Sunday, March 26, 2017

40 Years Old

Yehey! 40 years old na ako guys. You know what that means? Legit na makakapag-reklamo na ako na parang grumpy old tito! Woohooo!

Ang hirap na talagang sumulat. Bukod sa na-condition na ang utak ko to keep everything below 140 characters, I have to be relatable, lalo na kung gusto kong mabasa ng mas maraming tao ngayon.

Eh pano ba maging relatable? Matanda na ako e.

Dapat yata may ilagay akong hugot topic dito para mas maraming magbasa, pero tangina, I'm 40 years old. Hugot is fucking decades ago. Yung mga ka-age kong namomroblema sa lovelife e yung mga nakipaghiwalay na sa asawa at worried sa mangyayari sa mga anak nila.

Walang forever? Ulol. May forever sa sustento.


So there, true to my grumpy old tito mindset, napunta na agad ako sa Negatron mode kesa maging Optimist Prime. Yang Facebook at Twitter na yan kasi e!

Maglagay ka ng venue para makapag-express ang mga tao ng saloobin nila, bigyan mo ng ilang months, mapapasok na yan ng mga tanga. Naaalala nyo pa ba yung mga panahong ok na yung mag-post ng pagkain at picture ng sunset sa social media? Di ba ang saya non?

Minsan, gusto kong itanong sa mga nagpo-post ng opinion nila sa Facebook kung sino ang gusto nilang i-convince e. Kung gusto mong magpunta sa rally, go. Kung gusto mo akong isama sa rally mo, hell no. You say you want a revolution, well, you know, we all want to change the world.

"Change the world". Psh. Mental note: maghanap ng matinong kausap na mas matanda sa kin (like 20 years older) at i-confirm yung na-realize ko na the older you get, the world becomes more and more hopeless.

Noon, kapag may buntis o matandang sumakay sa bus or jeep, ibibigay mo agad ang upuan mo, no questions asked. Ngayon, ibibigay mo lang ang upuan mo pag may kumukuha ng video para maging viral ang kabutihang loob mo.

Dati-rati, expected na norm yung ibalik mo kung ano mang mapulot mo na hindi sa yo. Ngayon, tangina, headline ang tricycle driver na nagbalik ng bulok na cellphone sa may-ari.

Pero alam nyo, minsan, ang pinakamagandang bits of wisdom ay makukuha sa mga tricycle driver. May napanood na ba kayo sa news na nag-rally or nag-tigil pasada ang mga tricycle driver? Wala di ba? Mga tricycle driver kasi ang mga pinaka-chill na tao sa Pilipinas.

Minsan, nang naipit ako sa traffic at napakwento, di ko naiwasang itanong kay manong driver, "Kuya, wala ba kayong balak ibenta na lang tong tricycle nyo tapos ipang-down nyo sa kotse na pang-Uber?"

At parang isang ermitanyo, sinabi nya sa akin in a Manny Pacquiao voice:

"Ayoko kasi ng matutulog akong iniisip ko yung utang. Ok na tong tricycle ko. Nahahatid at nasusundo ko si misis tsaka mga anak ko. Nakakakain naman kami. May kaunting ipon, may pambili ng isang boteng Red Horse sa gabi."

Yown. That is the dream of every 40 year old man right there: Walang utang, may oras para sa pamilya, may ipon, at may pambili ng beer.

So, switch careers na to tricycles?

Gago ka ba? Mahal tuition ng mga anak ko e.

Thursday, April 28, 2016

Haters Gonna Hate

Galit na galit ako kay Kris Aquino.

Sa bahay namin, bawal bumili ng produktong ine-endorse nya, kahit gaano pa kasarap yung San Marino Corned Tuna, tsaka yung Chowking Lauriat or Halo-halo. Ngayong 2016 elections, in-endorse nya si Leni Robredo. Kaya yan, kahit gaano pa kaganda ang credentials ni Leni, hindi ko na sya iboboto. Ganun ako kagalit kay Krizzy.

Obvious naman sigurong hater ako ni Kris Aquino no? Pero sige, para lang humaba tong blog ko, tingnan natin yung symptoms ng pagiging hater:

Hater Symptom #1: Wala kang maisip na specific reason kung bakit galit ka sa kanya, pero asar na asar ka sa pagmumukha nya

Hindi pwedeng sabihing haters yung mga nagagalit sa gobyerno. Kasi nagbabayad ng income tax ang mga tao, tapos mapupunta lang sa bulsa ng pulitiko, or ine-neglect lang ng mga government agencies yung expected na serbisyo mula sa kanila. May dahilan para magalit.

Hindi mo rin pwedeng sabihing haters yung mga nagagalit kina Cristy Fermin or Jobert Sucaldito. May ginagawa naman talaga silang masama directly sa ibang tao to deserve all the hate. Naninira sila ng buhay ng mga naghahanapbuhay na mga artista through gossip. May special layer of hell para sa mga taong gumagawa-gawa ng kwento para sirain ang buhay ng ibang tao.

Pero eto, hindi naman kami magkakilala ni Kris Aquino. Wala naman syang ginagawa sa kin o sa kahit sinong kamag-anak ko. Pero tuwing makikita ko talaga ang pagmumukha nya sa TV or sa mga billboard, kumukulo ang dugo ko.

Symptom #1: CHECK

Hater Symptom #2: Sa tingin mo, mas magaganda ang mga magiging desisyon nya sa buhay pag ikaw ang nasa lugar nya

Hindi mo kasi pwedeng sabihin na "inggit ka lang" sa lahat ng haters e. Hindi naman ako naiinggit kasi sobrang mayaman si Kris at marami syang kaibigan. Hindi ako ganun kababaw.

Ito siguro ang pinaka-major-major attribute ng hater: kahit gaano pa kataas ang mga na-achieve mo, at gaano kahirap yung mga pinagdaanan mo sa buhay, tingin nila, magiging mas maganda ang buhay mo kung nakikinig ka lang sa mga desisyon nila para sa yo.

Eh ayaw nila sa mga ginawa mong desisyon sa buhay mo, kaya ayan, ayaw ka na rin nila.

Oo, tingin talaga nila mas magaling sila sa yo, kahit nakikigamit lang sila ng free wifi sa mall, umaasang i-retweet sila ng mga tina-tag nilang celebrities sa Twitter, at sumasali sa comments sa mga blind item ni Fashion Pulis.

