Ano ang pinagkaiba ng pagiging "lalake" sa pagiging "tatay"? Simple lang.

PURPOSE.

Happy Fathers Day sa ating lahat! Kanpai!

Wednesday, June 11, 2008

Huling Habilin Ni Daboy

Kahit na "Bitayin si Baby Ama" lang yung natatandaan kong movie ni Rudy "Daboy" Fernandez, mas pinilahan pa rin ng mga mahihirap yung lamay nya kesa sa lamay ng kapapanaw din lang na labor leader na si Crispin Beltran. Big deal talaga pag may pumapanaw na showbiz icon.
May nabasa akong article tungkol sa huling habilin ni Daboy kay Mark Anthony Fernandez. Si Mark Anthony ang unang anak ni Daboy pero kay Alma Moreno, hindi sa asawa nyang si Lorna Tolentino. Medyo familiar yung setup na to kaya naging curious ako, baka kasi may mapulot akong lesson sa mga habilin na to. 

Sabi ni Mark Anthony sa interview sa kanya, ang mga huling habilin daw sa kanya ay 

“Alagaan ko raw si Mama.  Huwag ko raw pababayaan sina Tita Lorna at mga utol kong sina Ralph at Renz.  Panindigan ko ang pagiging padre de familia sa wife kong si Melissa at mga anak na sina Chelsea at Cameron.  At ‘yong mga iiwan niya sa’king mga bagay, investment na dapat kong sinu-pin dahil magagamit ko balang araw o sa rainy days.  Harapin ko raw ang aking career.  At ugaliin kong sagutin ang mga tawag o messages sa aking mobile phone na madalas ay ‘di ko ginagawa.  Kung ‘di ko kayang i-solve ang problema’y hanapin ko raw sina Tito Jinggoy (Sen. Estrada), Tito Bong (Sen. Revilla), at Tito Phillip (Salvador) na parang mga kapatid na rin niya.”

Hindi siguro malalayo sa ganitong framework ang mga huling habilin ko sa mga anak ko. Ganun nga yata talaga pag alam mong mawawala ka na. Unang-unang priority ay siguraduhin ang pag-alaga sa mga maiiwan mo. Pangalawa, set the standards kung paano dapat mabuhay yung mga mauulila. Pangatlo, mag-assign ng point persons para humalili sa maiiwan mong role.

In a way, naiinggit ako kay Daboy kasi nakuha pa nyang makausap ang lahat ng mahal nya sa buhay bago sya mamatay. Yun ang ideal death para sa kin. Last attempt to forgive and to ask for  forgiveness. Enough time to look back at how you lived. Being thankful for every remaining heartbeat, and thankful for every person na naging reason ng pagtibok ng puso. 

Yung mahihimlay kang alam mong may maiiwan kang legacy kahit matagal ka nang wala.

Tuesday, June 10, 2008

Ang Squatter, Ang Ipis, At Ang Meralco Commercial Ni Judy Ann Santos

Naglakad ako kahapon sa aming friendly neighborhood squatters area kasi yun ang pinakamalapit na daan papunta sa grocery. I got reacquianted with the place na halos 5 years ko nang hindi nadadaanan. Wala pa ring nagbago. Andun pa rin yung mga batang walang damit na naghahabulan sa kalye. May isang batang dumudumi sa puwang ng nakabukas na manhole. Nandun pa rin ang mga lalakeng nakapalagid sa isang boteng Emperador brandy. Yung mga babae, abala sa pagbi-bingo. Halos lahat ng bahay, amoy kinulob na kahoy na binasa ng pinagbanlawan ng labada.

Ang nagbago lang siguro ay yung dami ng mga batang naglalaro. Bawat kanto ng mga looban, may naglalarong higit-kumulang sa sampung bata. Sa buong street, may total ng 20 na kanto ng looban. Do the math.

Naisip ko, pataas na nang pataas ang presyo ng mga bilihin. Ang mga taong to  eh halos walang income, at walang tigil din gumawa ng anak. Hindi kaya mamatay sa gutom ang mga ito?

