Showing posts with label fatherhood. Show all posts
Showing posts with label fatherhood. Show all posts

Wednesday, December 17, 2014

Bayad Utang

"Alam nyo na ang gender ng baby sa tiyan ni misis?"

"Oo pre. Girl daw sabi ng doktor."

"Ayun o! Pambayad utang!"

Hindi ka siguro Pilipino kung hindi mo pa naririnig ang ganitong usapan. Ang anak na babae ay binigay ng tadhana ("karma" so to speak) upang pambayad sa pagpapaiyak, pambayad sa panloloko, pambayad sa pananakit ng ama sa mga past relationships nya.

Natanggap ko ang ganitong mga pagbibiro noong ipinagbubuntis ni misis ang baby girl namin. Tuwing ia-announce ko na girl ang magiging bunso namin, automatic na yung reaction na "ALAM NA KUNG BAKIT GIRL!"

Naiisip ko minsan, tama yung biro na yun e. Halos mabaliw na ako ngayon kakaisip kung paano ko babantayan ang anak ko kapag lumaki syang kasing ganda at kasing bait ng nanay nya. Imbis na mag-aral ng ballet, papaaralin ko sya ng Krav Maga, Aikido, Taekwondo, tsaka Brazilian Jiu-jitsu. Nagbabalak na rin akong makipagkilala sa mga riding-in-tandem guns-for-hire para alam ko kung sinong lalapitan pag may lalaking nagpaiyak sa kanya. Tumigil na nga akong magyosi para lang madagdagan ang oras ko sa mundo, para lang mabantayan sya.

Dahil natatakot akong may makilala syang tulad ko noon.

Pero lahat ng takot na to ay mabubura ng isang simpleng "Hi Daddy!". Big smile. Round eyes. Pigtails. Sugar and spice and everything nice. Titigil ang mundo sa sobrang tuwa. Biglang may tutugtog sa isip ko
"...with all that I've done wrong, 
I must have done something right
To deserve a hug every morning
And butterfly kisses at night"
Ang ganda namang pambayad utang nito. Sino ba talaga ang may utang? Ako ba yung nagbabayad, o ako yung nabayaran?

Natutunaw lahat ng problema ko sa mundo kapag yumakap na sya sa kin at hahalik sa pisngi ko. May kakaibang glow sa mukha nya kapag may bago syang damit at isusuot nya para makita ko. Minsan, hindi sya makakatulog kapag hindi sya nakasiksik sa akin. Kapag nakakita sya ng ipis, tatakbo sya sa kin at magsusumbong. At parang si Leonidas sa 300, susugurin at papatayin ko yung walanghiyang ipis na tumakot sa mahal ko.

Ramdam na ramdam ko na "a father is a daughter's first love". 

Tuwing katabi ko sya sa pagtulog, marami akong sinasabi sa kanya sa isip ko. Nangangako akong hindi nya ako makikitang maninigarilyo o umiinom hangga't kaya kong iwasan. Hinding-hindi ako mawawala sa tabi nya para i-celebrate ang mga milestones sa buhay nya, kahit gaano pa kaliit. Ililibot ko sya sa Pilipinas, at sa buong mundo. Hindi nya ako makikitang mababaon sa utang. Kung magkaproblema man kami ng mommy nya, o kung may mga hindi maiiwasang paghihirap sa pamilya, logic ang paiiralin namin at magfo-focus kami sa solution, hindi sa drama.

Dahil bilang "first love", gusto kong ako ang gagawin nyang standard sa kung ano ang magiging gusto nyang qualities ng boys. Dapat lahat ng magiging ka-relasyon, at ang mapapangasawa nya, matatapatan o mahihigitan ang mga nagawa ko para sa kanya.

Hindi ibinigay ang mga baby girl para magbalik-tanaw ang mga ama sa mga kalokohan nila noong nakaraan. Dumating sila na parang alarm clock ng buhay, na nagsasabing

"Pare, oras na. Become the man you're destined to be."

Thursday, June 12, 2008

Ang Tatay Na Nag-Angkas Ng Apat Na Anak Sa Isang Bisikleta

Biglaang napatigil yung sinasakyan kong jeep kanina na halos napasubsob ako sa kili-kili ng katabi ko. Nung nag-usyoso ako, nakita ko na ang dahilan ay ang pagkalaglag ng laman ng lunchbox ng isang grade 1 student sa tapat namin. Pagka-ayos ng bata sa lunchbox nya, di ako makapaniwala sa nakita ko. Apat silang magkakapatid, magkaka-height, at naka-angkas sila sa isang bulok na BMX-style na bike. Ang nagmamaneho ng bike ay isang payat na lalaki na sa unang tingin, maaalala mo si Theodore Bagwell (T-Bag) ng "Prison Break". Dito nagsimulang tumakbo ang iba't-ibang tanong sa isip ko.

 Tanong#1:  Apat na bata nakaangkas sa isang bike? Pano nangyari yun?

Ang objective: Kailangang makauwi ng magkakapatid.