Eto. Tingnan mo, anak si Kris ng dalawa sa most beloved figures in Philippine history: Cory Aquino, the housewife who toppled a dictatorship; Ninoy Aquino, the contemporary Filipino martyr. Yung kapatid nyang si Noynoy, naging pangulo ng bansa.

Pero sya... "Queen of all media"? Si Oprah Winfrey yun e. Ano pa ang notable achievements ni Kris? Kabit ni Philip Salvador? Massacre queen? Dida sa Pido Dida? Taklesa Queen? Host ng Pilipinas, Game KNB?

Kung ako siguro ang nasa lugar ni Kris, hindi ako maga-aksaya ng buhay ko sa showbiz at magpahawa ng STD kay Joey Marquez. Siguro naging lawyer na lang ako at nagpatuloy na ipaglaban ang mga naaapi. Siguro ginamit ko yung magandang pangalan ng Aquino para maging human rights activist at panagutin ang mga Marcos and all that shit.

Oh my gulay. I can be a better Kris Aquino than Kris Aquino herself.

Symptom #2: CHECK

Kaya ang tanong ngayon e, may lunas ba to? May dapat bang gawin si Kris Aquino para ma-convert ako from Kris hater to Kris love love love?

Ang sagot dyan e: WALA. Walang magagawa si Kris Aquino para mawala tong galit ko sa kanya, unless siguro ayusin nya ang buhay ni Bimby at gawin nyang mabuting lingkod-bayan ang anak nya kesa maging commercial model. See symptom #2.

Pero tingnan mo, may pakialam ba si Kris sa kin? Wala.

Nagbago ba sya para sa kin at sa milyun-milyong iba pang haters? Hindi.

Gagawa pa rin ba sya ng mga katangahang ikakagalit ko? Malamang.

Kung wala naman palang magagawa para mabago ang pag-iisip ng mga taong galit sa yo, pwede na bang mag-move on na tayo ng topic mula sa galit ko kay Kris Aquino at mag-focus sa kung ano ang pwedeng gawin pag may haters ka?

Yes please.

How To Deal With Haters. Written By A Hater.

1) Wag mo silang pansinin

Kung may mga haters ka, wag kang mag-resort sa pagpost ng mga quotes sa Instagram or Facebook na nagpaparinig sa kanila tulad nito


Ipaparamdam mo lang kasi sa kanila na ina-acknowledge mo ang presence nila. At pag alam nilang nage-exist sila sa mundo mo, ehh talagang mage-exist sila sa mundo mo. Every. Single. Day. Of your life.

2) Accept the fact that you can't please everybody. 

Sa mismong pagtimpla lang ng kape, iba-iba na ang mga tao, kung ilang teaspoon ang kape, asukal, cream, at kung gaano kainit ang tubig. Kaya nga dapat mong tanungin yung tao kung paano yung gusto nyang timpla ng kape bago mo sya gawin. Kasi magkaiba kayo. Hindi mo pwedeng ipilit na mas masarap yung style ng pagtimpla mo sa mga taong iba ang panlasa sa yo. Unless magsyota kayo or mag-asawa, ibang usapan na yon.

Ito ang dahilan kung bakit hindi binabago ni Zack Snyder ang portrayal ni Superman sa Man of Steel tsaka Batman v Superman. E sa gusto nyang tatanga-tanga si Superman, bakit ba? Kayo na lang kaya ang magsulat at mag-direct?

Pero Mr Snyder ...

3) Tanggapin mo rin paminsan-minsan ang mga criticisms na nakukuha mo 

Maraming klaseng criticisms, at siguro naman may mga kaibigan kang may sense kausap. Kung wala kang kaibigang may sense kausap, kasalanan mo na yon. Kapag sila na ang nagsabing mali ka, baka mamaya, mali ka naman talaga.

Tanggapin mo paminsan-minsan ang advice ng mga katiwa-tiwalang tao, baka mamaya tama naman ang sinasabi nila. Keywords here are "katiwa-tiwalang tao". Hindi naman siguro katiwa-tiwala para sa yo yung mga nagpaparinig sa Twitter. Hindi rin katiwa-tiwala yung mga katulad ni Cristy Fermin.

Lagi mong isipin na ang malaking difference between magandang feedback sa hater trolling comment ay ang pagkakakilala mo sa nagsabi nito.

4) Obstacles are what you see when you take your eyes off your goal

May sarili kang buhay. May sarili kang goals at objectives. Kung hindi naman kasali sa pag-achieve ng goals mo yung pagpatol sa mga nagagalit sa yo, bakit mo pa sila paga-aksayahan ng oras? Mas ok pang mag-aksaya ng oras sa panonood ng Home TV Shopping channel, baka may makuha ka pang tool don na magi-improve ng buhay mo.

Ang mga haters, walang ibang hinihintay yan kundi ang pagkakamali mo. Isang blunder mo lang, magtatalunan na sila sa tuwa. Isipin mo, tao ka lang at magkakamali ka rin eventually, kaya 100% sure na mapapasaya mo ang haters. Kaya mas madali na lang na gawin mo ang opposite ng ginagawa nila sa yo:

Kung gaano, sa tingin mo, sila kagalit sa yo, ganun mo mahalin ang sarili mo.

Love love love!


Wednesday, April 06, 2016

Mailbox ni Tito Ep 3 - Breaking Bad Edition

Dear Tito,

Meron po akong ka-batch na matagal ko nang di nakikita. Laking gulat ko nung makita ko ang mga FB pics nya... ang laking pinayat nya! In fairness nagiging active sya, pero sa tingin nyo po ba makakamit yung pinayat nya nang di gumagamit ng mamahaling 'mineral'? Salamat

- Lok Dinukdok




Dear Lok Dinukdok,

Parang ganito ba ang before and after pic nya? Kung oo, extra lang sa Walking Dead yang ka-batch mo.

Pag hindi naman, i-check mo rin sa mga signs and symptoms ng meth addiction kung tugma sa mga napapansin mo sa FB pics nya.


Nauuso ngayon ang tinatawag na "intermittent fasting". Yung isang kakilala ko, itago na lang natin sya sa pangalang "Little Lord Tentleroy of Tiaong Quezon", 18 hours a day hindi kumakain. Tapos dun sa 6 hour window na pwede syang lumamon, hindi pa sya gaanong nagc-carbs at fats.