Tekaaaaa... mamamatay sa gutom ang mga squatter? Hmmmm

Pag namatay na sa gutom ang lahat ng mga squatter, kokonti na yung magnanakaw ng kuryente sa lugar namin. Therefore, bababa ang "system loss charge" ng Meralco. Bababa ang bill namin ng kuryente.

Pag namatay na sa gutom ang lahat ng mga squatter, wala nang lalapitan yung mga pulitiko sa lugar namin para bumili ng mga boto. Therefore, karamihan na ng mga botante ay nakapag-aral at marunong nang pumili ng iboboto. Di naman siguro kami kayang bilhin ng 500 pesos lang. Maaayos kahit papano ang electoral system kahit sa lugar lang namin. Malaking difference na yon.

Pag namatay na sa gutom ang lahat ng mga squatter, bababa yung crime rate sa lugar namin. Hindi na rin ako matatakot maglakad sa madilim na kalye dahil alam kong namatay na sa gutom ang dapat na manghoholdap sa kin. 

Pag namatay na sa gutom ang lahat ng mga squatter, kokonti na lang ang bibili ng shabu sa mga "tiangge" malapit sa min. Therefore maghahanap na ng ibang lugar ang mga pusher para makakuha ng customer. Pag nawala ang mga pusher sa lugar namin, mapipilitan na ring sumunod ang mga adik. Mawawala na silang lahat.

Pag namatay na sa gutom ang lahat ng mga squatter, mas madaling linisin ang mga imburnal, kanal at mga dating batis na ngayon ay parang poso negro na sa dumi. Mababawasan ang mga walang pinag-aralang tapon nang tapon ng basura sa  hindi tamang lugar. Lilinis ang paligid, at makakapag-focus na ang local government sa mga big-time polluters sa tabi ng ilog Pasig.

Ay, nakaapak ako ng ipis.

At ako ay napaisip. "Ipis. May ipis na sa mundo 354–295 million years ago. Naka-survive na sila ng 4 major extinction events. Ayon sa Wikipedia, kaya nilang maging active kahit isang buwang walang pagkain at kaya rin nilang mabuhay with limited resources."

Come to think of it, pag tumaas nang tumaas ang presyo ng bilihin at walang pagbabago sa income ng mga tao, hindi pala mamamatay sa gutom ang mga squatter. Dadami at dadami ang mga squatter, matututong mag-adapt sa limited resources, at makakaligtas ng isa pang extinction event. Kapag nakapag-adapt na sa limited resources, walang tigil pa rin sa pag-aanak.

Dudumi lalo ang paligid. 
Dadami ang mga adik. 

Tataas ang crime rate. 

Lalong mabubulok ang electoral system. 

At lalong tataas ang system loss charge ng Meralco.

Pilipinas Kong Mahal! Woo-hoo!

Monday, May 19, 2008

Life Goes On

"Ang mga tao sa buhay mo ay nagdaraan lamang, umaalis, dumarating, walang naiiwan.. ang kwento ng pag-ibig ay kumusta at paalam, ngayo'y alam mo na kung paano mag-isa." - "Slo Mo" ng Eraserheads

Bahagi na talaga ng buhay ng tao ang paghihiwalay. Nung bata pa ako, lumipat sa Bicol yung kalaro kong kapitbahay namin. Nung elementary, lumipat ng ibang school yung bespren ko. After high school, nahiwalay ako sa mga kaibigan ko kasi sa UPLB ako nag-college. Nung college naman, andaming breakup, tapos naunang grumaduate ang mga kaibigan ko, never to return again. Nung nagtatrabaho na ako, nagsisi-alisan yung mga nakaka-close kong officemates. Pagtanda ko malamang, hihiwalay na rin sa kin ang mga anak ko para bumuo ng sariling pamilya. In the end, ako naman ang hihiwalay sa mundo.

"Wow pare emo."

Kasi, eto may magpapaalam na naman. Every year yata dapat may at least isang kaibigan akong pupunta sa ibang bansa para dun makipagsapalaran. Bakit kasi hindi na lang umasenso tong Pilipinas para wala na lang umalis? Punyetang U.S. yan. Punyetang Singapore yan. Every year dumadaan ako sa proseso ng "pagluluksa" para sa nahihiwalay na kaibigan. Hindi man halata, hindi rin naman necessary na ipakita sa buong mundo na nahihirapan kang mag-adjust sa pagkawala ng isang kaibigan. Manhid na yata ako sa process ng denial-anger-depression-acceptance. Parang routine na lang sya.