Ang situation: Mataas ang araw dahil tanghali natatapos ang klase. 10 kilometers ang layo ng bahay nila sa school kaya hindi option ang paglalakad para sa mga bata. Pero wala silang pera para pamasahe. Wala ring pera ang tatay. Parang hopeless di ba? 

Pero nakahanap si tatay ng paraan. It's either kanila na yung bisikleta or hiniram nya yon para sunduin ang mga anak. Na-meet ang objective with very minimal resources. Napaka-action star ng dating. Well, more of stuntman kasi apat na bata ang angkas mo sa isang bisikleta. Pero kung titingnan mo, isa ito sa mga himalang dala ng pagiging ama. 

Kahit wala nang pag-asa, basta para sa mga anak, laging may paraan. 

Tanong#2: Teka, bakit yung tatay yung sumundo? Di ba dapat nagtatrabaho sya ngayon? Nasaan yung nanay?

Pwedeng walang trabaho si tatay kaya inutusan sya ni nanay na sunduin ang mga bata para may silbi naman sya. For the sake of sticking with the theme, maraming pwedeng speculation dito. Naglalaba si nanay or nagluluto sa bahay. Pwede ding si nanay na yung nagtatrabaho. Or wala na si nanay. Point is, reflection ito ng nagbabagong structure ng pamilya. Hindi na baduy ang pagkuha ng tatay ng responsibilities na nakasanayan na nating nanay ang gumagawa. (except breastfeeding siguro, eww)

Ngayon nga, parang mas cool na tingnan pag si tatay ang nagluluto, si tatay ang naggo-grocery at nagdadala ng kids sa mall, pati na rin ang pagsundo sa mga anak.

Sabi sa article na to, ang traditional roles or popular images ng mga tatay ay:
  • The Wallet: This father is preoccupied with providing financial support for his family. He may work long hours to bring home his paycheck and does not take an active part in caring for the children. Making money provides this father with a distraction from family involvement.
  • The Rock: This is a "tough" father - strict on discipline and in charge of the family. He may also believe that a good father remains emotionally distant from his children, so expressions of affection are taboo.
  • The Dagwood Bumstead: This father tries to be a "real pal" to his children, but his efforts are often clumsy or extreme. He doesn't understand his children and feels confused about what to do. He may also feel that he is not respected within the family.
These traditional stereotypes are now clashing with another image of a father:
  • The Caregiver: This father tries to combine toughness with tenderness. He enjoys his children but is not afraid to set firm but fair limits. He and his wife may cooperate in childrearing and homemaking.
Ang cool. Parang Sharon Cuneta na ang mga tatay ngayon. "I care about my job, Sir. I care about you."

Tanong#3: Eh pano kung ma-flat yung bisikleta?

Sigurado akong dinala ni tatay yung bisikleta dahil nga kailangang umuwi ng mga anak nya. Hindi sya prepared sa mga ganitong event dahil limited na nga ang resources kaya limited din ang planning. Wala syang pera, wala ring pera ang mga anak nya. May bisikleta, kaya bahala na. Basta makauwi.

Narito ang sampal ng reality sa mukha ng mga tatay. Ginagawa mo na ang lahat ng paraan, pero dahil sa mga circumstances na wala sa control mo, magmumukha kang tanga sa harap ng ibang tao, lalo na sa harap ng mga anak mo. 

Darating ka sa worst case scenario na sisihin ka ng mga anak mo kasi hindi sapat ang effort mo bilang ama. Siguro, lagi mong mapapanood sa mga telenobela yung ganitong drama:

Anak: "Wala ka nang time para sa kin, Dad. Puro ka na lang office. Wala ka nang inisip kundi ang trabaho mo!"

Tatay: "Pero, anak. Ginagawa ko ang lahat na to para sa yo. Para may panggastos ka sa mga pangangailangan mo."

Anak: "Pero dad, hindi ko kailangan ang pera mo. IKAW ang kailangan ko."

Bullshit. O sige papatulan ko tong drama na to ha. Let's say tumigil sa trabaho si tatay at binigay nya ang oras nya kay anak. 6 months later...

Anak: "Tay, may lakad kami ng mga kaibigan ko, pupunta sana kami ng Puerto Galera."

Tatay: "Anak, wala tayong pera. Di ba nga tumigil akong magtrabaho. Kailangan nating magtiis muna."

Anak: "Tiis, tiis, puro na lang tiis! Ayaw nyo ba akong maging maligaya? Minsan na nga lang ako lumabas kasama ang mga kaibigan ko, tapos eto, magtitiis pa rin ako? Anong klaseng magulang kayo?!"

(I rest my case, your honor. There's just no fricking way to please these fricking kids.)

Nakita ko ang hirap ng pagiging ama sa tatay na pinilit i-angkas sa isang bisikleta ang apat na anak. Naramdaman ko ang awa, pero naramdaman ko rin ang dangal para sa kapwa ama. Kanya-kanyang pagsubok ang hinaharap ng bilyun-bilyong tatay sa buong mundo, pero lahat ng mga pagsubok na ito ay hindi para sa sariling kapakanan.

Ano ang pinagkaiba ng pagiging "lalake" sa pagiging "tatay"? Simple lang.

PURPOSE.

Happy Fathers Day sa ating lahat! Kanpai!