Kaya ayun, posible nga na pumayat na mukhang nagsha-shabu pero hindi nasasabaw ang utak mo. Tingin ko, mas ok na yun kesa hindi ka nagsha-shabu, pero sabaw naman ang utak mo. Specifically, sabaw ng cup noodles






Tuesday, April 05, 2016

Mailbox ni Tito, Episode 2 - The Tita and The Millenial

Maraming salamat sa mga nag-post ng tanong sa ask.fm account ko. Click nyo na lang to kung na-miss nyo yung Episode 1.

Alright, double header tayo ngayon!

Ang unang tanong ay galing kay "Tita of Manila". Sabi nya,

Dear Tito,

Hindi kita pwedeng maging tito kasi halos magka-age lang tayo. Ang question ko ay ito: bakit po kahit matanda na ako, naa-addict pa rin ako sa mga tweetums na Korean/Japan rom-com tsaka sa mga loveteams tulad ng AlDub at JaDine? Hindi ba ako masaya sa buhay ko? Salamat po!  

Tita of Manila



Dear Tita of Manila,

Salamat sa iyong napakagandang tanong. Nais kong simulan ang sagot ko sa quote ng isang sikat na pilosopo ng UP Los Banos noong dekada 90:

"Life is too serious to be taken seriously" - Catalino Pineda Jr., 1996

Kung halos magka-age tayo, tapos tita ka pa, malamang minimum 12 hours ng araw mo ang dedicated sa trabaho (sana lang e kasama na dyan sa 12 hours yung biyahe papunta at pauwi ng opisina). Kung may anak ka, minimum 3 hours sa pagtulong sa homework at review, isang anak pa lang yan. Tapos magluluto ka pa. Congrats na lang kung kumpletong 8 hours ang tulog mo.

Pagdating ng weekend, maglalaba ka, maglilinis ka ng bahay, magpa-plantsa, maggo-grocery ulit. Magugulat ka na lang, Lunes na ulit kinabukasan.

Pero hindi ibig sabihin nito na hindi ka masaya sa buhay mo. Hindi ka ba masaya pag chinecheck mo yung bank account mo pagpasok ng sweldo? Hindi ka ba masaya pag nakita mong nag-improve yung grades ng anak mo sa report card? Hindi ka ba masaya pag nagpasalamat sa yo ang mga kasama mo sa bahay kasi napakahusay mong mag-alaga?

Nakaka-burnout ang routine, kaya kailangan mong tumakas paminsan-minsan. Dito papasok yang bisyo mong panonood ng Korean/Japanese drama at pagkahumaling sa mga loveteam. Walang pinagkaiba yan sa pagbabasa ng libro, paglalaro ng basketball, pa-foot spa + pedicure, pagco-cosplay ng anime characters, tsaka pakikipag-chismisan sa mga kumare.

Para sa ibang tao, "escapism" ang tawag dito. Sa kin, ayokong tawaging "escape". Sabihin mo na lang na nagre-recharge ka. Pagbigyan mo yung sarili mo ng oras na makakalimutan mo ang mga responsibilidad mo sa buhay, para pag nag-back to reality ka, parang renewed yung sense of commitment mo.

TL;DR Nakaka-low batt ang real world, tama lang na magpakilig para mag-recharge. 👍

Teka, kain muna ako


Ang second question natin ay galing kay "MillenialProblems008". Sabi nya,

Dear Tito, 

More than one year na 'kong nagwowork pero hirap pa rin ako makaipon. Pano po ba makakatipid at makakapag-carpe diem at the same time? 

Yours truly,
MillenialProblems008 

Dear MillenialProblems008,

Malamang kaya ka hindi makaipon e dahil sa pagca-carpe diem mo.

Let's take a step back. Sa mga nagbabasa nito na hindi alam ang "carpe diem", ito ay Latin for "seize the day", or in Millenial terms, "#YOLO". Sumikat ang carpe diem noong lumabas ang movie ni Robin Williams na Dead Poets Society noong 1989. Siguro, dahil ma-appeal ang instant gratification sa mga kabataan, yung "seize the day" lang ang naging key takeaway sa buong quote. Pero sa totoo, ang buong sinabi ng character ni Robin Williams e:

"Carpe, carpe diem, seize the day boys, make your lives extraordinary."

Ayan ha, malinaw. Hindi "make your day extraordinary" kundi "make your lives extraordinary".

To answer your question,

Para makatipid:

1) Unang-una at pinakamahalaga, do your best to increase your income.

Maghanap ka ng mas mataas na sahod, maglagay ka ng pera sa investments na mas mataas ang rate kesa deposit accounts. Wag kang magbayad ng income tax LOL.

2) Kung wala ka nang ibang maisip na pangdagdag ng income, then live below your means.

Importante dito na maging mantra mo ang "SAVINGS BEFORE EXPENSES". Pagka-sweldo mo, itabi mo na agad ang 10-20 percent ng income mo. Ilagay mo sa isang bank account na hindi mo basta-basta magagalaw. Tapos yung matitira, yun na ang panggastos mo.

Di ko naman sinasabing magpaka-batang hamog ka sa hirap. Pwede ka namang mag-Starbucks kung masarap naman talaga yung kape dun para sa yo, pero dapat magsakripisyo ka ng ibang expenses, tulad ng pag-iwas sa restaurant lunch and dinner.

3) Record your expenses.

Sobrang daming pagpipilian sa mga nagkalat na expense tracker at personal finance apps sa iOS App Store, Google Play, tsaka Microsoft Store. Kung ayaw mo namang gumamit ng app sa phone, pero marunong kang gumamit ng Microsoft Excel or Google Spreadsheet, napakadali pa ring mag-record ng gastos. Apat na column lang:

a. Date - araw ng gastos
b. Category - anong klaseng gastos (rent, transpo, bisyo, etc)
c. Description - kung ano ang gastos
d. Amount - magkano ang ginastos

Kapag naging habit mo magrecord ng expenses, pwede mo nang aralin kung saan napupunta ang pera mo. At pag alam mo na kung saan napupunta ang pera mo, malalaman mo na kung ano ang dapat mong itigil o bawasan para makatipid.

For the "carpe diem" part:

1) Ano ba muna ang sagot mo sa tanong na "how can you make your life extraordinary?"