As much as possible, umiiwas na rin akong maghanap ng bagong kaibigan. Kasi curse ko na ata talaga yun e, siguradong mawawala din sila. Paulit-ulit, nakakasawa na. Ngayon, eto, mabibilang na lang ng daliri sa isang kamay yung mga tinuturing kong malalapit na kaibigan. Konting panahon na lang, siguradong mawawala na silang lahat.

Hindi OK sa simula. Mahirap talagang tanggapin na mawawalan ka na naman ng kaibigan. Pero ganun talaga e. Hindi naman pwedeng ikamatay yun. Di naman ako pwedeng sumunod na lang ng basta. Kung ganun na lang, ang mangyayari eh lagi na lang akong may sinusundan.

Di naman siguro titigil yung pag-ikot ng mundo e. Life goes on.

Monday, January 07, 2008

Mild Heart Attack?

Had my first glimpse of death last night. Sunud-sunod na meeting, issues piling up, pressure from bosses, covering someone else's ass.

Pagbalik ko sa lugar ko, I felt lightheaded. Then nauseous, parang gusto kong sumuka sa upuan ko. Tapos sa loob ng freezing temperature ng aircon sa PBCom tower, beads of sweat started forming sa noo ko. Ayun. Sharp pain sa left side ng chest ko. Parang may nakahawak sa heart ko tapos pinipiga-piga. Shit. Kala ko yun na yung oras ko. Nag-MSN ako kaagad kay Adrian para sabihin na parang aatakihin ako sa puso.

"No, not like this....Not like this.", I told myself, parang si Switch bago sya i-unplug ni Cypher. Papatayin ako ng work? No frickin way. Tawag ako agad kay Pow, Tents, and Bong. Si Bong nasa bahay na. Si Pow, nasa FX na pauwi. Si Tents, nasa bus. Niyaya ko sila uminom sa Pelangi. Parang ang message ko sa kanila e "INOM. NOW NA.URGENT." Ayun. Sa Pelangi, order kami ng crispy pata, crispy half chicken, barbecue tsaka ilang bucket ng beer. Videoke to the death.

Kung aatakihin man ako sa puso, gusto ko eto yung dahilan. Inuman, greasy food, puyat. Tapos kung mamamatay man ako, mas gusto kong kasama yung mga kaibigan ko kesa dun sa opisina a.k.a. hell. Kumanta ako ng "Welcome To The Black Parade" ng My Chemical Romance. Tungkol sa mga mamamatay na yon e.

Went home, bigay ng huling habilin sa mga tao kung sakaling di na ko gumising. Sabi ko lang naman kung mamatay ako, gusto ko "Crossroads" ng Bone Thugs-N-Harmony yung tugtog sa prusisyon ko. Naiyak lang ako nung tumabi ako sa anak ko, tapos naisip kong baka hindi ko na sya makitang lumaki.

Bago ako matulog, tatlo lang yung tanong na paulit-ulit sa isip ko. Nakakagulat nga kasi hindi tungkol sa pera, hindi tungkol sa trabaho, hindi tungkol sa mga maiiwan ko.
  • Have I lived my life fully?
  • Did I learn to let go?
  • Will I die without regret?
Funny thing, nakatulog ako na hindi ko nasagot yung mga tanong na yon. Eto nagising na ako at nagba-blog. Parang walang nagbago sa tingin ko sa mundo. Pero malamang mula ngayon, lagi ko na iisipin yung tatlong tanong na bumagabag sa kin sa isang gabing akala ko eh huli ko na.

Wednesday, December 26, 2007

Fun Place To Work?

Kakasagot ko lang ng employee satisfaction survey sa opisina. Medyo na-alarm ako nung nakita kong hindi na "fun" ang workplace, based sa mga sagot ko.

May privilege pa naman kaming magkaroon ng access sa instant messaging software. May access pa rin kami sa web mail at sa ilang social networking sites. Maluwag pa rin ang mga boss sa schedules, sa leaves at sa breaks, wag lang shempre aabuso. Every month may fund pa rin naman para gumawa ng non-work related team activity.