Sagutin mo muna yan bago ka magplano ng kung anu-ano. Pwedeng "travel with family", "take up culinary arts", "learn piano", etc. Kung ano man yang sagot mo, siguradong dagdag gastos yan.

2) Mag-set ka ng SMART goal, SMART - Simple, Measurable, Attainable, Relevant, Time-bound.

Pag na-finalize mo na yung total na gastos para sa goal na to, i-divide mo sa kung gaano karaming buwan mo balak pag-ipunan. Tandaan mo, hiwalay pa to dun sa 10-20 percent na sinabi ko kanina.

For example, ang SMART goal mo e "3D2N Bora Trip with BebehKuoH 1 year from today"

Round trip plane fare -> 4000 x 2 = 8000
Chipipay na Hotel 3D2N stay -> 6000
Food/Drinks/Souvenirs -> 4000
Total = 18000
Divided by 12 months = 1500
Divided by 30 days = 50

O yan, isipin mo, kung may 50 pesos a day ka na matitipid, in 1 year, may Bora trip na kayo ni BebehKuoH.

TL;DR Magtipid araw-araw, planuhin lahat ng gastos, while making your life extraordinary 👍

That's all for today, folks. Kung may nais kayong itanong, maari po lamang na i-click ang link na ito

https://ask.fm/tabachoi93

Mailbox Ni Tito, Episode 1

Para maiba naman, nagbukas ako ng ask.fm account kung may nais kayong itanong sa akin at bigyan ko ng advice.




At ang buena manong nagtanong ay si:


Ang sabi nya ay:
Dear Tito,  
Nagwo-work po ako sa isang multinational IT company. My question is this: How to best handle ineptitude within your work peers? a.k.a antatanga ng mga ka team ko  
Thank you, 
Pado Xalien 

Salamat sa iyong tanong, Pado Xalien.

May kasabihan tayo: ang mataba, pwede pang pumayat. Ang panget, basta may pera, gumaganda. Pero ang tanga, walang nang lunas yan.

Depende sa ratio ng tanga sa matinong kausap sa team mo ang dapat na reaction. Kung less than 25%, maging matulungin ka sa mga napagkaitan ng talinong ito. Kung 50%, bumarkada ka na lang sa mga kauri mo at pagtawanan sila tuwing lunch break.

Kung 75% or more ang tanga sa team mo, aba e di maghari-harian ka. Kumbaga ikaw yung kaisa-isang duling sa island ng mga bulag.

Pero since office setting to, importanteng ma-convert to cash yang angking talino mo. I-cc mo ang boss mo sa lahat ng kawang-gawa este communication mo sa mga commonsensically challenged teammates na yan. Laging tandaan na documented dapat ang lahat ng bibo moves sa office.

TL;DR Wala ka nang magagawa sa tanga, pagkakitaan mo na lang 👍

Wednesday, March 30, 2016

39 Chicken Nuggets of Advice

Noong una, ginawa ko lang tong blog na to para repository ng mga na-submit kong articles sa Peyups.com bago tuluyang mawala yung site. Tapos, naging outlet sya ng mga reklamo ko sa buhay, at eventually naging storage na sya ng wisdom na gusto kong iwan sa mundo.

Kakatapos lang ng 39th birthday ko, at nari-realize ko na kapag umaabot ka na pala sa ganitong edad, feeling mo nabigay mo na ang lahat ng kailangan mong ibigay na advice. Ang hirap na tuloy sumulat kasi feeling ko paulit-ulit na lang ang sinasabi ko, parang yung tito mong nalasing sa family reunion.

Buti na lang tumugtog sa Spotify yung spoken word song na "Everybody's Free (To Wear Sunscreen)" ni Baz Luhrmann. Sabi nya:

Advice is a form of nostalgia,
Dispensing it is a way of fishing the past from the disposal,
Wiping it off, painting over the ugly parts,
And recycling it for more than it's worth 

Alright, salamat Baz. Tama. Imbis na maghintay ako ng epiphany habang tinutubuan ng ugat ang pwet sa traffic, magre-recycle na lang siguro ako ng mga experiences ko for the past year at i-repackage ko sya as nuggets of wisdom. Mmmm, nuggets.

(cue ambient/chillout/chillwave electronic beat...)

1. Walang point i-please ang mga taong alam mong ayaw sa yo. It's never your responsibility to give up who you are for anybody or anything

2. Floss! Totoo yung sinasabi ng commercial ng Colgate tungkol sa cavities. Pero hindi makukuha sa toothbrush at toothpaste yon. Wag na wag mong kalimutang mag-floss. Tooth extraction is a bitch.

3. Ang noise-canceling earphones ay effective na panlaban sa mga sumusunod: mga nagp-preach sa bus, elevator na puno ng mga call center agents, at saleslady ng brief at medyas sa SM Department Store.

4. Kung nase-stress ka sa mga walang kwentang balita tulad ng patayan, holdapan, at banggaan ng mga bus at truck, try mo yung 9 PM news sa ANC (The World Tonight) or GMA News TV (State of the Nation). Matino rin ang 6 PM news sa CNN Philippines.

5. Mahirap mag-alaga ng magulang lalo na kapag wala silang naipon kasi nagtrabaho sila para sa pagpapa-aral mo. Kaya wag kang maging burden sa mga anak mo, mag-ipon ka na ngayon.

6. Kung nagpapapayat ka at nagbibilang ng calories, try mo magtira ng "happiness calories". Parang "cheat meal" pero required na may kasama kang family or friends. Payat ka nga, di ka naman masaya, wala rin.

7. Ang stock market ay hindi magic wand na sagot sa mababang interest rates ng deposit accounts at bonds. Kung wala kang tiyagang mag-aral ng technical at fundamental analysis, mag-mutual fund ka na lang

8. Mas masarap ang brewed coffee sa Dunkin Donuts or 7-11 kesa Starbucks. Mas masarap na, mas mura pa.

9. Kung hindi mo gusto ang HMO/health card ng kumpanya nyo, ipatigil mo na ang card mo. Maraming alternatives jan sa labas na mas maganda ang coverage. Mag-research ka na lang.

10. Kung kaya mong isa-isahin ang sa tingin mo ay mga mali sa Pilipinas, dapat kaya mo ring isa-isahin kung anong babaguhin mo sa sarili mo para maayos ang bansa.

11. Ilagay mo na ang birthday mo sa Facebook. Wag ka nang magpa-hard to get at mag-drama ng "mga totoong kaibigan ko lang ang may alam ng birthday ko". Kahit mga true friends mo, may tendency na makalimutan ang birthday ng magulang, asawa, or anak nila. Birthday mo pa kaya?

12. I-upload mo sa YouTube lahat ng phone videos mo, i-set ang privacy ng video as "Unlisted", tapos i-categorize mo sa kanya-kanyang unlisted YouTube playlist. Kahit saan ka pumunta, maa-access mo na ang memories mo.

13. Minsan kapag nasasabi mong "you can't choose your parents", isipin mo rin kung sinasabi rin yan ng mga anak mo tungkol sa yo.

14. Ang pagpapapayat ay hindi diet OR exercise. It is always diet AND exercise.

15. Wag pumasok sa business kung sabungero ang magiging partner mo

16. Ang tunay na "keeping in touch" ay hindi pag-like ng bawat post ng kakilala mo sa Facebook. I-click mo yung name nya sa chat box at i-type ang "kumusta ka na?"

17. Kung hindi mo gusto ang isang comment sa Facebook or Instagram mo, imbis na patulan mo yung tao, i-delete mo na lang yung comment. Pwede ring i-block mo yung tao or ilagay sa "Restricted". Hindi mo maiiwasang magkaroon ng epal at nagmamarunong sa contacts mo, pero pwede mo namang ilagay sila sa tamang lugar.

18. Immediately after nyong mag-away ng asawa mo, bumalik ka dun sa panahong nag-decide ka na sya ang gusto mong pakasalan. Sigurado akong magso-sorry ka sa kanya kahit na ikaw ang may kasalanan.

19. Malalaman mo ang tunay na quality ng graduates ng kumpanya nyo sa linis ng pantry at banyo kapag walang janitor. Clean as you go.

20. Mas konti ang tao sa mall kapag ang date ay 13, 14, 28, at 29, unless matapat ang mga dates na to sa weekend. Marami pa rin kasing 15 at 30 ang sweldo, at tendency talaga ng mga Pinoy maging ubos biyaya kapag nakahawak ng pera.

21. Investment ang pet vaccine. Kung gumagastos ka sa travel para matanggal ang stress mo sa buhay, gumastos ka rin sa bakuna ng alaga mo, kasi sila ang pinakamalapit mong pangtanggal stress

22. Sa Twitter, gumawa ka ng mga list, tapos bawat fina-follow mo, i-mute mo tapos i-add mo sa isang list kung saan sya bagay. Tapos sa desktop/mobile browser, maglagay ng bookmark sa bawat list na nagawa mo. Mas magiging malinis ang Twitter experience mo ngayon.

23. Hindi na dapat dine-deprive ang mga bata ng bagong technology, dahil pag alam mo na kung paano nila ginagamit madalas ang tech na to, malalaman mo kung paano ito magagamit as leverage sa pagdi-disiplina sa kanila. Plus, pagtanda nila, gagawin mo rin naman silang tech support kapag ikaw na yung naninibago sa advancements.

24. Mas marami nang namamatay dahil kulang sa tulog kesa dahil sa sobrang kain

25. Kapag lumabas na sa credit card bill mo yung annual fee, try mong tumawag sa customer service para ipa-waive yun

26. Subukan mong i-limit sa 15 ang mga kaibigan na ka-close mo. Hindi necessarily galing lahat sa iisang circle. Pwedeng isa hanggang tatlo per circle of friends. Choose wisely. The less people you chill with, the less bullshit you deal with.

27. Laging maghintay ng 5 minutes kapag may surge sa Uber. After 5 minutes, kapag hindi bumaba ang surge, legit na surge yon, hindi "scam".

28. Kapag may mangungutang sa yo at nangangakong babayaran ka kinabukasan with 20% interest, wag mong pautangin. Malamang shabu addict yan.

29. Hindi enough ang pag-set lang ng rules sa mga bata. Kailangang i-explain kung bakit ganun ang rule at ano ang made-develop nilang virtue pag sumunod sila dun.

30. Subukan mong magkaroon ulit ng diary. Hindi necessarily blog, diary lang ng mga nangyari sa yo during the day, na hindi open to the public tulad ng tweets mo. Mag-install ng kahit anong app na pwede mong lagyan ng notes at ma-store ito sa cloud tulad ng Evernote, OneNote, Google Keep, or Apple Notes. Tapos gumawa ka ng entry habang nasa biyahe.

31. Kung mas gusto mo ang day shift, maghanap ka ng kumpanya na sumasabay sa Australian time. Kadalasan ay 6am to 3pm Mondays to Fridays ang work sked nito. Saktong iwas sa traffic sa umaga, pwede pang mag-gym at mag-2 bottles with friends sa gabi.

32. Bago mo i-share ang isang article, check mo muna ang source. Kung may i-share kang balita na magugunaw na ang mundo sa 2017, at ang source mo ay end-of-the-world.com, isa kang tanga.

33. Wag kang sumali ng mga fun run para maging fit, rather, maging fit ka muna bago ka sumali sa mga fun run. Kawawa ang tuhod mo.

34. Kung may ATM card ka para sa payroll account mo, mag-enroll ka pa ng isang ATM deposit account sa same bank. Itago mo sa bahay yung payroll ATM, tapos mag-transfer ka na lang ng weekly budget mo dun sa isang card. Kung mabiktima ka man ng skimming device, barya lang ang makukuha sa yo ng hacker.

35. Mas marami kang mapupulot na aral sa 20 minutes per episode ng sports anime tulad ng Kuroko No Basuke, Haikyuu, at Diamond No Ace kesa sa 30 minutes per episode ng mga primetime teleserye

36. Sabi sa kin ng doktor ni erpats nung naospital sya, kapag nagyosi ka at one point in your life, siguradong magkakaroon ka ng chronic obstructive pulmonary disease pagtanda mo (complications ng COPD yung ikinamatay ni Dolphy). Minimum 3000 pesos per month ang gastos sa gamot, kaya kung nagyoyosi ka, mag-ipon ka na.