It's either nagwa-whine lang pala talaga ako, or something else.

Ano ba yung mga hindi nagpapasaya sa kin sa opisina? Siguro yung mga low I.Q., yung mga epal, yung mga abusado, tsaka yung mga backstabber na puro reklamo tsaka tsismis lang ang alam gawin. Ok lang yung may kupal, basta at least 80% ng kakupalan eh may sense (so off the hook na yung boss ko).

Ano naman yung mga nagpapasaya sa kin? Siguro ngayon, yung mga team members ko. Pwera showbiz, sila talaga yung nagpapasaya sa kin. Kasi kaya naming tawanan yung mga pagkakamali namin. Pag may kinaaasaran, imbis na magalit, lalaitin na lang yung itsura or yung kabobohan nya. Nagsasaluhan kami pag may aberya. Hindi nagdadamot ng knowledge lalo na sa mga baguhan. Sa totoo lang, mahirap humanap ng tamang mix ng mga tao na pare-parehong may passion for excellence (naririnig ko na yung "ulul mo").

So positive versus the negative, mas mabigat pa rin yung positive. Pero bakit nga nasagot kong wala nang fun sa workplace?

Define naman natin yung fun. Para sa kin, hindi necessary ang party na may theme, or team outing, or sports activity para masabing may fun sa workplace mo. Meron ka ngang bonggang activity, puro plastik naman yung mga tao don. May sportsfest ka nga, puro pikon naman ang kasali. Ang totoong fun sa workplace ay ang pagkakaroon ng mga kaopisinang mapagkakatiwalaan, yung tipong alam mong may sasalo sa yo kung sakaling mag-emergency leave ka. Pag may nagsalita ng masama sa likod mo, alam mong may magde-defend sa yo. Yung may nasasabihan ka ng mga sikreto na sigurado kang hindi makakarating kahit kanino. Ang totoong fun sa workplace ay yung may nae-establish na bond na pwedeng dalhin sa labas ng opisina.

So based sa definition ko, dapat masaya pa rin ako.

Teka. Baka mali yung lugar na tinitingnan ko. Masaya naman ako sa workPLACE. Pero masaya ba ako sa mismong WORK?

There you go...

Sunday, November 11, 2007

The OTHER "F" Word

Kung magbibilang ako ngayon ng mga kakilalang may asawa last year tapos hindi na nila asawa ngayon, plus yung mga kakilala kong iba na yung GF or BF or FB (research nyo na lang) versus a year ago, dagdag pa yung mga wala na yung partner nila from a year ago, nasa 40% siguro ng mga kakilala ko ang kasama sa demographic na ito. Ang reasons ng mga breakups from 2006-2007 are as follows:

3rd runner up: Takot sa commitment
2nd runner up: Masyadong mataas na expectations ng partner
1st runner up: Pagkasira ng tiwala

At ang number 1 reason ng breakups from 2006-2007 ay:

"Wala. Nagsawa na lang siguro kami sa isa't-isa. Parang wala nang thrill."

Wow. Napaka-mature na reason. After billions of years of evolving the human brain, umabot na tayo sa point na ka-level na lang natin yung mga hayop. Bakit ganon? Bakit madali nang magsawa ang mga tao lalo na sa karelasyon nila?

Dahil ba sobrang spoiled na tayo sa pagiging instant ng lahat ng mga bagay? Dati rati, kapag long distance relationship, kailangan mong maghintay ng at least isang linggo para lang makapagpadala o makatanggap ng sulat. Ngayon, seconds na lang ang pag-send ng email, tapos meron pa kayong instant messaging software tulad ng Yahoo! at MSN messenger, with webcam and audio. Dati rati, kapag gusto mong marinig yung boses ng mahal mo, pupunta ka sa PT&T para makatawag ng long distance, na sobrang haba ng pila at sobrang laki ng bayad per minute.

Ngayon, may international roaming na yung mga mobile phone. Ang point ko e madali na sigurong magsawa ang mga magkakarelasyon ngayon dahil taken for granted na yung effort para makipag-communicate. Dati, makatanggap ka lang ng postcard na may picture ng Taal Volcano tapos may nakasulat na "Wish You Were Here", sobrang kilig na. Ngayon nga, makatanggap ka lang ng text message na naka-all capital letters at walang emoticon na :) sa dulo, malaking away na.