37. Sumali o gumawa ka ng Facebook messenger or Viber group ng circle of friends mo, at subukang humirit o mangumusta sa kanila araw-araw. Yung mga pino-post mong kalokohan sa Facebook or Twitter, dun mo sa group chat i-post.

38. Bago ka mag-iwan ng opinyon sa kahit anong pwedeng lagyan ng comment sa internet, tanungin mo muna ang sarili mo kung aandar ba papunta sa tamang direksyon ang usapan, o naga-aksaya ka lang ng oras mo at oras ng ibang tao?

39. I-trato mo lahat ng mga may hinihingi o may kailangan sa yo na para kang cashier sa fast food. Respect begets respect.

Kung wala kang napulot na matinong advice sa mga pinagsasasabi ko, ire-refer na lang kita sa inspiration ng blog na to. Sa tingin ko, mas masarap namnamin ang nuggets nito:


Saturday, March 19, 2016

Bigyan ng Award!

Natutuwa ako tuwing March at April dahil may mga nagpo-post na ng mga pictures ng mga anak nilang umaakyat sa stage at naga-accept ng award. Isang warm and truly honest "I am so happy for you and your child" feeling ang nararamdaman ko tuwing may nakikitang parent na nagsasabit ng medal or naga-abot ng certificate of recognition sa anak.

Sorry sa mga tatamaan, pero lately, nainis ako kasi may nakita akong nag-post ng award ng anak nila, with caption "we're so proud of you" pero walang hashtag blessed:

"9th Honorable Mention"

Seryoso? Meron nang 9th Honorable Mention? Technically, 12th place ang 9th honorable mention kasi may gold, silver, at bronze medal, tapos plus 9. So 12th place. May award ang 12th place?! Langya. Sa mga raffle nga, ang 12th prize malamang e mousepad ng CDR-King. Ikaw ba, sa mga kaibigan mo, may kakilala kang naging 9th honorable mention? Ilalagay mo ba yan sa resumé?

Kailan nagsimulang naging cause for celebration ang mediocrity?

Ayokong maging hypocrite, dahil on a smaller scale, guilty rin naman ako sa ganito. Kapag walang line of 7 ang anak ko sa card, tini-treat ko sya. Sinasabi kong "I'm happy that you didn't get a line of 7". Maka-82 lang sa Filipino yung teenager kong inglisero, tatalon na ko sa tuwa. Kapag naglinis ng kwarto yung 9-year old ko, instant jaw-drop compliment na "wow ang galing!". Well, in defense, magaling naman talaga kung iisipin mo kasi 9 years old na lalake tapos nagkusang-loob na maglinis ng kwarto. Pupusta ako, hindi na mangyayari to pag teenager na sya.

Palibhasa kasi, noong bata ako, walang ibang cause for celebration kundi top 1. Pag hindi ako nag-top sa klase, wala lang. Naaalala ko yung kaisa-isang beses na naging top 1 ako sa class for 1 quarter. Nagpabili ako sa nanay ko ng plaka ni Lionel Richie at Menudo (vinyl daw sabi ng mga kids ngayon. tangina nyo plaka tawag namin dito). Yun na ang una at huling celebration na natatandaan ko, at hinding-hindi ko makakalimutan yung saya na makinig sa "Hold Me" ng Menudo. Kasi pinaghirapan ko yon.

 Oo pinaghirapan ko yan. Bad trip. Hahaha


Jump muna tayo sandali ng topic, pero sobrang related. Alam nyo ba na ang pinaka-effective na icebreaker ngayon pag may kausap kang Generation X (people with birth dates ranging from the early 1960s to the early 1980s) ay ang tanong na:

"Kumusta ang Millenials sa workplace nyo?"

Grabe. Alam nyo ba na kahit gaano karami na ang mga nakausap ko na ginamitan ng ganitong icebreaker, pare-pareho sila ng reaction?
  • "Average tenure is 2 years"
  • "Spoiled brats"
  • "Gusto nila, boss na agad sila"
  • "Self-entitled"
  • "Parang lahat ng gawin nila, kahit mag-print lang ng isang page... dapat may award"
AAAND we're back to topic.

Dear Gen X'er na nagbabasa nito na nagrereklamo sa mga Millenials,

Noong bata ka pa, malamang wala kang nakuhang award sa school. Noong ikaw na ang nagka-anak, lagi mong sinasabi sa sarili mong "gusto kong iparanas sa mga anak ko ang hindi ko naranasan nung bata pa ako," kaya kahit na 9th honorable mention, proud na proud ka na sa anak mo.
Ngayon, napupuno na ang mundo ng mga self-entitled spoiled brats, huwag kang magalit. 
Because it's all your fault.

Nagmamahal, kapwa Gen X'er

Naisip ko lang, kung yung mga Generation X nagrereklamo na sa pagka-"self-entitled" ng mga Millenials, ano na kaya ang susunod na generation?

To answer this, ngayong mga Millenials na ang mga nagkaka-anak, puntahan natin ang mga preschool "moving up" awards that aim to give the kids a "positive view of themselves":


Obligasyon mo ang pag-share sa kapwa. Hindi kailangan ng award.

Kahit hindi ka Perfect Attendance, CONGRATULATIONS!!!

Uhm...
 Holy crap.


Tuesday, December 29, 2015

Paalam muna, Facebook

Habang papalapit na ang bagong taon ng 2016, iniisip ko kung kakayanin kong mag-log off sa social media, particularly Facebook. Nakuha ko ang idea na to nang "nagpaalam" si Ed Sheeran sa social media via Instagram:

Obvious namang PR move to para sa next album nya, pero kahit paano, tinamaan ako sa mga salitang "... I find myself seeing the world through a screen and not my eyes.."

Marami namang perks ang social media. Isa sa pinakamaganda: lahat ng pictures ng pamilya at kaibigan, nasa "cloud" na. Sa dinami-dami ng baha na dumaan sa bahay namin, dito ako nagpapasalamat, dahil hindi na aabutin ng baha ang pictures sa  cloud (pun intended hahaha)

Pero lately, napapansin kong kung kailan dumating ang technology na madaling nagko-connect sa akin at sa mga kakilala ko, saka pa kami lalong napapalayo sa isa't-isa.

Sa mga reunion at get-together na pinuntahan ko last Christmas, napansin kong nagiging awkward at redundant na ang mga face-to-face conversations with friends and family, dahil lahat na ng updates, nasa social media na.

May naging conversation na ba kayong parang ganito?
Ako: "Uy tol, kumusta na anak mo?"
Siya: "Ayun, top 10 ulit sa klase"
Extra: "Ay oo nga nakita ko pinost mo sa Facebook, ang galing nya. Tapos ang galing pa sa basketball!"

Kasalanan na ata ngayon ang mangumusta kasi halatang hindi ka nagbabasa ng Facebook feed ng mga kaibigan mo. 

May nakatabi kaming table sa isang buffet, hindi nag-uusap ang mga tao, nakatutok lang sa phone. May humirit ng "o picture naman!" at pagkatapos ng picture, may nagsabi ng "oy tag mo ko ha?" tapos balik na sila ulit sa mga telepono nila. Ganito ba ang behind-the-scenes ng mga get-together pics nyo?

Ang pinaka-malala at ang pinaka-ayaw kong effect ng Facebook sa akin ay ang paghihintay ng Likes (Reactions na daw ngayon). Noong una, wala akong pakialam sa Likes. Tumagal naman ang blog na to na wala akong pakialam sa dami ng hits. E di sana tinadtad ko ng ads to, di ba? Sa akin, mai-share ko lang sa mundo ang thoughts ko, masaya na ako.

Paglipas ng panahon, para na akong pusa na hinihimas sa tenga sa bawat Like na matatanggap ng post ko. Unti-unti na akong na-addict sa recognition. Imbis na mag-isip ako ng magandang blog post na maaring magbago ng buhay ng ibang tao, mas concerned na ako sa pag-iisip ng witty one-liner na kukuha ng maraming Likes.

Kaya, paalam muna, Facebook. Hanggang kailan? Si Ed Sheeran, hanggang Autumn 2016 daw mawawala. Ako, hindi ko alam. Kung addiction to, pwedeng-pwede akong mag-relapse. Magche-check pa rin ako ng notifications at event invites. Hindi naman ako mago-offline sa Messenger.

Sa Instagram na lang muna ako siguro magpo-post, kasi kailangan ko pa ring maglagay ng photos sa cloud.

See you soon! 

TLDR para sa mga millenials na may attention span ng goldfish: 
Dahil sa Facebook, imbis na gumanda ang relationship sa ibang tao, lalo tayong nagiging self-centered. Na-addict ako sa vanity, at gusto ko nang mag-"rehab" by logging off.

Thursday, July 09, 2015

Tanders Club of Manila

Last April 28, 2015 ang aking official induction sa Tanders Club of Manila. Nahilo ako sa opisina, at may kakaiba akong naramdaman sa may bandang batok ko. Kinabahan na ako at nagpahatid na sa emergency room ng Medical City. Sa hospital triage, kinuha nila yung vitals, at BAMMMMMM

185/110 daw yung blood pressure ko.

Sa mga walang idea, 90/60 - 120/80 yung normal na blood pressure. 140/90 ang borderline. Lately ko lang nalaman na may chance na pala akong magka-stroke sa taas ng BP ko na yun.

Natawa pa ako nung umpisa at napa-react pa ako ng "seryoso ba yan?" sa nurse na kumuha ng vitals ko. Nung nilabas na nila yung wheelchair para isakay ako, napalitan na ng takot yung tawa ko.


Kita nyo yung pic? Nakapagpahinga na ako nyan, pero 177/103 pa rin yung BP ko.

So, binigyan ako ng doctor sa emergency room ng blood pressure meds for 2 weeks at sabi nya, kailangan ko na raw mag-consult sa cardiologist. After 14 days, dumaan ako sa "Tanders Club Cardio Checkup Package" (urine & blood test, ECG, chest x-ray, 2D echogram, treadmill stress test). Paglabas ng results, ganito yung naging gist ng usapan namin ng cardiologist:

Doc: "Sir, normal naman po kayo sa lahat, except yung weight at sa liver ninyo. Kailangan nyo nang magpapayat at tumigil sa pag-inom."
Ako: "ANO? Doc, pwede bang magpapayat na lang muna, saka ko na tigilan yung alak?"
Doc: "Kayo po bahala, ang sinasabi ko lang eh delikado na yung level ng uric acid sa liver nyo at kailangan nyo nang mag-abstain."
Ako: "Ok po. Ano pong mga pagkain ang kailangan kong iwasan?"
Doc: "Sir, matanda na po kayo para malaman kung ano yung bawal para sa inyo"

(Opo, Verbatim po yung last line. Dapat pag member ka na ng Tanders Club of Manila, tanggap mo ang pagka-tanders mo. Bawal ang in denial.)

Binigyan na ako ng doktor ng go signal para mag-exercise, at sinabi nyang wag munang mag-gamot, na baka madaan pa sa lifestyle change. I-note ko daw ang blood pressure ko pagkagising at bago matulog. Itatanong ko pa dapat kung may ibibigay syang membership ID sa kin para sa Tanders Club of Manila, pero baka saksakin pa nya ako ng scalpel, mahirap na.

Madaling sabihin ang mga salitang "lifestyle change", pero putangina pramis, ang hirap gawin. So far eto pa lang ang mga ginagawa ko:

Exercise:
Bumili ako ng matinong backpack, yung ginagamit na ng mga biker at mountaineer, yung may raincover. Bumili na rin ako ng bagong sports earphones. Imbis na gumastos sa gym, naglalakad na lang ako every Mon-Wed-Fri night papunta sa office at Tue-Thu-Sat morning pabalik ng bahay (panggabi kasi ako). 9 kilometers from Pasig to Makati, 9 km din pabalik.

I call this my "Taong Grasa Cardio Workout".




Progress Tracking:
Nag-install ako sa telepono ko ng Runkeeper para ma-track ang aking Taong Grasa activities. Nag-install rin ako ng MyFitnessPal para ma-track ang kinakain ko, at Withings Health Mate para ma-store ang weight and blood pressure readings.


Diet:
As much as possible, umiiwas na ako sa rice at sa maaalat na pagkain. Di naman ako ipokrito. Kung ikamamatay ko ang sobrang rice at sobrang asin, mas maaga yata akong mamamatay kung hindi na ako magkakanin at hindi na ako kakain ng binagoongang baboy. Kalokohan yon.


Inom:
Umiinom pa rin ako, pero once a month na lang, at madadagdagan pa depende sa dami ng nagce-celebrate ng birthday nila sa buwan na yon.