Dahil din ba nasanay na tayong lahat sa sobrang bilis ng pagpalit ng technology? 10 years ago, astig ka na pag meron kang Pentium 2 PC na may 1Gb hard disk, pager ng EasyCall, at 14.4kbps modem sa bahay. Ngayon pag meron ka pa ring ganon, kahit yung mga squatter tatawagin ka nang mahirap. 5 years ago, katanggap-tanggap pa yung Nokia 5110. Ngayon pag naka-5110 ka, iisipin ng mga tao napulot mo lang yon sa basurahan. Masyado na yatang naaadik ang mga tao sa latest versions kaya pati sa relationships, pag nagsawa ka na sa partner mo, hahanap ka na agad ng "upgrade". Makahanap ka lang ng konting defect, palit agad.

Ayan masyado na naman akong nago-overanalyze. Dapat simple lang ang explanation sa lahat ng bagay e. So dapat may mas simple pang explanation siguro para dito.

As I see it, yung apat na reasons ng breakup na nabanggit ko kanina, simple lang ang dahilan. Since relationship ang usapan, wag nating sabihin na kasalanan lang ng isang tao ang breakup. PAREHO silang may pagkukulang kaya humantong sila sa paghihiwalay. Ano kamo yung kulang? Isang salitang nagsisimula sa "F". Hindi yung 4-letter word na nagra-rhyme with "buck" ha? "F" is for "F-fort". Walang kwenta ang relationship kung walang effort from both parties.

Isa-isahin natin. Yung takot sa commitment, kulang sa effort isipin kung saan papunta yung relationship nila. Yung kapartner naman nya, kulang sa effort ipakita na may future silang dalawa na hindi lang natatapos sa panonood ng sine, pagdi-dinner sa labas, at pagse-sex.

Yung may masyadong mataas na expectations sa partner, kulang sa effort intindihin yung limitations ng partner nya. Since hindi nya maintindihan, hindi sya matututong makapag-appreciate, at hindi rin sya matututong mag-adjust. Yung partner naman nya, kulang sa effort iparamdam na gusto nyang mag-sacrifice ng identity nya.

Dun sa mga nasira ang tiwala, nagkulang sa effort na magbantay at siguruhing name-maintain ng partner nila yung commitment sa relationship. Yung partner naman, hello, nagtarantado nga e. May effort, pero sa ibang tao napunta.

At sa reason na pagsasawa, kulang sa effort ang both parties na mag-evolve sa relationship. Naging kampante sila na may partner sila na kasama sa daily routine. Sa ilang buwang araw-araw na pagsusundo, pag-kain sa labas, at paghatid pauwi, magigising na lang sila isang araw na magtatanong kung bakit ginagawa nila yon. Mga tanong tulad ng "kung love yon, bakit parang wala nang kilig sa pagbubukas ng pinto pag papasok sa restaurant?", "kung love ito, bakit hindi na ako nakukuryente pag hawak nya ang kamay ko habang naglalakad kami?", "kung love ito, bakit parang parausan na lang ako pag nagsesex kami?"

Pag pumasok ka sa relationship, wag mong i-expect na tatagal ang kilig. Bigyan mo yan ng mga at least six months, hindi mo na mararamdaman yung romance nung nagliligawan pa lang kayo. Pero ito ang dahilan para magbigay ka ng effort na mag-evolve kayong dalawa sa loob ng relationship. Kung total opposites kayo, pwede kayong magkaroon ng osmosis, na kung saan may qualities yung isa na napupunta dun sa isa, and vice-versa, hanggang maging magkapareho na kayo. Kung magkapareho naman kayo, mag-effort naman kayong gumawa ng mga bagay na wala sa routine nyo. Maraming options, kaunting effort lang at creativity ang kailangan.

So mga kids, pag papasok kayo sa isang relationship, always think of the OTHER "F" word. Kung di nyo kaya yun, i-enjoy nyo na lang ang nakasanayan nyong "F" word. Hehe.