At ang pinaka-importante sa lahat,

Stress:
  • Hindi na ako nagta-taxi, Uber car na lang ang ginagamit ko. Sa Uber, hindi na ako natatakot kung holdaper o hindi yung driver ko. Hindi ko na kailangang makipagtalo kung saan dapat dumaan. Hindi ko na rin problema yung bayad kasi icha-charge na lang sa credit card ko. Walang hassle, walang stress.
  • Pag sasakay ng jeep or bus, nakikinig na lang ako kay Ella Fitzgerald, Louis Armstrong, Frank Sinatra, at John Coltrane habang nasa byahe. Subukan mo to, siguradong magugulat ka sa soothing effect ng boses ni Lady Ella habang nasa EDSA traffic.
  • Sa trabaho, hindi naman maiiwasan ang stress, pero sa tuwing dumarating ang panahon na kumukulo na ang dugo ko sa galit, pupunta ako sa banyo para mag-toothbrush. Simpleng-simple pero effective na stress reliever ang pagsisipilyo para sa kin.
  • Naglinis ako ng social media:
    • Sa Twitter, nag-pigeonhole ako ng mga fina-follow ko sa kani-kanilang nilang lists. Hindi ko naman kasi kailangang basahin lahat ng brain farts nila sa bawat pag-refresh ko ng feed ko.
    • Sa Instagram, in-unfollow ko na yung mga taong puro "look at me, my life is better than yours" pics
    • Sa Facebook, 
      • nag-unfollow ako ng mga taong walang ibang pino-post kundi reklamo sa mundo.
      • nag-unfollow na rin ako ng mga ubod ng yabang
      • in-unfollow ko na rin yung mga panay ang selfie na hindi ko naman gusto ang pagmumukha
      • tinanggal ko na yung Rappler, Inquirer, GMA News, ABS-CBN News, at Interaksyon sa feed ko. Sa 6 pm news na lang ng CNN Philippines ako kumukuha ng balita
  • Ang kalaban mo lang naman sa social media ay ang FOMO or Fear Of Missing Out, kaya imbis na mag-aksaya ng oras sa Facebook, nakikipag-daldalan na lang ako sa mga kaibigan ko sa Viber group namin. Hindi mo na kailangang mag-refresh nang mag-refresh dahil kusang dadating sa yo ang kwentuhan, therefore, walang mami-miss out. Isa pang malaking difference: sa Facebook, maraming judgmental na lurker. Sa Viber, alam mo nang judgmental yung mga kausap mo, pero since magkakaibigan naman kayo, masaya ang kwentuhan.


Malayo pa ako sa ideal weight at ideal waistline. Maraming kilo pang steamed fish ang kakainin at marami pang taong grasa activities ang kailangan kong gawin. Dahil sa taong grasa activities, hindi nakakain ng exercise ang oras ko para sa pamilya. Hindi rin araw-araw ang pag-commute. Mas nama-manage ko na nang mabuti ang stress sa work. Mas masaya pa ako ngayon dahil hindi natatapos ang araw na hindi kami nagkakatawanan ng mga kaibigan ko.

And so here I am, a proud member of the Tanders Club of Manila. 73 days after ng pagsugod sa akin sa E.R., and 65 days after ng last intake ko ng blood pressure meds:










Friday, April 10, 2015

Si Kuyang Uber Driver Mula Sa Tacloban

Kumuha ako ng Uber para ihatid ako pauwi galing sa opisina kanina. Pagsakay ko ng kotse at pagkasabi ko ng destination namin, sinabi ng driver sa akin,  

"Ser, paki-guide na lang po ako. Bago lang kasi ako dito sa Maynila."

"Sige po Kuya, no problem. Saan po ba kayo galing?"

"Tacloban po, ser."

Napatigil ako. Naramdaman rin siguro ni Kuyang Driver na may gusto akong itanong sa kanya pero nagdadalawang-isip ako. Itinanong ko na rin, at nalaman kong kabilang ang pamilya nya sa mga na-displace ng bagyong Yolanda. Kasama nyang lumipat dito ang kanyang asawa, 9-year old na anak, at kanyang ina. Wala naman daw namatay sa pamilya nila.

Sinimulan nyang ikwento sa kin kung paano nya niligtas yung mag-ina nya.

"Ser, nung huli, wala ka na talagang magagawa. Nawasak na yung bahay namin. Nakadapa na lang kami sa sahig, akala ko talaga katapusan na. Sinasabi ko na lang na kahit ako na lang yung kunin, wag lang yung asawa at anak ko."

Napansin kong hindi nya nababanggit ang mga salitang "dasal", "salamat sa Diyos" o "sa awa ng Diyos" na karaniwang ginagamit ng mga may pinagdaanan sa buhay, at nakaligtas. Nakalimutan lang ba nya? May galit ba sya? Hindi ko alam.

Gusto ko sanang itanong kung ano ang pumapasok sa isip nya tuwing lumalabas yung salitang "SURGE" sa Uber driver app nya. Matutuwa ba sya kasi dagdag na kita, o maaalala nya yung sinapit nya noon sa storm surge?

Kinwento rin nya ang buhay nila paglipat dito. Naninibago pa rin daw sya sa Maynila. Sa Tacloban daw, walang barumbadong driver. Hindi sya ina-agrabiyado ng boss nya. Simple lang daw ang buhay. Sabi ko na lang,

"Kuya, kung si Yolanda nga, nalampasan ninyo e. Sisiw na sisiw na lang ang Maynila. Basta sipag lang at wag kayong magpapalamang kahit kanino, aasenso kayo. Tiwala lang. Hindi na po kayo biktima dito. Kayo na ang bida."

Pag-uwi ko sa bahay, niyakap ko yung misis ko, tapos dun na ako naiyak. Luha siguro ng pasasalamat na nandito pa sila sa piling ko, na may bubong sa ibabaw ng bahay namin, na wala pa kaming pinagdaanang matinding sakuna.

Paglabas ng Uber receipt sa telepono ko, binigyan ko ng 5 stars si Kuyang Driver sa "Rate Your Ride": 5 stars para sa safety at convenience ng biyahe ko pauwi.

5 stars din para sa tibay ng loob nya upang magpatuloy at muling itayo ang tahanang winasak ng bagyong Yolanda